Press Release
February 25, 2024

Gatchalian urges drugstores, retailers to implement VAT exemption for specific medicines ASAP

Senator Win Gatchalian urged drugstores and other retailers of pharmaceuticals to implement as soon as possible the exemption from value-added tax (VAT) of specific medicines for the benefit of consumers.

A total of 22 medicines were added to the existing list of over 2,000 VAT-exempt drugs designed for the prevention and management of diabetes, hypertension, cancer, high cholesterol, mental illnesses, tuberculosis, and kidney diseases, as well as medicines and medical devices specifically used for the prevention and treatment of COVID-19.

"Given the high prices of basic commodities, it is important that affordable medicines are made available to those who have existing medical conditions. Dapat itong maipatupad sa lalong madaling panahon para sa kapakinabangan ng ating mga mamamayan, lalo na ang mga may sakit," Gatchalian said.

The senator made the call after the Bureau of Internal Revenue (BIR) issued Revenue Memorandum Circular No. 17, series of 2024, containing the list of additional medicines to be covered by VAT exemption as provided by Republic Act 10963 or the Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act, of which Gatchalian is a co-author. The VAT exemption for these medicines is also stipulated in Republic Act No. 11534, or the Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act.

In the same vein, Gatchalian also urged the consuming public to remain vigilant and ensure that they are paying the discounted rates for medicines listed. The VAT exemption for these medicines took effect on Feb. 19.

"Kailangang maging alerto ang publiko sa presyo ng mga gamot na kanilang binibili. Dapat makita ang VAT exemption sa resibo ng biniling gamot," he emphasized. The legislator particularly mentioned senior citizens, persons with disabilities, and those with existing medical conditions.


Panawagan ni Gatchalian sa mga botika: Ipatupad na ang VAT exemption para sa mga piling gamot

Nanawagan si Senador Win Gatchalian sa mga botika at iba pang pharmaceutical companies na ipatupad na sa lalong madaling panahon ang exemption sa value-added tax (VAT) ng ilang piling gamot para sa kapakinabangan ng mga mamimili.

May kabuuang 22 na gamot ang nadagdag sa kasalukuyang listahan ng mahigit 2,000 VAT-exempt na gamot na dinisenyo para sa mga sakit na tulad ng diabetes, hypertension, cancer, mataas na kolesterol, mga sakit sa pag-iisip, tuberculosis, at sakit sa bato. Kasama rin sa mga VAT-exempt ang ilang medical devices na ginagamit para makaiwas at magamot ang COVID 19.

"Sa gitna ng mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin, mahalagang mapababa ang presyo ng mga gamot. Dapat itong maipatupad sa lalong madaling panahon para sa kapakinabangan ng ating mga mamamayan, lalo na ng mga may sakit," ani Gatchalian.

Ang panawagan ng senador ang kasunod ng ipinalabas na Revenue Memorandum Circular No. 17, series of 2024 ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na naglalaman ng listahan ng mga karagdagang gamot na sasakupin ng VAT exemption na itinakda ng Republic Act 10963 o ang Tax Reform for Acceleration at Inclusion (TRAIN) Act. Si Gatchalian ay co-author ng naturang batas. Samantala, nakasaad din sa Republic Act No. 11534, o ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act ang VAT exemption para sa mga gamot na ito.

Kasabay nito, hinimok din ni Gatchalian ang publiko na manatiling mapagmatyag at tiyaking tama o mas mababa ang binabayaran nilang halaga ng mga gamot na kasama sa listahan ng mga VAT-exempt. Ang VAT exemption ay sinimulang ipatupad noong nakaraang Pebrero 19.

"Kailangang maging alerto ang publiko sa presyo ng mga gamot na kanilang binibili. Dapat makita ang VAT exemption sa resibo ng biniling gamot," diin niya. Partikular na binanggit ng mambabatas ang mga senior citizen, mga taong may kapansanan, at mga may umiiral na kondisyong medikal.

News Latest News Feed