Press Release
March 4, 2024

IMEE: NFA HAS LOST ITS WAY AMID DIRE RICE SITUATION
Marcos to file Senate resolution on Monday

Senator Imee Marcos expressed alarm that the National Food Authority (NFA) has "completely lost its way" amid a cutback in the global rice supply.

"The Philippines is now the world's largest rice importer and the dire market situation today will only worsen in the coming months," she warned, citing El Niño weather disturbances and rice-exporting countries prioritizing their domestic needs.

Marcos will file a Senate resolution Monday to investigate the NFA's "highly suspicious" PhP93.75-million sale of 75,000 bags of rice stock to two traders as countless consumers clamored for cheaper rice.

"The NFA was also at the forefront of buying rice from India. Bakit sila nauwi duon eh bawal na bawal sa charter nila na sila ang mag-import (Why did they end up there when their charter strictly prohibits them from importation)?" she pointed out.

The senator recalled that her late father, former President Ferdinand Edralin Marcos, established the NFA in 1972 to buy palay from local farmers, stabilize rice prices for the Filipino consumer, and ensure a sufficient buffer stock for calamities.

However, the agency has repeatedly fallen short of its required buffer stock and been unable to cope with higher farmgate prices of palay, which rose to as high as 27 pesos per kilo last year.

Although palay's farmgate price has dipped to 23 pesos, the NFA had earlier pegged its capacity to subsidize local farmers at only 17 to 19 pesos per kilo.

Marcos said the NFA has been unable to support all local farmers desperate for aid, especially when rice smuggling forced them to sell their harvests below the cost of production.

In calling for an investigation, she emphasized that a thorough review of the NFA's mandate was crucial to deal with a global rice shortage.


IMEE: NFA NAWALA SA LANDAS SA HARAP NG MALUBHANG SITWASYON SA BIGAS
Marcos maghahain ng resolusyon sa Senado sa Lunes

Naalarma si Senador Imee Marcos na "tuluyang nawala sa landas" o hindi na nagagampanan ng National Food Authority (NFA) ang tungkulin nito sa harap ng pagkabawas ng pandaigdigang suplay ng bigas.

"Ang Pilipinas ngayon ang pinakamalaking importer ng bigas sa buong mundo at ang kawalan ng suplay ngayon ay lalo pang magiging masahol sa darating na mga buwan," babala niya, na tumukoy sa mga problemng dulot ng El Niño at mga bansang nag-e-export ng bigas na nagbibigay-prioridad sa kanilang sariling pangangailangan.

Maghahain bukas si Marcos ng resolusyon sa Senado para imbestigahan ang "napakasuspetsosong" pagbebenta ng NFA ng 75,000 sako ng bigas sa dalawang negosyante habang maraming mamimili ang humihirit ng mas murang bigas.

"Ang NFA rin ang nanguna sa pagbili ng bigas mula sa India. Bakit sila napunta doon kung bawal na bawal sa kanilang charter ang mag-import?" ani Marcos.

Ayon sa senador ang kanyang yumaong ama, na si dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos, ang nagtatag ng NFA noong 1972 upang bumili ng palay mula sa mga magsasaka, panatilihing mababa ang presyo ng bigas para sa mga Pilipino, at tiyakin ang sapat na buffer stock para sa mga kalamidad.

Gayunman, madalas na hindi natutugunan ng ahensya ang kinakailangang buffer stock at hindi makaya ang mas mataas na presyo ng palay sa mga magsasaka, na umaabot sa 27 piso kada kilo noong nakaraang taon.

Bagaman bumaba na ang presyo ng palay sa 23 pesos, nasabi dati ng NFA na ang kakayahan nito para suportahan o bigyan ng subsidiya ang mga lokal na magsasaka ay nasa 17 hanggang 19 piso lamang kada kilo.

Sinabi ni Marcos na hindi kayang suportahan ng NFA ang lahat ng lokal na magsasaka na desperadong humihiling ng tulong, lalo na kapag napipilitan silang ibenta ng palugi ang kanilang ani o sa halagang mas mababa pa sa gastos ng produksyon nang dahil sa rice smuggling.

Sa gitna ng panawagan niyang imbestigasyon, iginiit ni Marcos na mahalaga ang malalimang pagsusuri sa mandato ng NFA upang harapin ang pandaigdigang kakulangan ng bigas.

News Latest News Feed