Press Release
February 22, 2024

Robin Appeals to Doctors: Help Encourage Alternative Treatment for Cancer

Keep an open mind and find alternative treatments for cancer.

This was the call made Thursday by Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla to doctors, especially for poor cancer patients who cannot afford the high costs of treatment.

"Sana po magkaroon tayo ng mga alternative na paggamot sa treatment sa mga cancer patients, pain management, dahil sa ngayon talaga, hirap na hirap po ang ating mga kababayan pagdating sa medical treatment (I hope we can have alternative treatment for cancer patients, including for pain management. Many of our fellow Filipinos are having difficulty in getting medical treatment)," Padilla said before the Philippine College of Radiology Convention in Pasay City.

"Kaya po sana makahanap tayo ng paraan para magkaroon naman po ng pag-asa ang kababayan na di kayang bumili. Napakamahal ng gamot para sa cancer... Ang gobyerno, alam po ang datos, alam po kung papaano makakagawa ng paraan para magkaroon ng alternative treatment. Kaya lang po siyempre kailangan natin ng tulong ng mga doctor (I hope we can find ways to give hope to the poor cancer patients who cannot afford treatment and medicine. The government can find ways for alternative treatment but it needs the support of doctors)," dagdag niya.

Padilla has been advocating the legalization of the "compassionate use" of medical cannabis (marijuana), including for pain management.

At Thursday's event, Padilla stressed it is time to open our minds and see what First World countries have been doing in terms of cancer treatment and pain management.

He stressed cancer is a big problem because of the growing number of cancer patients in the Philippines and worldwide.

Padilla lamented many Filipinos who are poor cannot afford traditional cancer treatments.


Alternative Treatment Para sa Cancer, Panawagan ni Robin sa mga Duktor

Buksan ang kaisipan at maghanap ng alternatibong paggamot sa cancer.

Ito ang panawagan ni Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla nitong Huwebes sa mga duktor, alang-alang sa mga cancer patients na mahihirap na hindi makayanan ang gastos sa paggamot.

"Sana po magkaroon tayo ng mga alternative na paggamot sa treatment sa mga cancer patients, pain management, dahil sa ngayon talaga, hirap na hirap po ang ating mga kababayan pagdating sa medical treatment," ani Padilla sa kanyang talumpati sa Philippine College of Radiology Convention sa Pasay City.

"Kaya po sana makahanap tayo ng paraan para magkaroon naman po ng pag-asa ang kababayan na di kayang bumili. Napakamahal ng gamot para sa cancer... Ang gobyerno, alam po ang datos, alam po kung papaano makakagawa ng paraan para magkaroon ng alternative treatment. Kaya lang po siyempre kailangan natin ng tulong ng mga doctor," dagdag niya.

Isinusulong ni Padilla ang legalisasyon ng "compassionate use" ng medical cannabis (marijuana), kabilang ang para sa pain management.

Ayon sa mambabatas, panahon na para "buksan ang ating kaisipan, kung ano ang ginagawa ng mga First World countries pagdating sa cancer treatment at pain management at ibang klaseng sakit."

Iginiit ni Padilla na napakalaking suliranin ang cancer lalo na't dumadami ang mga cancer patient sa Pilipinas at sa buong mundo.

Kawawa ang mga mahihirap na kababayan natin na walang kakayahan na magkaroon ng kung anong napapala ng may pera, aniya.

*********

Video: https://www.youtube.com/watch?v=yZaNLcmgCkA

News Latest News Feed