Press Release
March 4, 2024

PRIVILEGE SPEECH OF SENATOR RISA HONTIVEROS ON AGRARIAN REFORM REVERSALS AND LAND RECONSOLIDATION
March 4, 2024

Mr. President, I rise on a point of personal and collective privilege.

Mr. President, noong isang taon po, tayo, bilang isang Kongreso, ay nagsulong at nagpasa ng isang batas na naglalayong magpalaya sa mga magsasaka mula sa tanikala ng mabigat na utang at buwis. I supported and continue to support Republic Act No. 11953 or the Agrarian Emancipation Law.

Noong kanyang State of the Nation Address, sabi ng Pangulo, "agrarian reform must continue." Kamakailan lang, nitong Pebrero 2024 sa CARAGA region, sabi ni Presidente, "layunin kong matapos ang pamamahagi ng lupang saklaw ng Agrarian Reform Program bago matapos ang aking termino."

Ngunit sa mga nakalipas na linggo at buwan, ang aking opisina ay nakatanggap ng mga nakababalahang mga report mula sa people's organizations on the ground, of what appears to be a pattern of agrarian reform reversals and land reconsolidation.

Isang halimbawa itong kaso sa Pampanga, sa Barangay Anunas at Cuayan. 1998 at 1999 pa lang, panahon nina dating Presidente Ramos at dating Presidente Estrada noong nabigay ang kanilang mga Certificate of Land Ownership Award o CLOA. Sa mahabang panahon, maagap na nagbabayad ang mga magsasaka hanggang sa na fully paid po nila, at ang katibayan nito ay ang Certificate of Full Payment and Release of Estate Mortgage na issued po ng Land Bank of the Philippines.

Kaso, lingid sa kanilang kaalaman, nagkasanglaan na pala ng lupa na buong akala nila ay sa kanila at binabayaran nila ng maayos at tiwala sa sistema. Ilang palit kamay ng mga may ari - may AMAKO, may National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC), may Vive Eagle Land, may CAVACON, hanggang sa napunta sa CLARK HILLS PROPERTIES CORPORATION.

Ngayon po ay may notice of demolition at ginagamitan ng dahas ang mga magbubukid para sila ay mapaalis sa kanilang lupa. I was very alarmed at the photos and videos I saw of the violence wrought against these farmers and residents of the area. May isa, may dala pang itak at sinaksak ang isa sa mga residente doon na senior citizen. De baril ang mga empleyado ng Clark Hills na pumupunta sa lugar at naninira ng bahay.

Mula sa Pampanga, dako naman po tayo sa Nasugbu, Batangas sa Hacienda Palico, Banilad, at Caylaway na pagmamay-ari ng ROXAS AND COMPANY. Matagal na din po nabigay ang kanilang CLOA, halos kasabay ng pagpasa ng CARP noong 1988, at matagal na din po, sa iba't ibang paraan, sinubukang hadlangan ang maayos na implementasyon ng repormang agraryo, kasama na ang pag-file ng application for conversion sa Hacienda Palico at Banilad. Nagpatuloy ang DAR sa pag cover ng lupa, pero hindi po naging maayos ang pagsunod sa tamang procedure ng acquisition ang DAR. Samantalang ang mga magsasaka ay tuloy-tuloy na naninirahan sa lupang natanggap sa ilalim ng programa ng repormang panakahan. Because of the issues of mode of payment, the Supreme Court in 1999 ruled that the DAR issued CLOAs without just compensation to Roxas and Company, and nullified the acquisition proceedings over the 3 haciendas. The case was remanded to DAR for proper acquisition proceedings.

Natulog ang kaso ng ilang dekada - sabi po ng RA 6657 as amended by RA 9700, pag umabot ng 10 years ang titulo ay indefeasible na at di na mababawi. Ngayon, biglang bumulaga sa mga Agrarian Reform Beneficiaries (o ARBs) ang balita na kailangan na nilang lisanin ang lupa at lumipat sa ibang lupa. This is based on the so-called win-win solution of Consolidated Order Number 6, which divides the landholdings 50-50, but apportions to the ARBs the less-desirable areas of the landholding. According to the ARBs my office spoke with, the CLOA holders from all three haciendas may be relocated to a parcel of land on barangay Palico without electricity or potable water at hindi man lang sila mismo ang nakonsulta sa kung paano ang magiging hatian ng lupa.

What do these two cases have in common, Mr. President? Perhaps if analyzed using the strict technicalities of the law, the actions of the dutybearers and perhaps even some actions of the landowners are valid. Ngunit sa mga ligal teknikalidad na ito, wala pong kinalaman ang magsasaka. Ano ba ang malay nila na pinagsasangla na ang lupa nila ng dating may ari? Ano ang alam nila sa proseso ng DAR sa acquisition mula sa landowner? Basta alam nila sila nagbabayad ng amilyar sa gobyerno. Ang sabi ng Supreme Court sa kaso sa Nasugbu, "it goes against the basic precepts of justice, equity and fairness to deprive these people, through no fault of their own to the land they till."

Mr. President, hindi po sila ang nagkulang, wala po silang sala, pero sila ang papasan. That the law is a great equalizer is a myth, Mr. President. When one party has more resources than the other, when one party has access to lawyers who can help navigate the system, that tilts the scales in their favor.

Sabi nga ng isang ARB sa Pampanga, ninuno pa namin ang nagpupunla sa lupang iyan, pero wala kaming kalaban laban kasi hindi kami mayaman.

There is a pattern, Mr. President, at hindi lang po ito sa nakaupong DAR ngayon. This appears to be a systematic pattern that beleaguers our agrarian reform program.

In Mauban for example, 62 farmers are about to lose their lands due to CLOA cancellation due to a fictitious Exemption Order. Bakit ko po nasabing fictitious? The affected farmers obtained a copy of a certification from the DAR that states that the said application for exemption has no file on record.

In Maliwalo, Tarlac, 11 farming families who got 14 hectares of what was supposed to be a 60-hectare PD 27 covered area were surprised to find their CLOAs canceled. This was after 36 hectares were already sold by the previous landowner and after the retention of 10 hectares was granted to the landowner. The reason for the cancellation was the grant of yet another retention covering the lands subjected to agrarian reform.

In Sariaya, hundreds of farmers and farmworkers will be displaced after the CLOAs of 87 agrarian reform beneficiaries were canceled. The lands were exempted from the agrarian reform program due to the reclassification of the land into non-agricultural use before the CARP was enacted, according to the Supreme Court. Kaya daing ng magsasaka, sana masilip ulit ang kasong ito ng Presidential Agrarian Reform Council.

There are so many more ways that CARP is being sought to be evaded, Mr. President. Noong nakaraang Linggo lang, dumalaw ako sa mga magsasaka ng ECJ holding sa Negros Occidental. Agrarian reform beneficiaries sila pero pinilit pumirma ng kasunduan o joint venture agreement sa ECJ corporation para sa gamit ng lupa. Ang siste, kahit sila ang may-ari ng lupa at nagtratrabaho nito, 70% ay napupunta sa korporasyon at 30% ang sa kanila. 800 pesos kada buwan, mas o menos, ang natatake home nila. Kulang na kulang para sa kanilang pamilya.

Matagal na panahon na po akong kumikilos at naninindigan para sa ating kanayunan. Mula sa mga magsasaka at mangingisda ng Jala-Jala, Rizal, mga mambubukid ng Sumilao na matagumpay na naglakad mula Bukidnon hanggang Maynila, sa magniniyog ng Bondoc Peninsula Quezon na patong patong ang kasong kriminal ng mga landowner para lang sagkaan ang agrarian reform, hanggang sa magtutubo ng Negros na nakaranas ng matinding karahasan habang ginigiit nila ang kanilang karapatan - malinaw sa akin na ang laban para sa lupa ay hindi madaling laban. Batid ko at batid ng marami ang iba't ibang paraan para sila ay gantsuhin at apihin. Kadalasan din, hindi natin ito nakikita o napapansin, lalo na tayong nasa Manila, dahil malayo sa atin, malayo sa bituka, ika nga.

Mr. President, hindi naman natin sinisisi ang nakaupong DAR ngayon because this is a systemic problem that crosses administrations. Ilang taon, ilang dekada ng kapabayaan. What is clear is that we owe an historical debt to our farmers. May utang tayo sa magbubukid. May utang tayo sa kanayunan. Sabi ni Presidente, he will seek permanent solutions to the issues that hound agrarian reform and its implementation. Let us start by addressing these patterns of injustice.

Salamat po.

News Latest News Feed