Press Release September 17, 2023 DZBB DOBOL B BANTAY SA KONGRESO INTERVIEW NI SENATOR WIN GATCHALIAN HINGGIL SA SIM CARD REGISTRATION AT POGO ON SIM CARD REGISTRATION Q: Doon sa mandatory sim registration, bakit po meron pa ring scam na nangyayari? SEN. WIN: Napakagandang tanong yan at lumabas sa pagdinig ni Senator Poe, si Senator Poe ay nagsagawa ng isang pagdinig tungkol dito sa Sim Registration at lumalabas nagulat nga rin ako na pati unggoy nakakapagregister ng sim card. So ang ibig sabihin ang mga telco tanggap lang ng tanggap ng registration kahit na ang ID ay peke, kahit na anu-ano ang nakalitrato sa ID. At kumbaga hindi sila gumagawa ng validation o wala silang validation process at wala ring ginagawa ang mga telco para masala kung ang mga nagre-register ay tao ba o hindi tao. So ang ibig kong sabihin maganda ang layunin ng batas pero may pagkukulang sa pag-iimplementa lalo na pag-implementa ng telco. Q: Isa po sa sinabi ng mga taga-NBI, 17 daw ang IDs na pwedeng gamitin sa pag-register eh sa ibang bansa daw po kasi bago nagpatupad nitong mandatory sim registration, meron na sialng national ID system so isang ID lang ang gagamitin. Kailangan ho ba itong gawing remedyo o gawan ng remedyo? SEN. WIN: Actually bigyan ko lang ng konteksto bakit naging 17 yan. Kung matataandaan natin nung pinagdedebatehan itong prepaid sim card, sinasabi ng ibang anti-registration na maraming mga tao ang hindi makakapagrehistro dahil wala silang national ID o wala silang ID. Kaya ang ginawa ng kumite, dinamihan ang mga ID na pwedeng gamitin. For example, tinitignan ko nga ang batas, for example police clearance, PRC ID, OWWA ID para lahat ay makapag-rehistro in-expand yan para ma-accommodate lahat pero naabuso naman. Ang layunin ng batas ay ma-accommodate lahat para lahat ay makapag rehistro pero inabuso naman ng mga hindi magaganda dahil yun na nga ang mga ID na ipinasok nila, walang litrato o unggoy ang nakalitrato kaya feeling ko may magandang dahilan na dapat limitahin na lang natin ang ID sa national ID kasi ang national ID mahirap kopyahin, may biometrics ito. Hindi naman lahat ng ID na nakasulat sa batas may biometrics. Ang national ID may biometrics kaya tingin ko isa sa pwedeng amyendahan, limitahan ang number of IDs na pwedeng gamitin. Q: Kaya lang po kung lilimitahan alin dun ang pwedeng maiwanan? Yung national ID eh di ba nga hanggang sa ngayon ay wala pa. Tapos marami pa pong issue sa national ID, hindi hinohonor sa ibang ahensya. SEN. WIN: Actually, ka-klaruhin ko yan, ang national ID nakasaad sa batas dapat tanggapin ng lahat ng ahensya ng gobyerno at lahat ng private corporations. Ngayon nakakuha din ako ng impormasyon na ang mga bangko di tinatanggap ito dahil wala raw signature. Kaya nga biometrics ang ginagamit natin dahil hindi na kailangan ng signature, dahil ang signature pwedeng kopyahin yan. Kaya biometrics ang ginagamit dahil talagang mahirap kopyahin. Pero naglabas na ang Philippine Statistics Authority at ang BSP ng memorandum sa lahat ng mga bangko na dapat tanggapin ang national ID at uulitin nga natin ito dahil nga nawalan na ng saysay ang national ID dahil ang intensyon ng national ID iisa na lang ang ID natin para sa lahat ng paggagamitan dahil nga ito ay naka-biometrics at mahirap kopyahin o hindi kayang kopyahin. Ngayon, dapat talagang higpitan at ipaalam sa lahat na yan talaga ang dapat tanggapin ang national ID, walang organisasyon na hindi pwedeng tanggapin ang national ID. Babalik lang ako doon sa sim card, dahil po mas maraming ID mas mahirap i-validate. Bigyan kita ng halimbawa. Yung senior citizens card, dahil sa LGU lang kinukuha yan, yung PWD card sa LGU lang kinukuha yan. At ito nakita ko ito na may mga taong ang bilis makakuha ng PWD ID. May mga kakilala ako ang lalaki ng katawan pero PWD para lang makakuha ng ID. Meron nga akong na-encounter ang lakas uminom ng beer at gabi-gabi lumalabas pero may PWD ID. So ang gusto kong sabihin lang, napakadaling kumuha dahil LGU yan at hindi naman nava-validate ng mabuti rin ng lahat ng LGU. 1,600 LGU tayo hindi nabavalidate nang mabuti kung PWD siya o senior citizen. Pwedeng gamitin ito eh. Pwede kang kumuha ng PWD ID sa LGU at gamitin mo para bumili ng sim card. Q: So paano ito Sir nasa batas po 17 naka-enumerate poa ng IDs na acceptable so paano po kailangan na bang amyendahan itong batas na kabagu-bagong batas o pwedeng isuspend, iclarify sa IRR? Ano pong remedy dito? SEN. WIN: Nakikita ko kasi dahil meron tayong problema ngayon. Nakita ko ang problema ngayon kaya nagkakaroon ng maraming pekeng pagre-register ay yung ID ay peke at pangalawa hindi nava-validate at hindi sinasala mabuti ng telco. Dalawa yan, una ang ID pwedeng mapeke, pangalawa, hindi nasasala ng telco mabuti ang mga nagpaparehistro. Kaya dalawang approach ang nakikita ko dyan, pwede namang limitahin muna ang number of IDs pwedeng gamitin, for example passport pwedeng gamitin yan, mahirap pekein yan. Yung national ID pwedeng gamitin, driver's license pwedeng gamitin pero yung ibang ID na madaling pekein o madaling kunin pwede muna i-suspend at ipo-propose ko nga na amyendahan ang batas at ilimita lang doon sa mga ID na talagang secure at mahirap pekein. Pangalawa, ang mga telcos, kung unggoy na ang nagpaparehistro sa iyo, obvious naman yun na peke yun di ba? Q: Sir, ang narinig ko pong katwiran ng isang telco sa hearing, kasi raw automatic nang papasok sa system, hindi nila nakikita. Ibig sabihin ang artificial intelligence ang gumagana, hindi ho ba dapat meron na silang kakayahan dito? SEN. WIN: Meron talaga. Ang artificial intelligence nade-detect nyan kung tao o unggoy ang nagpaparehistro kaya nga itong artificial intelligence nakakatakot, dahil kung mag-isip sila parang tao. So sa akin hindi dahilan na hindi nila kaya, kung hindi artificial intelligence, yung tao mismo yung kanilang call center agents ang magsala mabuti. At pangalawa tingin ko pag-aralang mabuti kung kailangan magkaroon ng validation process. Kung nagparehistro at gamit PWD, pag-aralan ng NTC kung kailangan magkaroon ng validation process kung talaga, for example kumuha siya ng PWD ID sa isang LGU, i-validate kung talagang tama o ito o hindi dahil walang validation process. Q: Kailangan din ho bang i-limit ang pagmamay-ari na sim at yung pwedeng i-register na sim kasi ngayon ho wala namang limit. Kaya doon sa NBI report po, ang sabi ng NBI merong nagbebenta online sa Facebook pa nga, nagbebentya ng prepaid na sim na binibili naman ng mga taga-POGO. Nasa P50 per sim eh kung makailang libong pre paid sim malaki ang kita nito. SEN. WIN: Walang limit. Kaya ang nangyayari ngayon, nakita ko kasi ang trend na nangyayari, magpaparehistro sila gamit ang pekeng ID o gamit ang pekeng picture, kapag narehistro nila ang sim card na yun, ibebenta nila sa internet, lantaran, walang hiya hiya, sa internet binebenta pekeng identification, registered sim card na gamit pekeng identification pati nga e-wallet dahil kung meron ka nang pekeng sim card, pwede ka na mag register ng e-wallet at ang e-wallet pwedeng pasukan ng pera ngayon kaya nakikita ko na itong mga pekeng e-wallet, pekeng sim card, pekeng identification, binebenta naman ngayon sa mga POGO at ginagamit sa mga scam. Kung matatandaan natin merong isang POGO facility na libo ang nakuha, 80,000 ata. Q: Sir sa Las Pinas, 80,000 tapos sa Pasay nasa 27,000 po ang nakuhang sim at ang misteryo Sir meron pang unopened pero nakaregister, wala pang paliwanag kung ano nangyari. SEN. WIN: Sabi nga ng NTC ang nakarehistro ngayon 118 million sim cards. Ang bilang ang adult sa atin ay 70 million, ibig sabihin pati sanggol may sim card sa atin kaya nga sinasabi ko marami sa nagpaparehistro doble o mas maraming sim card ang pinaparehistro at ngayon nakikita natin na kaya pala maraming sim card ang pinaparehistro binebenta sa hindi magagandang gawain. Q: Pwede Sir ilimit po ang ireregister na sim, possible po ba yun? SEN. WIN: Ang pananaw ko dyan, hindi natin maisaayos itong identification validation at hindi maiayos ng telco ang kanyang sistema para masuring mabuti kung tama ba ang nagpaparehistro o accurate ba ang nagpaparehistro. Tingin ko dapat ilimita natin pero sang-ayon din ako na hindi rin pwedeng masyadong malimit dahil marami ring lehitimong negosyo na gumagamit nun. For example, sa mga negosyo, let's say ikaw ay nasa sales, meron kang dalawa o tatlong sim cards na ginagamit mo para sa mga sales account mo o sa sales agent mo, marami sa mga kumpanya na meron silang tinatawag na official sales number sa pagbebenta. Pero dahil meron nga tayong nakikitang problema tingin ko pwedeng limitahin muna hangga't maiayos natin ang sistema ng validation ng identification. Q:Sir, mabaling lang po ako anyway ang sabi po ng NTC maglalabas sila ng panibagong implementing rules and regulations kailangan ho ba may consultation muna o gusto nyo ho bang makita yung draft para masiguro po na papasok doon ang kailangan na ipasok po na bagong regulasyon? SEN. WIN: Ang NTC dapat naman maging alisto. Nung nag-hearing kami parang feeling ko hindi sila agaran na kumikilos. Alam naman natin na may problema na, yung unggoy nga na nagpaparehistro pinalabas na nga ng NBI pero parang sa kanila okay lang wala silang ginagawa ituturo lang ang telco, wag tayong magturuan. Alam nating may problema. Alam natin itong mga problemang ito nagdudulot sa mga scamming, ginagamit ang POGO sa hindi magaganda eh, kaya dapat umaksyon tayo. Kaya yung paglabas nila ng bagong regulasyon, sana ito ay masolusyunan itong mga problemang nakikita natin lalo na yung paggamit ng pekeng identification at paggamit ng POGO dito sa mga pekeng sim cards. POGO Q: Nabanggit ninyo ang POGO, nasaan na po ang inyong ginawang committee report hinggil sa operation ng POGO? Meron kayong recommendation na ipasara na o totally iban na, nasaan na? SEN. WIN: Tuloy-tuloy naman ang pagkuha namin ng mga signature, tuloy-tuloy naman ang aming pagdinig kaya nga nakita ko ito ay mahabang laban at dapat tuloy-tuloy lang ang ating laban dahil ang krimen na dulot ng POGO ay nakakakot dahil libo na ang pinag-uusapan natin, hindi daan. For example, yung human trafficking victims 2,000 na yung na-rescue at meron bagong trend tayong nakikita na itong mga POGO ay nagagamit sa scamming, tulad ng crypto scamming, love scam, in fact, may mga kausap ako sa security cluster ng ating gobyerno talagang aminado sila na nagagamit ang POGO as a front sa mga scamming at human trafficking na ginagawa dito sa ating bansa. Kaya hindi lang economic side pati national security side aminado lahat na hindi maganda ang naidudulot nitong POGO. Pero tuloy-tuloy lang ang laban at ako naniniwala ako na makakakuha rin tayo ng signature at higit sa lahat makukuha natin ang suporta ng executive. Q: So yun nga nasagot bakit nyo pinag-usapan sa security cluster itong mga POGO ibig sabihin may threat na rin ito sa national security? SEN. WIN: Meron, meron na rin nga dahil nga nakita natin yung sa Clark, nakita natin yung sa Pasay, nagagamit siya sa human trafficking at dahil nga nagagamit sa human trafficking iba-ibang krimen ang pinapasukan nitong POGO, for example nga money laundering kasama na rin dyan, pangalawa yung scamming kasama na rin dyan at ngayon nga gusto pa nating magluwag ng pagbibigay ng visa sa mga Chinese nationals, wala namang problema kung yung Chinese national ay lehitimong tourist pero kung may criminal record, ang iba pa nga pugante. Kung matatandan natin sa hearing, 17 Chinese national ay fugitives, mga pugante na nandito nagtatrabaho, nagnenegosyo kumikita nakakatakot kung dadalian pa natin at magiging madali ang pagkuha ng Visa papasok sa ating bansa. Q: Sa tingin po ninyo how soon na dapat mag-decide na ang ating pamahalaan dito sa mga POGO na ito kasi tumatagal na ho at patuloy pa ang pagkakadiskubre ng mga iligal dito. Kagaya nga nun yung POGO hub sa Las Pinas at Pasay na nakunan po ng libu-libong mga sim, apparently yung mga sim gamit sa mga love scam at cryptocurrency scam. SEN. WIN: Correct. Kapag tumatahimik at walang nahuhuli akala natin maayos na. Kapag may nahuhuli saka lang tayo ulit nagrereklamo at nagrereact. Ang tingin ko andyan lang yan may mangyayari at mangyayari na hindi maganda sa mga darating at hindi porke tahimik lang at walang nangyayari ay dapat magre-relax na tayo, dapat patuloy na natin, patuloy lang ang laban at dapat isara na ito dahil sa totoo lang wala tayong nakukuhang maganda, krimen lang ang nakukuha natin at ang bansa natin hindi tumatahimik, hindi naaayos ang peace and order situation natin. Q: Malikot lang isip ko kasi nung humarap sa Commission on Appointments si Sec Teodoro sabi nya ang gyera natin sa West Philippine Sea ang tinitignan ng pamahalaan hindi yung outright na gyera na magpuputukan tayo, ang kailangang tignan yung dinadale tayo sa ekonomiya, sa iba't ibang sektor eh baka mamaya through POGO nagagamit na rin ito. SEN. WIN: Possible yan. Ang iniisip ko, kahit ako iniisip ko rin, andito yan para magulo ang sitwasyon sa atin. Ma-distract tayo sa peace and order situation. Kung makikita natin ang ating atensyon at ang kapulisan natin ay nadi-distract dahil nga sa mga krimen na nangyari. At hindi lang nadi-distract, corruption ang nangyayari, nalalagyan si Bureau of Immigration, nalalagyan din po ang ibang awtoridad natin at nalalagyan ang ibang mga enforcers at nakakatakot dahil sa laki ng perang umiikot, kung hawak na nila ang enforcers natin ay saan pa tayo tatakbo. Kaya ako ang aking pananaw, dahan-dahan kasi na napapasukan o nai-infiltrate ang ating enforcers. Kung ang ating kapulisan ang ating mga enforcers ay makukuha nila o malalagyan nila, nakakatakot talaga dahil wala na tayong tatakbuhan. |
Wednesday, December 4
|