Press Release
October 3, 2020

Transcript of interview of Senate President Vicente C. Sotto III with Ms. Cely Bueno of DWIZ

Q: Two weeks na lang at magbibreak na ang session sa Senado on October 17. Ang mangyayari po yata is sa October 17 hindi mag-aadjourn ang Senado, instead mag-sususpend?

SP Sotto: Oo, mga October 15 or 16, kung ano pa ang matirang mga araw pa sa amin, magsususpend lang kami. Pag nag suspend lang kami, ang ibig sabihin noon, hindi kami naka-adjourn, yung pag re-resume namin ng November, mid-November after the Halloween break, resumption lang.

Q: At ang dahilan kung bakit magsususpend lang is para huwag maaapektuhan yung Bayanihan 2?

SP Sotto: Correct, malaking bagay yun para maiiwasan yung question na sinasabi na yung effectivity ng emergency powers na binibigay sa Executive, sa Presidente, ay effective lamang up to the adjournment. So (unclear) namin (unclear) nag adjourn kami sa mid-October, ang mangyayari is questionable na hindi (unclear) matuloy yung mga emergency powers na nakapaloob sa Bayanihan 2 sa Presidente. Pag suspend namin ngayon, abot ng December, sa December, saka kami mag-aadjourn.

Q: Dahil ba dalawang linggo na lang ang inyong session, ito yung (unclear) bakit sa Thursday meron kayong session, para lang maaprubahan on third reading itong bill na nagkakaloob ng franchise sa San Miguel Aerocity para po sila ay makapag operate at makapagtayo ng airport doon sa Bulacan?

SP Sotto: Well, that is one. Isa sa mga dahilan kung bakit tapos meron pa kaming iba on third reading, kailangan ng three-day rule, eh alam mo sa mga ganoong klase ng proyekto na walang gastos ang gobyerno, napakalaking halagang tulong na maibibigay sa taong bayan at sa gobyerno, eh bawat isang araw na dinedelay ito ay napakalaking bagay, nakakahiya doon sa mga investor. Kaya as much as possible, the soonest possible time na (unclear) gawin, ginagawa namin.

Q: Kaya parang isang araw lang na nagkaroon ng period of interpellation, sinunod yung period of amendments, and susunod na yung... sa Monday, kasi may dalawa pa pong Senador na gustong mag interpolate kahit naapprove na sa second reading?

SP Sotto: Oo nga, yun ang medyo nakakalungkot doon kung tutuusin, sayang kasi dapat nung araw na yun, dapat napasa na natin nung Wednesday on second reading eh ang nangyari, natapos lang namin yung period of amendments and interpellations, hindi namin maisara for second reading nga para third reading na dapat sa Monday, di ba? Hindi namin magagawa, nadelay bale ng three days ito kasi merong dalawang Senador na hindi ko alam kung saan sila nagpunta nung araw na yun, at hindi sila nag interpellate imbes na mag interpellate sila nung araw na yun.

Q: So pagbibigyan pa rin sila?

SP Sotto: Pagbibigyan dahil yun ang kahilingan nung iba. Pagbigyan daw, kahilingan din ni Minority Leader, sapagkat dalawang minority yung nagsabi. Although hindi naman ako nakatiis (unclear) sinabi ko kami nga nila Senator Gatchalian, sila Senator Lacson, nandito kami kahit na dangerous. Yung mga kasama namin virtual na lang, (unclear)? Yun ang kantiyaw ko, virtual na lang, hindi ka pa nakisama. Ito ay para sa gobyerno, para sa taong bayan, hindi gobyerno ang gumagawa nito. Private company ang gumagawa nito at napakalaki ng pera na ilalabas nila para sa (unclear) natin dahil later on, yung airport na yun, itu-turn over sa atin. Parang build-operate-transfer, ganoon. So yun lang, naka-kantiyaw lang ako ng kaunti (unclear) pagtatawag nila, talagang (unclear) banggitin, hindi ba?

Q: Kasi the mere fact na virtual na lang, any time, pwede ka, ano mang araw di ba? Kung gusto mong mag interpellate, dapat available ka anytime, nasa bahay ka na nga lang.

SP Sotto: Oo. Kahit saang lupalop ka pa nandoon, kamukha nung ibang kasama namin nasa Cagayan de Oro, yung isa nasa GenSan, yung isa nasa Davao, pero nakapag-interpellate at kasama sa session.

Q: Itong pagdudumali ninyo na ma-grant itong bill na ma-grant ng 50 years na franchise ang San Miguel...?

SP Sotto: Franchise, but that does not mean na hindi itu-turn over sa gobyerno after that time, within that time pwede, as long as narecoup na nila yung kanilang investment (unclear) sa gobyerno.

Q: So, kaya po ito minamadali ninyo na maaprubahan, dahil sa kagandahan ng project, hindi po dahil malakas si Ramon Ang. Hindi because of Ramon Ang, because nga sa kagandahan ng project?

SP Sotto: Kahit sino pa yung nagbigay ng project na yan, kailangan bigyan ng halaga (unclear) na binibigay na tulong sa atin, pero nagkataon lang na sina Ramon yun. Sina Ramon Ang, nakita mo naman ang tulong na (unclear) niyan, mula Batanes hanggang Tawi-Tawi, hindi ba? Namomonitor naman ninyo yung mga tulong na binibigay, na (unclear) ng gobyerno, binibigay pa, nagdadagdag pa. So alam mo, mga ganoon, nakakahiya na hindi mo tulungan kaya mahalaga yung pagbibigyan mo yung mga ganoon.

Q: Pero (unclear) construction ng domestic and international airport sa Bulacan, it will take 10 years po b, tama?

SP Sotto: Five years yata, I am not sure.

Q: Pero malaki ang maitutulong nito lalo na sa ekonomiya ng ating bansa, at saka madecongest ang Maynila?

SP Sotto: Oo. Grabe ang maibibigay na tulong niyan sa buong bansa.

Q: So sa Huwebes, sa pag gawa ninyo ng session, hindi lang naman itong bill na ito para sa San Miguel Aerocity ang tatalakayin or yun lang po?

SP Sotto: Hindi, marami pa. Maraming nakapending na aabutin ng third reading on Thursday.

Q: Itong CREATE Act, (unclear) din ninyo itong maapprove bago kayo magbreak sa October 17?

SP Sotto: Sana. Ideally dapat matapos yan bago mag katorse. Kasi pagbalik namin, (unclear) November, puro budget na ang aatupagin diyan, (unclear) sa budget.

Q: Yung bill sa Coco Levy, yung bicam, are you hoping na hindi na ito ma-veto pagdating sa Malacanang?

SP Sotto: OO, hindi na siguro. Yung mga tingin natin na dahilan bakit vineto, ay wala na doon. As a matter of fact, meron ngang isang Senador, balik sa particular issue na yun, sinabihan kaagad sila ni Cynthia (unclear), Ibabalik mo yan eh yan ang dahilan kung bakit na-veto.

Q: Referring to Sen. Kiko Pangilinan.

SP Sotto: Siya ba ang (unclear)?

Q: So hindi na pinayagan yun para wag na ma-veto?

SP Sotto: Hindi.

Q: Pang dalawampu na tayo sa bansang may pinakamaraming kaso ng Covid, ano ba ito, indikasyon na hindi ganoon ka-effective yung pangangasiwa natin laban sa Covid?

SP Sotto: Hindi rin. Palagay ko yung mga dapat gawin at saka yung mga (unclear) ng gobyerno, sinasabi naman kaya lang tayo, katulad ng ibang nasa top 20, puro tayo mga medyo matindi ang democratic processes na kaunting may ano, ayaw. Marami tayong mga ganoon, eh itong mga bansa na mabilis na nawala ang problema katulad ng Taiwan, Singapore, Thailand, mabilis silang naka-ano, kasi parang martial law doon, strong arm law doon, pag sinabing huwag kang lalabas, hindi ka lalabas. Lumabas ka, kulong ka, baka saktan ka pa. Nakita mo yung di ba, may pinapalo pa sa paa? Ganoon sa kanila. Hindi pwede rito, naku eh di nagwawala ang human rights dito. Kaya madali rin tayong mahawa, kasi maraming matigas ang ulo.

Q: Mahirap mapigilan yung pagtaas ng bilang ano?

SP Sotto: Mahirap, gayon pa man, matigas ang ulo natin, ganoon pa man, nasa 54-55,000 ang active cases ngayon. Alam mo masama lang din ang PR ng DOH, ang nilalabas nila, yung number of total eh. Bakit hindi nila unahin yung active cases, 55,000, ilan ang gumaling. 200,000 na ang gumaling, dapat ganoon. Hindi, ang sasabihin naku 300,000 na ang Covid sa Pilipinas, tama ba yun? That is looking at the glass half-empty instead of looking at it half-full.

Q: Pero (unclear) advantage naman yun kung (unclear) nito, maalarma naman ang publiko at mag ingat?

SP Sotto: Oo, ang tanong ko, naaalarma ba? Hindi, naiinis lang, kaya kailangan ilagay sa lugar, yun ang akin.

Q: Kahit si President Trump at yung wife niya nagpositive...

SP Sotto: Grabe, hindi sa walang pinipili, yung pangulo nila, nakita mo naman walang nagma-mask doon, party ng party, nagbe-beach pa, tapos panay ang protesta, panay ang rally, merong napatay na hindi sinasadya, nagprotest, merong naaksidente, nagprotesta, hindi na nakapagtataka yun.

Q: Si President Trump ayaw niyang magsuot ng face mask so ngayon tinamaan na siya.

SP Sotto: Oo, kaya nga.

Q: Sinasabing siya yung pangunahing nagdidisinform about Covid.

SP Sotto: Yun na nga, kaya huwag (unclear) yung atin doon, Iba yung sa atin, yung sa atin, katigasan lang ng ulo natin yun. Hindi lahat ha? Marami sa atin sumusunod. Nakita mo, hindi nadadale yung mga sumusunod, hindi ba?

Q: Oo, kayo nasa Senate pero nag-iingat kayo so talagang safe.

SP Sotto: 104 million, (unclear) ang sumusunod. May 300,000 na hindi sumusunod, yun yung nadale.

Q: Sabagay, yung iba maingat, pero (unclear) ang hindi maingat kaya naiinfect din. Dapat tayo maging concerned hindi lang sa pang sarili, kungdi para sa paligid natin.

SP Sotto: Oo.

Q: Umiinit yung bangayan kay Speaker Cayetano and si Cong. Velasco. Wala ba kayong concern na baka madelay yung approval ng 2021 budget?

SP Sotto: Yung mga diskusyon nila doon, ayaw kong pakialaman yun. Meron silang usapan, meron silang gentleman's agreement, meron silang pakikipagusap sa Presidente, hayaan mo na sila. Okay na kami, hindi na kami makikialam doon. As far as the budget is concerned, on the first week of October, katulad ng ginagawa ng lahat ng Kongreso dati nung panahon ni GMA, dapat by October 1 or first week of October, nasa amin na. Wala kaming pakialam kung ano ang nangyari doon basta't bigay nila sa amin sa first week of October. Ganoon ang sa amin, ganoon ang mentality namin. Kaya pag dinelay nila dahil sa kung anong dahilan, eh huwag nila kaming sisishin later on, pareho nung nangyari nung nagpalitan sila ng leadership, inalis si Bebot Alvarez, pinalit si GMA, pagkatapos noon nung nadelay, nagkadelay na rin yung pag submit sa amin, tapos meron pa silang nilikot doon na ayaw kong pinirmahan, ako ang sisisihin ayaw daw naming ipasa? Huwag ganoon, huwag silang ganoon. Pag nadelay sila, sila ang may kasalanan, hindi kami.

Q: Kasi hindi kayo makapagpapasa ng budget hanggang hindi ito napapasa sa House.

SP Sotto: Correct. Hindi namin pwedeng talakayin sa plenary hangga't hindi sila tapos.

Q: Kailangan itransmit ng House first week of October, eh magse-second week na.

SP Sotto: Yun na nga. Dapat ngayon, bigyan natin ng leeway yun, basta by October 14, ipasa nila.

Q: (Unclear) budget dahil ito yung pang tugon pa rin sa pandemya at pagrecover ng ating economy.

SP Sotto: Oo, correct. Alam naman ng mga kababayan natin yan. You let them realize what is happening.

Q: Naalala ko nung 13th Congress merong dalawang Senador na nagkaroon din ng term sharing pero walang naging ganyang alingasngas po.

SP Sotto: Sa Senado? Kahit kailan sa Senado na may term sharing, never nagkagulo.

Q: Kasi may palabra de honor?

SP Sotto: Parang ganoon. Minsan lang may nangyaring ganyan, pero kudeta, panahon ni Salonga.

Q: Iba yun.

SP Sotto: Iba yun, kudeta yun, hindi naman arrangement.

Q: Pero lahat ng term sharing...

SP Sotto: Nasunod lahat sa Senado.

Q: Mga gentleman's agreement.

SP Sotto: Oo.

News Latest News Feed