Press Release
January 8, 2024

Gatchalian urges PNP to ensure safety, security of devotees joining Black Nazarene procession

Senator Win Gatchalian urged the Philippine National Police (PNP) to ensure the safety and security of devotees participating in the Black Nazarene procession on January 9. This marks the first time in three years that the traditional religious activity will be observed.

"Police authorities should heighten their vigilance, coordinate closely with relevant authorities, and deploy necessary resources to maintain order all throughout the procession," Gatchalian said.

"It's important that our people are able to exercise their religious beliefs peacefully and without concerns about their security. Our religious freedom helps all of us to remain true to our core values and be good citizens of our country," he added.

Gatchalian also urged the public, especially devotees and Traslacion attendees, to follow established rules and guidelines set by the authorities. "Be vigilant and report any suspicious activity promptly to the authorities. It is through shared responsibility and collaborative efforts that we can make Traslacion 2024 a safe and meaningful experience for all," Gatchalian emphasized.

"Responsibilidad nating lahat, hindi lamang ng kapulisan, na maging mapagmasid pagdating sa anumang malawakang pagtitipon na maaaring humantong sa kaguluhan, panganib, at banta sa buhay," the senator concluded.


Gatchalian sa PNP: Tiyakin ang kaligtasan, seguridad sa Traslacion 2024

Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang Philippine National Police (PNP) na tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga deboto na lalahok sa prusisyon ng Itim na Nazareno sa Martes, Enero 9. Ito ang unang pagkakataon sa tatlong taon na isasagawa muli ang tradisyon.

"Dapat higpitan ng pulisya ang kanilang pagbabantay, paigtingin ang pakikipag-ugnayan sa iba't ibang awtoridad, at mag-deploy ng mga kinakailangang resources upang mapanatili ang kaayusan sa buong prusisyon," sabi ni Gatchalian.

"Mahalagang pairalin natin ang kapayapaan at kaayusan habang isinasagawa ang tradisyon ng mga deboto ng Itim na Nazareno at hindi na sila mag-alala pa sa kanilang seguridad. Ang ating kalayaan sa relihiyon ay tumutulong sa ating lahat na manatiling tapat sa ating mga pangunahing prinsipyo at maging mabuting mamamayan ng bansa," dagdag niya.

Hinimok din ng senador ang publiko, lalo na ang mga deboto at mga manonood ng Traslacion, na sundin ang mga itinatag na alituntunin na itinakda ng mga awtoridad. "Maging mapagbantay at iulat kaagad sa mga kinauukulan ang anumang kahina-hinalang galaw o aktibidad sa paligid. Sa pamamagitan ng shared responsibility at collaborative efforts ay magagawa nating ligtas at makabuluhan ang karanasan ng lahat para sa Traslacion 2024," sabi ni Gatchalian.

"Responsibilidad nating lahat, hindi lamang ng pulisya, na maging mapagmasid sa anumang malawakang pagtitipon na maaaring humantong sa kaguluhan, panganib, at banta sa buhay," pagtatapos ng senador.

News Latest News Feed