Press Release
November 17, 2020

Gatchalian provides aid to Marikina residents

Senator Win Gatchalian is visiting Marikina City today, one of the cities hardest hit by typhoon Ulysses that battered Luzon last week, to be apprised of the power supply situation.

Gatchalian, Chairman of the Senate Energy Committee, noted that some parts of the city are still submerged in mud and remain to have unstable electricity supply as well as internet connectivity.

"Flash floods come with no warning and can even be more devastating like in the case of Marikina City. Many could not help but recall the painful memories of typhoon Ondoy which caused massive flooding in Metro Manila in 2009," he said.

"Ramdam natin kung ano ang pinagdadaanan nila sa ngayon, lalo na kung napagdaanan din nila ang pagbaha ng bagyong Ondoy 11 years ago. Mas malala ang sitwasyon ngayon dahil sa iniinda nating pandemya dulot ng COVID-19. Malaking hamon ito kaya kailangang tutukan ang mga pangangailangan nila para madali silang makabagon at makabalik sa normal nilang pamumuhay," the senator added.

Gatchalian will meet with Marikina City Mayor Marcelino Teodoro to turn over some food packs and other essentials containing kilos of rice, canned goods, noodles, slippers, and face shields for over 2,000 families.

The senator will personally oversee the distribution of the said items in H. Bautista Elementary School and Malanday Elementary School where 475 and 631 families are currently staying respectively.

The two other evacuation centers, Nangka Elementary School and Concepcion Integrated School, which continue to provide temporary shelters to nearly a thousand families, will likewise receive relief goods.

Teodoro declared a month-long suspension of classes in all levels for both public and private schools in Marikina to give way for the rehabilitation of the city.

Given the extensive damage wrought by typhoon Ulysses, Marikina City has been placed under a state of calamity. The declaration would allow the local government to gain access to calamity funds and fast track relief and rehabilitation efforts and other humanitarian assistance.

###

Ayuda para sa Marikina mula kay Gatchalian

Nakatakdang bisitahin ni Senador Win Gatchalian ang lungsod ng Marikina ngayon para makita ang kalagayan ng mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

Bilang chairman ng Senate Committee on Energy, aalamin din ni Gatchalian ang estado ng suplay ng kuryente sa lugar.

Napag-alaman ng senador na patuloy pa rin ang panaka-nakang suplay ng kuryente pati na rin ang koneksyon ng internet sa lungsod dahil lubog pa rin ang ilang nasasakupan nito sa makapal na putik, ilang araw matapos ang pananalasa ng bagyo.

"Ramdam natin kung ano ang pinagdadaanan nila sa ngayon, lalo na kung napagdaanan din nila ang pagbaha ng bagyong Ondoy 11 years ago. Mas malala ang sitwasyon ngayon dahil sa iniinda nating pandemya dulot ng COVID-19. Malaking hamon ito kaya kailangang tutukan ang mga pangangailangan nila para madali silang makabangon at makabalik sa normal nilang pamumuhay," ayon sa senador.

Nakatakdang makipagkita si Gatchalian kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro upang suriin ang pagsasaayos ng pagpapanumbalik ng linya ng kuryente at para na rin magpaabot ng tulong sa mga nasasakupan nito.

Pasisinayaan ni Gatchalian ang pamimigay ng food packs na naglalaman ng ilang kilong bigas, canned goods, at noodles. Magbibigay din siya ng face shields at tsinelas para sa higit dalawang libong pamilya.

Personal na ipapamahagi ni Gatchalian ang ayuda para sa halos limang daang pamilyang pansamantalang nananatili sa H. Bautista Elementary School at higit anim na raang pamilyang nakasilong ngayon sa Malanday Elementary School.

Bukod dito, bibigyan din ng tulong ng senador ang humigit kumulang na 1,000 evacuees na nanunuluyan sa Nangka Elementary School and Concepcion Integrated School.

Bukod sa pagsasailalim sa state of calamity, idineklara rin ni Teodoro ang suspensiyon ng klase sa lahat ng antas sa public at private schools sa Marikina para makapagbigay daan sa isinasagawang rehabilitasyon ng lungsod.

Ang pagsasailalim ng Marikina sa state of calamity ay para bigyan ng pagkakataon ang lokal na pamahalaan na makakuha ng kanilang calamity fund at para mapabilis ang rehabilitation efforts pati na rin ang pagbibigay ng ayuda sa mga apektadong residente sa lugar.

# # #

News Latest News Feed