Press Release
February 21, 2024

Statement of Sen. Idol Raffy Tulfo on the upholding of a guilty verdict for killer of Ranara:

Isang malaking konsolasyon ang pagsang-ayon ng Kuwait Apellate Court sa guilty verdict at sentensyang 16 taong pagkakakulong sa menor de edad na pumaslang kay Jullebee Ranara, ang ating kabayayang OFW sa Kuwait.

Ngunit hindi dito nagtatapos ang laban para makamit ang hustisya para kay Jullebee. Dapat ay obligahing magbayad ng danyos ang pamilya ng akusadong si Turki Ayed Al-Azmi, kabilang ang actual at moral damages. At marapat lang na manatili ang deployment ban sa Kuwait hanggat hindi nababayaran ang danyos na ito.

Sa pag-uusap na ma-lift ang deployment ban, alalahanin din sana ng ating gobyerno na ang pagkakaroon ng shelters para sa mga OFW sa Kuwait at pagkakaroon ng constant monitoring sa mga employers ay non-negotiable.

Ang mga ganitong pangyayari ay isang paalala rin sa Department of Migrant Workers (DMW) na mas paigtingin pa ang monitoring at background checking sa lahat ng employers, lalo na sa Kuwait, sa oras na ma-lift na ang ban.

Kailangan ding siguraduhin ng DMW na may liability ang foreign recruitment agency, at hindi lamang ang Philippine Recruitment Agency, sakaling magkaroon na naman ng ganitong pangyayari sa ibang bansa na apektado ang OFW.

News Latest News Feed