Press Release
August 25, 2020

Opening Statement of Senator Risa Hontiveros
Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development

Marahil narinig nyo na ang kasabihang 'Kayod Marino'. Kapag marino kasi, ginagawang umaga ang gabi, at ang gabi ay umaga. Walang pagod sa pagta-trabaho, nagsusumikap, nagtitiyaga sa kabila ng panganib sa dagat, at lungkot na mawalay sa pamilya. Hindi matatawaran ang dedikasyon nila sa trabaho kaya hindi na nakakapagtakang karamihan sa mga seafarers sa buong mundo ay mga Pilipino.

Hindi rin matatawaran ang ang kanilang kontribusyon sa ating ekonomiya. Mula 2010 ay umabot sa tatlo hanggang anim na bilyong dolyar ang kanilang remittance kada taon.

Kung wala sila, wala rin ang shipping industry na nagdadala ng karamihan sa mga inaangkat na pagkain o produkto sa buong mundo. Wala ring mga entertainer, magagaling na cook, receptionists, bartenders, technician, bell boys and girls sa mga cruise ships.

Pero matindi ang dagok ng COVID-19 sa pagbabarko. Our seafarers are now more vulnerable to illegal termination, decreased or unpaid salaries, unsafe working conditions and other forms of abuses.

Maraming cruise ships ang hindi makapaglayag, at mga barkong hindi pa makadaong dahil sa COVID-19 pandemic. Aabot sa higit 40,000 sea-based overseas Filipinos ang umuwi na sa bansa, at libo-libo pa ang nanganganib na mawalan ng trabaho at inaasahang marerepatriate sa susunod na mga buwan.

Isa sa malalaking hamon para sa umuuwing marino ang kung paano sila patuloy na magiging 'provider' sa kanilang mga pamilya lalo't hindi natin alam kung makakabalik pa sila sa barko o kung may babalikan pa bang industriya ng pagbabarko. Kaya dapat may nakalaang isang expanded reintegration program para sa kanila. May livelihood development, training programs at job placement services para sila ay may opsyon sa kanilang bagong simula. Kabilang din ito sa aking panukala.

Habang walang kasiguraduhan ang lahat, tayo sana sa Senado ang magsigurado sa ating mga marino na may aasahan sila ngayong sila naman ang nangangailangan.

The Magna Carta for Seafarers provides a comprehensive package of reforms to the legal framework regulating the maritime labor industry so the rights and welfare of seafarers are better protected before, during, and after deployment. It mandates comprehensive reintegration programs, free legal assistance and other workplace protections for Filipino seafarers that will help them better cope with the COVID-19 pandemic. Through this proposed bill, the government can better help the thousands of Filipino maritime workers whose livelihood were badly hit by the effects of the pandemic to global markets.

Malaki na ang naitulong ng hanay marino sa ating bansa, pero ngayong panahon ng krisis, sila ang nangangailangan ng ating malasakit at suporta. They deserve better protections as they deal with this difficult moment for the global maritime industry.

I hope my fellow legislators can stand alongside our brave seafarers and support the reforms in the maritime industry embodied in this proposed Act.

News Latest News Feed