Press Release
January 3, 2024

Gatchalian asks DOE to explain delay in submission of new energy roadmap

Senator Win Gatchalian asked the Department of Energy (DOE) to explain the delay in submitting a new energy roadmap to Congress and urged the agency to do so promptly.

The country's Philippine Energy Plan (PEP), which extends up to 2050, seeks to increase the use of renewable energy and come up with an energy mix towards a clean energy scenario.

"The Philippine Energy Plan will be the foundation for achieving cleaner energy, promoting economic growth, and enhancing the well-being of our people," said Gatchalian.

According to the senator, the DOE is supposed to submit to Congress an updated energy roadmap by September 15 of each year as mandated under Republic Act 9136, also known as the Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).

"The submission of the PEP is already more than three months overdue. The DOE needs to comply with this requirement immediately," Gatchalian emphasized.

The Philippines' current renewable energy goals are at 35% by 2030 and 50% by 2040.

"Hindi katanggap-tanggap na naantala na nang husto ang pinakahuling Energy Plan na napakaimportanteng dokumento para maisulong nang husto ang sapat at malinis na suplay ng enerhiya sa bansa," he added.

As per the DOE, the PEP is a comprehensive roadmap for the energy sector, ensuring sustainable, stable, secure, sufficient, accessible, and reasonably-priced energy.


Pagkaantala sa pagsusumite ng bagong energy roadmap dapat ipaliwanag ng DOE - Gatchalian

HIniling ni Senador Win Gatchalian sa Department of Energy (DOE) na ipaliwanag ang pagkaantala sa pagsusumite sa Kongreso ng bagong roadmap para sa sektor ng enerhiya at hinimok ang ahensya na gawin ito kaagad.

Ang Philippine Energy Plan (PEP) ng bansa, na aabot hanggang 2050, ay naglalayong pataasin ang paggamit ng renewable energy (RE) at makabuo ng energy mix tungo sa isang tinatawag na clean energy scenario.

"Ang Philippine Energy Plan ang magiging pundasyon para sa pagkamit ng mas malinis na enerhiya, pagtataguyod ng ekonomiya, at pagpapahusay ng kapakanan ng ating mga kababayan," sabi ni Gatchalian.

Ayon sa senador, dapat makapagsumite ang DOE sa Kongreso ng isang updated na energy roadmap kada Setyembre 15 ng bawat taon na siyang nakapaloob sa Republic Act 9136, na kilala rin bilang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).

"Mahigit tatlong buwan nang overdue ang pagsusumite ng PEP. Kailangang sumunod kaagad ang DOE sa pangangailangang ito," diin ni Gatchalian. Ang kasalukuyang renewable energy goals ng Pilipinas ay tinatayang nasa 35% pagdating ng 2030 at 50% pagsapit ng 2040.

"Hindi katanggap-tanggap na naantala na nang husto ang pinakahuling energy plan na napaka importanteng dokumento para maisulong nang husto ang sapat at malinis na suplay ng enerhiya sa bansa," dagdag niya.

Sabi nga mismo ng DOE, ang PEP ay isang komprehensibong roadmap para sa sektor ng enerhiya na titiyak ng isang sustainable, sapat, ligtas, accessible, at makatuwirang presyo ng enerhiya.

News Latest News Feed