Press Release
February 26, 2024

Robin Extends Sincere Apologies to SP Zubiri, Sen. Binay Over IV Drip Issue

Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla on Monday humbly extended his apologies to Senate President Juan Miguel Zubiri and Sen. Ma. Lourdes "Nancy" Binay over the IV drip issue in his office last week.

In letters sent Monday afternoon to Zubiri and Binay, Padilla reiterated he regrets the issue that involved his wife Mariel Padilla.

"Kaugnay nito, nais ko pong ipahatid ang aking sinserong paghingi ng paumanhin kung ito ay nagdulot ng kagambalaan sa liderato ng Senado, sa ating mga iginagalang na kasamahan, at sa lahat ng bumubuo ng institusyon (I wish to extend my sincere apologies if this has caused concern for the Senate leadership, our colleagues, and those in the institution)," he said in his letter to Zubiri.

In a separate letter to Binay, Padilla reiterated that "kailanman ay hindi po namin sasadyain ang pagsasawalang-bahala sa dangal na sinisimbolo ng ating institusyon (we will never knowingly dishonor the institution and what it stands for)."

"Makakaasa po kayo sa aming palagiang pagtalima sa mga alituntunin ng Mataas na Kapulungan (You can rest assured we will follow the rules of the Upper Chamber)," he added in his letter to Binay, who chairs the Senate ethics and privileges committee.

Earlier, Padilla sent letters apologizing to Dr. Renato DG Sison, director of the Senate Medical and Dental Bureau; and (Ret) Lt. Gen. Roberto T. Ancan, the Senate sergeant-at-arms.

On Sunday, Mrs. Padilla also apologized to the public and to the Senate over the issue involving an IV drip in Sen. Padilla's office. She also clarified that the drip was Vitamin C and glutathione.


Robin kay SP Zubiri, Sen. Binay: Sinserong Paghingi ng Paumanhin sa IV Drip Issue

Buong pagpapakumbabang ipinahatid ni Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla nitong Lunes ang paghingi ng paumanhin kay Senate President Juan Miguel Zubiri at Sen. Ma. Lourdes "Nancy" Binay sa IV drip issue sa kanyang tanggapan noong nakaraang linggo.

Sa liham kay Zubiri at Binay nitong Lunes ng hapon, muling iginiit ni Padilla na labis niyang ikinabahala ang isyung kinabilangan ng kanyang maybahay na si Mariel Padilla.

"Kaugnay nito, nais ko pong ipahatid ang aking sinserong paghingi ng paumanhin kung ito ay nagdulot ng kagambalaan sa liderato ng Senado, sa ating mga iginagalang na kasamahan, at sa lahat ng bumubuo ng institusyon," aniya sa liham kay Zubiri.

Sa kanyang liham kay Binay, iginiit niya na "kailanman ay hindi po namin sasadyain ang pagsasawalang-bahala sa dangal na sinisimbolo ng ating institusyon."

"Makakaasa po kayo sa aming palagiang pagtalima sa mga alituntunin ng Mataas na Kapulungan," dagdag niya sa liham kay Binay, na tagapangulo ng Senate Ethics and Privileges Committee.

Nagpadala na rin ng liham si Padilla kay Dr. Renato DG Sison, direktor ng Medical and Dental Bureau; at kay (Ret) Lt. Gen. Roberto T. Ancan, sergeant-at-arms ng Senado.

Nitong Linggo, humingi rin ng paumanhin si Gng. Padilla sa publiko at sa Senado sa nangyaring pag-IV drip sa tanggapan ni Sen. Padilla. Nilinaw din niya na Vitamin C at hindi glutathione ang drip niya.

News Latest News Feed