Press Release
February 26, 2024

Robin Apologizes to Senate Officials over IV Drip Issue

Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla on Monday apologized to officials of the Senate over an incident involving his wife Mariel T. Padilla inside his Senate office last week.

Padilla sent letters to Dr. Renato DG Sison, director of the Senate's Medical and Dental Bureau; and (Ret) Lt. Gen. Roberto T. Ancan, the Senate sergeant-at-arms.

"Kailanman po ay hindi ko naisip na ipagwalang-bahala ang mga umiiral na alituntunin ukol sa seguridad ng Senado, lalo't higit ang hindi pagbibigay-galang sa ating institusyon (I would never think of violating the Senate's security protocols, much less disrespecting our institution)," Padilla said in his letter to Ancan.

"Nais ko pong bigyan ng diin na wala pong intensyon ang aking maybahay na ipagwalang-bahala ang mga umiiral na patakaran ng Medical Bureau (I wish to emphasize that my wife had no intention of disregarding the rules and regulations of the Senate Medical Bureau)," he said in his letter to Sison.

"Makakaasa po kayo na hindi na mauuulit ang ganitong uri ng pangyayari (Rest assured this will not happen again)," Padilla stressed in his letters to Ancan and Sison.

On Sunday, Mrs. Padilla also apologized to the public and to the Senate over the issue involving an IV drip in Sen. Padilla's office. She also clarified that the drip was Vitamin C and glutathione.


Robin, Humingi ng Paumanhin sa Opisyal ng Senado sa IV Drip Issue

Humingi ng paumanhin si Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla nitong Lunes sa opisyal ng Senado nitong Lunes sa nangyari noong nakaraang linggo sa kanyang tanggapan na kinabibilangan ng kanyang maybahay na si Mariel T. Padilla.

Nagpadala ng liham si Padilla kay Dr. Renato DG Sison, direktor ng Medical and Dental Bureau; at kay (Ret) Lt. Gen. Roberto T. Ancan, sergeant-at-arms ng Senado.

"Kailanman po ay hindi ko naisip na ipagwalang-bahala ang mga umiiral na alituntunin ukol sa seguridad ng Senado, lalo't higit ang hindi pagbibigay-galang sa ating institusyon," ani Padilla sa kanyang liham kay Ancan.

"Nais ko pong bigyan ng diin na wala pong intensyon ang aking maybahay na ipagwalang-bahala ang mga umiiral na patakaran ng Medical Bureau," ayon sa mambabatas, sa liham naman niya kay Sison.

"Makakaasa po kayo na hindi na mauuulit ang ganitong uri ng pangyayari," idiniin ni Padilla kay Ancan at Sison.

Nitong Linggo, humingi rin ng paumanhin si Gng. Padilla sa publiko at sa Senado sa nangyaring pag-IV drip sa tanggapan ni Sen. Padilla. Nilinaw din niya na Vitamin C at hindi glutathione ang drip niya.

News Latest News Feed