Press Release
September 5, 2020

Transcript of interview of Senate President Vicenet C. Sotto III with Ms. Cely Bueno of DWIZ

On the Committee of the Whole report on PhilHealth.

Q: Dahil magkakaroon pa kayo ng period of amendments, pwede pa pong mabago sa committee report?

SP Sotto: Oo, may mga nadagdag. Nasabi naman nila during the period of interpellations kung anu-ano yun. Si Sen. Drilon, gusto niyang magkaroon ng actuarial review coming from other agencies., hindi lamang sa PhilHealth. Di ba ang PhilHealth merong sarili nilang parang actuarial (unclear) review nung mga records nila or nung finances nila, so yun yun. Ngayon, mga ibang agencies yun. Si Sen. Villar, may mga (unclear) na mga amendments si Sen. Villar, mga recommendations pala, naipasok na yun. Yung mga recommendations namin, para lang malinaw, hindi galling sa akin mag isa. Galing yun sa mga at least nine or ten senators, mga proposals nila or recommendations. Kaya lang, yun nga, meron pang dagdag, yung si Sen. Drilon na sinabi, tapos si Sen. Pimentel pina amend yung recommendation ni Sen. Villar. Yun lang, so yun yung sa part ni Sen. Pimentel. And then ano pa ba yung isang recommendation? Hindi ko na matandaan pero merong isa pa yatang dagdag. In other words, based on the interpellations doon sa committee report na may kopya naman silang lahat at yung sponsorship speech ko na probably mga 40 percent of the entire committee report yung nasabi ko doon pero hindi ko na inelaborate yung iba, nandoon naman at nabanggit ko. Nabasa naman ng lahat ng senador yun. Even before I delivered my sponsorship speech, I sent them copies of the committee report kaya nga 22 senators yung nagsign. Wala akong nakikitang problema sa period of amendments because puro padagdag, walang padelete.

Q: Walang...

SP Sotto: Nirerecommend silang idelete? Wala. May nirerecommend silang dagdagan.

Q: Are you expecting na kung ano man yung mga recommendations na yun, mareretain po yun, pwede lang na madagdagan, walang madedelete?

SP Sotto: Oo. Correct, yun ang nakikita ko sa Monday.

Q: Magka contra po ba kayo ni Sen. Lacson pagdating sa recommendation na kasuhan si Health Secretary Duque?

SP Sotto: Hindi. Nung una, parang feeling lang ni Sen. Lacson baka hindi malinaw kung ano ang participation. Pero after nung period of interpellation, nag uusap kami at saka narinig naman niya yung ano, siya mismo nakita niya na oo nga ano, mahirap nga palang sanggahin yung Article 217. So sapul sila roon, hindi kayang kumaila ang isang chairman of the board kung merong kinilos yung...may kinilos yung ahensiya mo, na lahat ng kilos dapat ay alam ng board, therefore yung chairman of the board hindi pwedeng hindi niya nalaman lahat yun. At saka yung buong ahensiyang yun ay nasa ilalim ng departamento mo na chairman of the board. So Paano mong sasabihin ngayon? Sa tingin mo ba patatawarin ang senado ng mga taong bayan na naririnig nila at nanonood sa hearing, alam nila ang nangyayari? Patatawarin ba kami kung sabihin namin na hindi pwedeng isama yung Secretary of Health, hindi ba?

Q: Hindi excuse na hindi siya kasama nung iimplement yung IRM, nung lagdaan yung memo or resolution tungkol doon, hindi yun excuse. Will bilang chairman of the board?

SP Sotto: Hindi pwedeng excuse yun pag ginamit mong excuse yun, you are pleading guilty to the Revised Penal Code Article 217 dahil negligence. Hindi pwede. I think they better come up with a better excuse, hindi excuse yun. Imposible unless ipipilit mo nga na hindi mo alam, then you are pleading guilty to 217. Negligent ka.

Q: May kapabayaan ka bilang chairman of the board.

SP Sotto: Oo, 632 counts of negligence. 632 ung mga ano nila, mga actions.

Q: Na kung saan sa bawat count, ano ang penalty doon?

SP Sotto: Naku yun ang hindi ko pinaghandaan, hindi ko matandaan, nandoon sa computer ko.

Q: So, on Monday ineexpect ninyo na maaadopt na itong committee report?

SP Sotto: Oo, I expect that it will be adopted.

Q: At hindi magtatapos yun sa adoption, dapat magbunga pa ng pagfile ng kaso, at pasulong ninyo ng mga kinakailangan pang panukalang batas.

SP Sotto: Oo, imomonitor namin syempre yun at saka ako ay umaasa doon sa sinabi ni President Duterte na walang makakalampas dito, pakakasuhan niyang lahat. Yun ang sinabi niya, lahat ng involved kakasuhan niya, kaya nga doon sa committee report at sa recommendation namin, it does not confine the recommendations to the top eight officials. May blanket doon na statement na and all other officials and employees who have connived, or were involved in the blank blank blank, ganoon. (Unclear) participated in the releases, ganyan, depende kung ano sa points yung sinasabi namin In other words, nasa kamay ngayon ng DOJ kung alin pa at sino-sino pa ang involved dito, and they are in a better position to say because they have the National Bureau of Investigation under them sa DOJ, kaya nga kayang-kaya nilang imbestigahan yan. And then they can coordinate with the Anti-Money Laundering Council because the Anti-Money Laundering Council is being also recommended that they participate in this investigation.

Q: May initial na paguusap kayo kay Justice Sec. Menardo Guevarra? Meron na ba siyang nabanggit na ito nakita namin, mga irerekomenda nilang kasuhan?

SP Sotto: Ang masasabi ko lang, the truth is nag usap kami bago ako mag sponsorship speech. I told him that I will be sending a copy of the committee report. He more or less knows the committee report because he has monitored the hearings sabi niya sa akin, so medyo alam niya. Alam niya yung laman, alam niya yung mga pwedeng tamaan. Hindi pa kami naguusap ulit after except text lang na sinabi ko nasend ko na at inaknowledge naman niya yung receipt.

Q: May initial na sinabi si Sec. Guevarra nung nagreport siya kay Presidente two weeks ago na sinasabi niya, itong sa legal sector, parang dito nagmumula yung maraming irregularities. Maging sa recommendation, yung pangunahing kasuhan, itong si senior vice president for legal sector na si Del Rosario?

SP Sotto: Oo. Alam nila, yung legal sector maraming sabit, maraming mali, marami ring anomalya na nangyari.

Q: So itong si Del Rosario ang talagang mukhang tagilid talaga?

SP Sotto: oo palagay ko talagang mananagot sila.

Q: Pero ang Kamara gusto nila bigyan ng special power si Presidente para maisagawa yung kaukulang paglilinis, reorganization, dito sa PhilHealth?

SP Sotto: Sa amin kasi at karamihan sa mga nakakausap kong miyembro ng Senado, my personal opinion, halos lahat nh kailangang powers ng Presidente para sa ganyang mga pagkakataon, ay nasa kanya. Kaya niyang gawin lahat yan without declaring na bibigyan namin ng emergency powers, unless meron silang gustong ibigay na powers na hindi namin alam. Siguro pinakamaganda doon, paalam sa amin, anong emergency powers ang ibibigay na hindi kayang gawin ng Presidente ngayon? Ako mismo, ang pagkaka alam ko, at tanungin mo yung mga expert sa constitutional law, sa buong region nito ng mundo, yung Presidente ng Pilipinas ang pinaka powerful na Presidente. Maraming power ang Presidente ng Pilipinas na wala yung Presidente ng Indonesia, bukod sa kung anu-ano pa.

Q: Kung sakali nga na isinusulong ng House na emergency powers na ibigay kay Presidente ay para lang dito sa paglilinis, reorganization, ng mga reforms sa PhilHealth, ito ay hindi susuportahan ng Senado?

SP Sotto: Kung meron ngang bago. Kung merong ibibigay sa Presidente na hindi niya kayang gawin sa kasalukuyang powers na meron siya, siguro papayag ang Senado. Pero kung ang sasabihin ay puro mga pwede naman niyang gawin na wala yun, bakit pa?

Q: May naisip pa ba kayo na under the present power or authority na meron si Presidente, meron pang hindi niya kayang gawin para linisin ang PhilHealth?

SP Sotto: Hindi, wala eh. Ang tingin ko political will lang talaga ang kailangan. May mga sisibakin, may mga papalitan, may mga tatanggalin, may ililipat, ang daming paraan. Nasa iyo ang DOJ, nasa iyo ang Solicitor General. Yung SolGen, tanungin mo siguradong sasabihin kayang kaya ng Presidente yan. Sigurado yun ang isasagot ng SolGen.

Q: Are you expecting within the year may makakasuhan?

SP Sotto: Oo, I am expecting that. Hindi hadlang itong sinasabi nilang ginagamit na excuse ng iba, eh may pandemic eh, dapat yun lang ang asikasuhin. Mali kasi sinasabi nga ng administration na naka setup na yung mga plano at programa para sa pandemic, ongoing na. Mula nung Marso, mula nung February nung pinagusapan namin ni Sec. Dominguez yan kung natatandaan mo, hindi ba sabi ko na kaagad pinagusapan na namin yan, February pa lang. Marso pa lang nakalatag na yan. So, from March up to now, nakalatag ang mga programa ng gobyerno. Yung mga kontra lang sa administration ang nagsasabi na wala, pero naka setup. Naka setup yan so hindi maaabala yan kung magkaroon ng palitan ng namumuno. Parang binibigay ko nga na example, sabi nila di ba yung kasabihan sa English na why are you changing horses in the middle of the field? Sabi ko I am not changing the horse; I am changing the rider. Yung horse, pag tinuro mo kung saan, doon pupunta yun.

Q: So, mas mahalagang mapalitan yung nag...

SP Sotto: Yung nagpapatakbo or yung nainvolve sa mga anomalya, aba ay palitan mo or alisin natin at kasuhan natin yung mga yun, di ba? Dapat ganoon.

Q: Kahit nasa gitna ng laban?

SP Sotto: Nasa gitna nga ng pandemya, tingnan mo ang ginawa. P14.8 billion, hindi ba? Nakinabang ba yung mga natatamaan ng Covid diyan? Yung mga kababayan natin, nasa ilalim, maulan, maarawan, pila para sa PhilHealth, pila sa hospital, nakapila walang pambayad yung nanay niya, di ba? Pagkatapos binanatan mo ng mula Marso hanggang June na kung kailan nagawa pa lang yung tama ay June pa lang, binanatan mo ng P14.8 billion ang nirelease mo? Hindi pwede, hindi patatawarin ng taong bayan yan.

Q: So ineexpect ninyo ngayon, lahat ng mga hospitals na maraming Covid cases immediately mabibigyan na ng pondo?

SP Sotto: Dapat, at saka dapat yung mga nabigyan na hindi dapat, mag liquidate agad dahil hindi pa sila nagliliquidate. Wala pa raw 30 percent yung liquidation. Mag liquidate sila, at yung sobra ang recommendation nung iba, si Sen. Villar, yung sobra hindi ninyo maisauli, itayo ninyo ng mga testing laboratories. Itayo ninyo ng ganito... ang iba naman sa amin, ang sinasabi, hindi, isauli ninyo. Pag hindi ninyo ginawa yan, kayo ang kasunod. Yung mga hospital na nainvolve na ganyan, kayo ang kasunod na kakasuhan ng DOJ.

Q: Sino ang mandato na para ipasauli yung unused na magpatayo ng laboratory testing centers?

SP Sotto: PhilHealth ang sinabi namin, ang nirekomenda namin sa committee report na ang PhilHealth, sila mismo ang manguna na makipag coordinate sa mga pinagbigyan nila. Pag sinabi kong PhilHealth, yun yung PhilHealth leadership. Siguradong babanatan ni Dante Gierran yan, NBI dati yan.

Q: Meron na ba kayong initial na pakikipagusap kay Gierran para to make sure na yung mga recommendations sa committee report ay ipapatupad niya?

SP Sotto: Oo. Sabi nga niya maganda yung committee report natin sapagkat aside from his investigation na sarili, meron na siyang starting point on those issues kasi may mga issue pa siya na tatalakayin. So, all those issue daw. At least may starting point siya, hindi siya masyadong matatagalan or mahihirapan. Nabanggit niya yun sa akin.

Q: On the 2021 proposed budget, meron po na P71 billion na subsidy sa PhilHealth?

SP Sotto: Oo, hindi pwedeng galawin kasi nakatuon pa rin sa pandemic yun, at saka pang alalay pa rin habang hindi natin nalilinawan yung mga iba pang nirereview at pinag aaralan pa at hinahanap pa na finances ng PhilHealth. Hindi pwedeng pabayaan yun.

Q: So magbibigay ito sa PhilHealth?

SP Sotto: Mabibigay yun, palagay ko walang problema. Kahapon ay kamiting namin ni Sen. Sonny Angara, who is chairman of the committee on finance, kamiting namin si Sec. Avisado at isa yun sa mga napagusapan. Sigurado ipapakiusap ng Presidente, wag galawin P71 billion para sa pandemic ng PhilHealth.

Q: Yung P71 billion naka allot yun para pa rin sa Covid?

SP Sotto: Karamihan, yes.

Q: Kung hindi ibibigay yun, bangkarote na talaga ang PhilHealth?

SP Sotto: Hindi naman. Depende sa actuarial studies nga na mangyayari kasi pag yung dating taga PhilHealth ang sasabihin, parang nananakot, hindi ba? Pero may mga nagsasabing hindi eh, hindi accurate yun. Tingnan natin. Yun nga, kasama sa recommendation ng committee report namin na pag aralang mabuti at gumamit ng taga labas, gumamit ng ibang ahensiya na magaling din pagdating sa ganyan.

Q: At pati yung sa kanilang IT program parang isource na rin sa labas, sa mga credible or reputable na IT company?

SP Sotto: Correct, recommendation din namin yun. Wala ng problema ang gobyerno sa overpricing, walang problema sa sakit ng ulo basta iki-clear lang sa DICT yan, di ba? Mas maganda na outside source na lang.

Q: Si Sen. Gordon hindi naman nagtampo na hindi siya nakapag report nung kanyang draft report tungkol naman sa ginawang imbestigasyon ng Blue Ribbon sa iba pang issue ng katiwalian sa PhilHealth?

SP Sotto: Hindi naman siguro kasi nung kinabukasan, nung Wednesday na period of interpellation, originally pinapasok sana niya sa agenda na maging parang amendment or parang secondary report, eh kaso mas mahaba pa yung secondary report kesa doon sa original report at kasama pa doon yung mga nakaraang Congress, 17th Congress nalaman, s sinasabi nung ibang kasama namin, (unclear) I think Sen. Dela Rosa took the floor to say na sabi nga niya, ang daming paguusapan diyan sa isang committee report na yan, merong sariling palo yan, bakit natin isasama lang, sabi niya we should take it up. So, the suggestion of the body then to Sen. Gordon was to take it up separately. Tutal marami talagang kakaiba doon na mga issues. At saka yun yung mga hearing last year pa, so imbes na ihabol lang yun dito sa committee report ng Committee of the Whole, sariling committee report na lang ng Blue Ribbon which is I think we will be done on Monday.

Q: Paano kung hindi pa siya makakuha ng signature ng majority ng miyembro ng Blue Ribbon on Monday?

SP Sotto: Siguro naman makakakuha.

Q: Papayagan ninyo siya?

SP Sotto: May mga procedures naman doon kung paano yun, alam nila yun.

Q: Kasi nakausap ko si Sen. Gordon, talagang determinado siya na maireport out, makakuha man siya or hindi ng signature ng majority, kasi parang nagbibilang siya, mukhang kulang yung pwedeng pumirma doon sa kanyang committee report.

SP Sotto: Diyan umaandar ngayon yung mga, diyan dadaan yung mastery of the rules. Kasi kung ako yun, wala akong signature pero meron akong committee report. Gusto kong madaliin, pwede namang maghintay yan para paikutin, pero kung matatagalan, gusto ko mag report out, eh di mag piprivilege speech ako, babasahin ko yung report ko. Maraming strategies yan, matagal na akong tinubuan ng (unclear), 1992.

Q: Pag ganoon ang ginawa ni Sen. Gordon, mukhang ang isang session ninyo siya lang muna ang magsasalita.

SP Sotto: Pwede, depende sa haba nung ita-take up niya.

Q: Kampante ba kayo na hindi mawawaldas yung P71 billion for PhilHealth under the proposed 2021 budget dahil napalitan na yung mga namumuno doon sa ahensiya?

SP Sotto: Well, yes, sa ngayon komportable ako sa mga namumuno. At saka yung oversight functions namin kailangan gamiting mabuti, kasi dala na tayo. Kasi yung mga dati, panaka-nakang mga problema, ang problema sa mga hospital in relation to PhilHealth, hindi ba? (Unclear) tingnan ninyo, sige mula nung araw hanggang ngayon, magmula nung icreate ang PhilHealth, ang sponsor sa Senado si Sen. Webb. Si Sen. Freddie Webb ang sponsor sa Senado niyan, yung PhilHealth Law, 1994, 1995?

Q: Hindi ninyo pinopropose na iamend ang batas na nagcreate ng PhilHealth?

SP Sotto: NIrerekomenda namin. Palitan yan, yun ang isa sa mga recommendation namin, pinagusapan namin ni Sen. Pimentel. Katulad noon yung nakalagay sa Universal Health Care Law, nandoon yun, sapul yung sa PhilHealth doon, ang chairman, non-voting. Sino nagpasok noon? Labing-tatlo ang member, chairman yung isa tapos non-voting. Paano pag nag tie? Parang doon pa lang may palusot na. Madaling sabihin I did not know; I did not participate. Paano, di ka naka pirma. Pero hindi pwedeng hindi ka nakapirma ay hindi ka nagparticipate kasi hindi ka talaga dapat pumirma. Kaya nga babaguhin namin yun,

Q: Pero Pangulo pa rin yung mag-aappoint ng board member?

SP Sotto: Oo, dapat.

Q: Maraming nagtataka, bakit hanggang ngayon hindi pa napipirmahan ni Presidente itong Bayanihan 2 considering na ang lifespan nito ay hanggang December 19 lang.

SP Sotto: Nirereview lang yun, nirereview. Parang yung Anti-Terror Law matagal bago pinirmahan pero pipirmahan yun. Dahil kung hindi, within 30 days, it is as good as law.

Q: Automatic?

SP Sotto: Automatic, it will lapse into law unless i-veto niya. Hindi naman niya ivi-veto buo yun. Bakit, yun yung isa sa pwede niyang i-veto ng line veto kasi appropriation. Ang pwede lang i-line veto ng Presidente, appropriation measure, eh may appropriation measure yung Bayanihan 2. Kung karaniwan na bill, hindi niya pwedeng gamitin ang line veto, kailangan pag vineto niya, veto niya buo. Diyan, pwede siyang mag line veto diyan. Kaya natatagalan baka merong tatagpasin.

Q: Kasi malaking pera ang nakapaloob dito.

SP Sotto: Oo.

Q: Magsastart na po ba next week yung mga briefing ng DBCC sa mga senador?

SP Sotto: Nag umpisa na ang Congress ng DBCC.

Q: Susunod na ang Senate?

SP Sotto: Oo, siguro. Yan, pwedeng si Sen. Angara na ang tanungin mo diyan, hindi namin napagusapan kahapon kung kailan siya magsisimula.

Q: May balita na baka dahil sa Covid, umabot sa P13 trillion ang utang ng bansa sa pagtatapos ng termino ng Pangulo. Nakakalula po ba itong ganitong halaga?

SP Sotto: Talagang hindi maiiwasan. Ang problema kasi natin, yung bansa natin tingin ko we are a rich country masquerading as a poor country. Ang dami nating natural resources. O ngayon, ipapaalala ko lang sa inyo, nung araw, ang South Korea, nakabaon sa utang yan sa mundo, hindi lang sa America, sa IMF, kung saan-saan. Nakabangon yan, nakita mo nga, saan galling yang mga telepono, mga kotse, mga kung anu-ano, mga industry nila. Baon sa utang yan, ang ginawa nila noon, ang diskarte alam ko parang ayaw muna magbayad. Sinabi nila ayaw muna namin magbayad, parang ganoon in so many words. Ito kwento ko lang, hindi ko matandaan yung exact wording kung ano ang ginamit, pero ang tanda ko, dumiskarte sila ng ganoon Hindi muna kami magbabayad, wala kaming ibabayad eh. Pag gusto ninyo, eh di kunin ninyo ang bansa namin kung kaya ninyo, parang ganoon, parang may kasamang pananakot. Nagbabayad naman tayo unti-unti. Alam mong nahihirapan lang diyan, sa mga economic managers natin, yung mga, hindi ko lang matandaan yung exact wording, pero meron kasi tayong mga economic experts na may mga connection diyan sa international, yung IMF, World Bank, yung mga ganoon, so ayaw nilang masira tayo. Kaya gusto nila nagbabayad tayo kahit paano. Pero kung magkakagipitan, siguro pwede tayong humingi muna ng reprieve. Tapos kung papayagan ng Presidente or yung susunod na Presidente, yung sinasabi kong matagal ko ng sinusuggest, early retirement program. Pag nag early retirement program sa gobyerno, bakit ko sinasabi yan, sa gobyerno ngayon, magkano ang budget, P4 trillion plus, di ba? Sa P4 trillion na 65 percent personnel services, ang ibig sabihin noon para sa mga kababayan natin na hindi masyadong bihasa sa budget ng gobyerno, personnel services, pang sweldo sa mga tao ng gobyerno. 65 percent, ibig sabihin noon mahigit P2 trillion, pang sweldo lang. Kung magkakaroon ng early retirement program na maganda, ang study na nakita ko, mga 40 percent na mga tao sa gobyerno mag-oopt for early retirement dahil may lump sum na tatanggapin.

Q: So magkano ang matitipid noon?

SP Sotto: Aba, makakatipid tayo ng P1 trillion. P1 trillion every year.

Q: Pero kailangan ng legislation for the early retirement?

SP Sotto: Pwedeng Presidente.

Q: Executive order?

SP Sotto: Pwedeng executive order, pwedeng batas pero syempre pag ginusto ng Presidente, ginusto niya na batas, mapapagbigyan yan, kasi nga meron na tayong tinatawag na right-sizing, naka-pending yung right-sizing law natin. Ngayon, hindi pa natatapos yun pero magandang isama na diyan yung early retirement program sa right-sizing. Pag nangyari yan, bawas na bawas yung gastos. Isipin mo yung P1 trillion every year na isa-save g gobyerno. Ilang hospital yan? Ilang eskuwelahan yan? Ilang kalsada ang gagawin niyan, magagawa ng P1 trillion, ilang trabaho ang kayang ibigay niyan.

Q: Pag sinabing early retirement, anong edad po yun?

SP Sotto: Early retirement nga, kahit 25 years old ka, gusto mong mag retire ng maaga, eh di ito.

Q: Baka dumami ang walang trabaho.

SP Sotto: Hindi, bibigyan nga sila ng lump sum. Yung lump sum na yun, pwedeng magtayo ka ng negosyo, pasok ka sa ganito, pumasok ka sa private, parang growth enhancement program din yan sa private sector. Matagal ng sinasabi yan, mga nakaraang Presidente matagal ko ng sinusuggest yan, ewan ko.

Q: Yun pong right-sizing, bakit hindi pa makapasa?

SP Sotto: Hindi ko nga maintindihan, medyo hanapin ko nga kung ano ang nangyayari, saan nandodoon.

Q: Sa committee on civil service?

SP Sotto: Hindi ko sigurado. Check ko kung saan napunta yung right-sizing Act. Matagal ng gawin dapat yun, baka dapat sa panahon ni Presidente. Kung di man, susunod na Presidente, kumbinsihin natin.

Q: Malaking challenge ang haharapan ng susunod na leadership?

SP Sotto: Lagi naman. Lagi naman yung sumusunod na administration laging mahirap ang kinakaharap lagi, dahil yung hindi natapos nung nakaraang administration. Kailangang tapusin or kailangang pagandahin, lahat naman ganoon. Siguro may kasama na ring pagdarasal yan. God permitting, God willing, di ba matulungan yung bansa natin, tayo na lang ang natitirang Christian nation dito, wag naman sana tayong pabayaan, di naman siguro tayo pababayaan ng Panginoon.

Q: Nanonood ba kayo ng movies sa Netflix?

SP Sotto: Yes, every now and then.

Q: Kayo ba ay Kumporme sa gusto g MTRCB na iregulate, icensor itong mga ganito?

SP Sotto: Tatlong bagay ako diyan. Una, gusto kong malaman, kaninang bright idea yan? Sino sa MTRCB ang nakaisip niyan? Pangalawa, paano nilang gagawin? Kokontakin nila ang Netflix? Sasabihin nila ganito, kailangan dumaan sa MTRCB ang lahat ng lumalabas sa Netflix. Paano mo gagawin yun? Pangatlo, ito ba pareho nung inayawan namin na ang gobyerno, dahil doon sa birth control program nung araw, ang gobyerno pumapasok sa bedroom? Pinakikialaman yung mag asawa kung ano ang gustong gawin? Ganoon ba ito? Ito kasi papasok sa mga bahayan ng mga tao at sasabihin sa mga magulang kung ano ang dapat sabihin nila sa mga anak nila. May mga magulang, hayaan ang mga magulang. Hindi pwedeng iasa lahat sa gobyerno, kainaman ng mga magulang, sila mismo ang mag regulate. At saka nandoon nnaman sa Netflix pagbukas mo. Pag on mo, medyo nag register ka, or nag log in ka, nakalagay naman doon kung gusto mo ikaw or kung gusto mo pang kids. Eh di iprogram mo na pang kids, yun lang ang bigay mong password sa mga anak mo.

Q: Para yun lang ang pwede nilang mabuksan.

SP Sotto: Oo. Doon lang may remedyo na.

Q: Parang gusto lang ng MTRCN at least mag register kasi nag ooperate kayo dito sa aming bansa, mag register ewan ko, for monitoring purposes?

SP Sotto: Yun ang problema ng globalization. Pareho rin ng Facebook yan, at saka ng internet yan. Kaya yung ating batas na ang media sa Pilipinas ay kailangang 100 percent Filipino, kung nakarehistro ka dito. Pero paano mo sasabihin sa CNN yan? Worldwide, globalization. Dapat, nakinig sila sa amin. Nung araw sinabi namin na wag ipasa yung WTO, wag tayong sumama sa WTO. Wag tayong sumama sa GATT. Lilima lang kaming nagsabi ng no, sa 24 senators, lima lang kaming nag no. Ako, ang punto ko, kawawa ang mga magsasaka pag binukas natin yan kasi magugulpi ng importation, pinagdasal ko na sana mali ako. Sana mali kami nila Bobby Tanada nung araw. Ang masakit, kami ang tama at sila ang mali, o ayan, kasama sa mga sakit ngayon yan, globalization, ang mag pambola pa nila sa amin noon, sa mga artista at singer sabi naku, ibig sabihin niyan, pag yung mga tinutugtog ninyo, mga kinakanta, makakasingil na rin kayo abroad. Baliktad, tayo ang sinisingil pag tinutugtog at ginagamit natin yung kanila. Sa atin, sinasabi ko noon sa kanila, wag kayo maniwala diyan, kagat na kagat sila. Sabi ko sa mga artists nung araw, wag kayong maniwala diyan dahil ilang radio stations sa America ang magtutugtog ng "Bituing Walang Ningning?" Sige nga, sabihin mo sa akin? Samantalang dito sa Pilipinas, ilan ang tutugtog ng "My Way?" Ilan ang tutugtog ng mga kanta ni Adelle? Nila Justin Bieber? Sa television, radio, di ba sinisingil tayo? Tayo, nakakasingil ba tayo ng kanta ni Martin Nievera?

Q: So talagang agrabyado tayo?

SP Sotto: Kaya nga, kaso pumasok sila. O ngayon, marerealize ng MTRCB yan pag nakita nila. Globalization eh.

Q: So, beyond their control...

SP Sotto: Hindi kaya, I doubt it. Ewan ko, iprisenta nila sa amin kung paano.

Q: So, for now ang magagawa na lang iapela nila sa bawat household, yung mga parents...

SP Sotto: Correct. Information dissemination, information campaign ang dapat gawin ng MTRCB sa mga magulang at sa mga eskuwelahan, ganoon dapat.

Q: May kaya silang gawin para icontrol...

SP Sotto: Oo, ganyan. Kontrolin ninyo yung mga Netflix ninyo, yung mga Amazon video, ang ganda pa naman ng palabas. Wag kayo puro Netflix. Totoo. Napanood mo ba si Jack Ryan, nasa Amazon video...

Q: Nung isang araw nanood ang anak ko sa Netflix isang old movie na ikaw ang napapanood niya, "mommy si Senate President Sotto, ang payat pa niya."

SP Sotto: Diyan kami kumita, wag kayong gaganyan-ganyan. Diyan ko napag-aral lahat ng mga anak ko.

Q: Parang yung 1-2-3.

SP Sotto: Oo. Wag nilang mamaliitin yan, (unclear).

Q: Malaking tulong sa inyo.

SP Sotto: Aba'y naku, sobra-sobra at utang na loob sa mga kababayan natin dahil pinanonood nila. Kaya salbahe itong si Vic at si Joey, ginawa akong pambayad-utang.

Q: Ganoon?

SP Sotto: Ako ang pinapasok sa politika. Sige, pasok ka, sabing ganoon, kasi ikaw ang pang sukli sa mga binigay sa atin.

Q: Kumporme ka ba sa artificial white sand sa Manila Bay?

SP Sotto: Ako hindi ko kabisado pero sa akin kasi kahit anong makakaimbita ng mga turista na wala namang maaapektuhan, pwede. Ngayon, kung may naaapektuhan doon, ay masama. Pero siguro, maganda yun. Ewan ko.

Q: Kung malinis ang tubig.

SP Sotto: Nililinis naman nila ngayon, di ba yun ang isa sa mga sinasabi nila noon? Napakadaming nagtangka diyan, sa panahon n I President Duterte luminis yung Manila Bay. Again, example yan ng political will. Pagka meron kang willpower talaga at may political will ka gagawin mo. Bakit nga ba ganyan nag nangyayari sa Maynila ngayon, matindi ang political will ng mayor. Bakit ganyan ngayon ang Pasig? Matindi ang political will ng mayor. Sa Valenzuela, puro mga hindi nangyayari yan diyan sa mga lungsod na yan nung araw. Bakit ngayon? Quezon City...

Q: Baka ma-wash out lang yung artificial white sand kapag bumagyo.

SP Sotto: Bano yung gagawa. Bakit sa Mactan? Nakapunta ka na ba sa Shangri-La Mactan?

Q: Hindi pa.

SP Sotto: White sand doon, artificial yun. Hindi naman (unclear), depende sa pagkakagawa. Wag silang kukuha ng kontratistang bano.

Q: Kontratistang pulpol.

SP Sotto: Oo, wag. Kailangan yung magaling, alam yung gagawin niya. Pareho din sa golf course yan. Naikwento ko sa inyo nung araw, yung mga unang pumunta rito, si Robert F. Jones? Sikat yun, di ba? Nagtayo ng golf course dito sa Pilipinas yung isa muna diyan sa Cavite, hindi ko na sasabihin yung pangalan, baka magalit sa akin. Yung malaking golf course na ginawa na yun, nung gawin ni Robert Jones yan, hindi niya alam kung gaano kalakas ang ulan sa Pilipinas. Hindi niya natantiya. So ang nangyari, yung paglalagay ng sanding sa ilalim ng damo, tapos yung lupa, tapos damo, kapos. Nung nag uuulan na, baha. So natuto sila ngayon. Yung mga sumunod na kontratista, tinayo na yung bang mga courses dito sa Metro Manila at saka sa Cavite, sa Batangas, alam na nila ngayon doblado kesa sa America, kesa sa ibang bansa, doblado yung mga ilalagay sa ilalim na mga buhangin. Kahit na dati ay 18 inches pa ang gagawin mo, 36, ganoon dapat. Pag umulan ng malakas, yan na, all-weather ang tawag. Ganoon din yun, depende kasi sa gagawa. Pagka ang gumawa doon ay (unclear) ang gumawa, talagang walang mangyayari, manghuhula siya, sayang lang ang pera. Per kung magaling ang gagawa, okay yan.

Q: So maganda yung project na yun, make sure lang na hindi palpak ang gagawa.

SP Sotto: Oo.

Q: Siguraduhin lang legal, walang nagrereklamo kagaya ng mga local officials sa Cebu na hindi daw nila alam yun, so nagwoworry sila sa epektong maidudulot sa kanila doon.

SP Sotto: Oo. Doon ba sa Cebu kinukuha yun?

Q: May isang board member from Cebu ang sabi doon daw kinukuha, parang pinuulbos yung mga rocks doon.

SP Sotto: Ewan ko, hindi ko sigurado pero kasi yung Splendido, nung araw nung ginagawa yan, yung golf course sa Batangas, ano yun, nag iimport ng buhangin para doon sa mga sand trap. Nag iimport from some island in malapit sa Guam yata or something like that. Ganoon, hindi naman sa local kinukuha. May papalag pag dito sa atin.

Q: Yung release ni Pemberton, sa GCTA ba may naisulong na panukalang batas para ayusin itong implementation ng GCTA?

SP Sotto: Una, yung GCTA ang alam ko imbestigasyon ng Blue Ribbon doon naka pending pa. Pwede pang ituloy yung review noon. Hindi pa sinasara yun, wala pa akong alam na committee report na nakarating sa floor na napasa namin. Kasi as usual naman, sinasabi ko paulit-ulit nung araw pa, (unclear) committee report mo hindi nakarating sa plenary at hindi pinasa, ano lang yun, draft committee report. Kailangan inapprove sa plenary, yung committee report ng Senado. Kung hindi, committee report lang ng chairman yun o nung committee, ganoon lang yun. So yung GCTA hindi pa tapos yun, alam ko dahil hindi pa nakarating sa floor na napasa so pwedeng ang Blue Ribbon, tingnan pa ulit yan. Ngayon, ako, personal na opinion ko lang pagdating dito sa issue kay Pemberton, si Pemberton, ikinulong yan based sa mga batas ng Pilipinas. So, kung siya marerelease, dapat di under sa mga batas ng Pilipinas, di ba? Tayo naman ay gobyerno tayo ng batas, hindi tayo gobyerno ng emosyon.

Q: Entitled siya sa GCTA kung (unclear) siya.

SP Sotto: Yung Lady Justice ng Pilipinas ay blindfolded yan, hindi naman niya alam kung Americano or Chinese or Filipino. So, leave it to the courts, the courts will decide. Ganoon ang mentality ko. Iwan mo sa korte yan dahil kinulong yan based sa mga batas natin. So, kung yan ay Matatapos ang kanyang sentensiya, or siya ay makakalabas, base din sa mga batas natin dapat.

Q: Pero ang DOJ yata magmomotion for reconsideration. Pwede naman yun?

SP Sotto: Pwede dahil hindi pa naman executed yung order. Pwede yun.

News Latest News Feed