Press Release
February 7, 2024

Tulfo elated over release of compensation for displaced Saudi OFWs

Senator Idol Raffy Tulfo is happy that the first batch of Overseas Filipino Workers (OFWs) displaced by bankruptcies of Saudi Arabian firms several years ago have finally started receiving their insurance compensation.

President Ferdinand "Bongbong" R. Marcos Jr. announced last Feb. 7, Tuesday that over 1,000 cheques were already issued by the Saudi Arabian government to OFWs, as part of the promise of the Crown Prince Mohammed bin Salman Al Saud.

The 1,104 Alinma Bank Indemnity Cheques processed by the Overseas Filipino Bank and Land Bank is valued at P868,740,544.

"Bilang Chairperson ng Senate Committee on Migrant Workers, lubos ang aking kasiyahan dahil matapos ang halos siyam na taon na paghihintay ng ating mga Saudi OFW ay makukuha na nila ang kanilang insurance claims. Ito ay bilang pagtupad sa pangako ni Saudi Crown Prince Mohammed Bin Salman na babayaran ng kanilang gobyerno ang ating mga OFW," he said.

It can be noted that the jobs of 10,544 OFWs in Saudi Arabia were terminated in 2015 and 2016. The President said the payouts had been personally promised by the Saudi Crown Prince Mohammad Bin Salman to him during their meeting in Bangkok, Thailand last November 2022.

Tulfo thanked PBBM for his dedication in ensuring the welfare of OFWs, as well as Crown Prince Mohammed bin Salman Al Saud for fulfilling his promise.


Tulfo, masaya na nagsimula nang makatanggap ng bayad ang OFW na nawalan ng trabaho sa Saudi

Lubos na ikinatuwa ni Sen. Idol Raffy Tulfo ang balita na nagsimula nang matanggap ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho dahil sa nabangkaroteng Saudi Arabian construction companies ang kanilang kompensasyon.

Ayon kay President Bongbong Marcos, may kabuuang 1,104 indemnity cheques mula sa Alinma Bank na nagkakahalaga ng P868,740,544 ang naproseso na ng Overseas Filipino Bank at Land Bank. Sa nasabing bilang, 843 na ang naayos at naibigay sa kinauukulang OFWs.

Taong 2015 at 2016 ng ma-terminate sa trabaho ang 10,544 na OFW sa Saudi Arabia.

"Bilang Chairperson ng Senate Committee on Migrant Workers, lubos ang aking kasiyahan dahil matapos ang halos siyam na taon na paghihintay ng ating mga Saudi OFW ay makukuha na nila ang kanilang insurance claims.

"Ito ay bilang pagtupad sa pangako ni Saudi Crown Prince Mohammed Bin Salman na babayaran ng kanilang gobyerno ang ating mga OFW," saad niya.

Labis naman ang pasasalamat ni Sen. Idol kay PBBM sa kanyang dedikasyon sa pagtulong at pagtutok sa kapakanan ng mga tinagurian nating mga makabagong bayani -- ang ating mga OFW. Gayundin ang pasasalamat ni Sen. Tulfo kay Saudi Crown Prince Mohammed Bin Salman dahil sa pagtupad sa kanyang pangako.

News Latest News Feed