Press Release
September 28, 2022

Robin, Balak Isabay ang Charter Change Referendum kung Ma-Postpone sa 2023 ang Barangay Elections

Kung sa susunod na taon na gagawin ang eleksyon ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan, maaaring isabay dito ang referendum kung saan tatanungin ang taumbayan kung payag sila na magkaroon ng pagbabago sa ating Saligang Batas, ayon kay Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla.

Ani Padilla, bagama't tutol siya sa una na ipagpaliban ang eleksyon, may napakagandang oportunidad na lumabas dahil marami na ang humihingi ng amendment at rebisyon sa Konstitusyon.

"Gusto kong ipaalam sa ating lupon na ako ay magpapasa ng panukala na kung tayo po ay pwedeng sumabay sa eleksyon na ito para tanungin ang taumbayan para sa isang referendum," ani Padilla, na tagapangulo ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, sa sesyon ng Senado nitong Miyerkules.

Dagdag niya, sinabi ni minority leader Sen. Aquilino "Koko" Pimentel III na maaari itong gawin.

Niratipikahan ng Senado ang bicameral conference committee report sa pagpapaliban ng barangay at SK election sa Oktubre 2023.

"Kaya kinukuha ko na po ang pagkakataon na ito para sabihin sa ating lupon na mas maganda siguro isabay na natin diyan sa eleksyon na yan ang paghingi natin ng mungkahi ng mga taumbayan at gumawa na po tayo ng referendum at tanungin na natin sila, isabay natin diyan kung kailangan na po ba talaga tingnan po natin kung kailangan nang baguhin ang Saligang Batas, tanungin natin ang taumbayan," aniya.


Robin Eyes Timing Charter Change Referendum with 'Postponed' Brgy-SK Polls

If the barangay and Sangguniang Kabataan election will be postponed for late 2023, Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla is eyeing holding a referendum on Charter change to coincide with it.

Padilla said that while he was initially against the postponement of the polls, he sees an opportunity stemming from the clamor for amendments and revisions to our Constitution.

"Gusto kong ipaalam sa ating lupon na ako ay magpapasa ng panukala na kung tayo po ay pwedeng sumabay sa eleksyon na ito para tanungin ang taumbayan para sa isang referendum (I want to let the Senate know that I intend to pass a bill for a referendum that will coincide with the postponed barangay/SK elections)," said Padilla, who chairs the Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, at the Senate session on Wednesday.

He added he had asked Senate minority leader Aquilino "Koko" Pimentel III on the matter, and was told that this was feasible.

The Senate on Wednesday ratified a bicameral conference committee report for the postponement of barangay and SK elections to October 2023.

"Kaya kinukuha ko na po ang pagkakataon na ito para sabihin sa ating lupon na mas maganda siguro isabay na natin diyan sa eleksyon na yan ang paghingi natin ng mungkahi ng mga taumbayan at gumawa na po tayo ng referendum at tanungin na natin sila, isabay natin diyan kung kailangan na po ba talaga tingnan po natin kung kailangan nang baguhin ang Saligang Batas, tanungin natin ang taumbayan (I am taking this opportunity to say that it would be good to have the referendum coincide with the elections - let us ask the people what they think)," Padilla said.

*****

Video: https://www.youtube.com/watch?v=jo-rYApIUxw

News Latest News Feed