Press Release
March 5, 2024

Women, health workers, MSMEs thank Senators Alan and Pia for timely assistance

A total of 1,000 beneficiaries from the province of Rizal received vital and timely assistance from the offices of Senators Alan and Pia Cayetano on March 4, 2024.

Celebrating Women's month, the office of Senator Pia gave aid to women and bolstered the health sector in Antipolo City.

"As barangay health worker po na nakatanggap po ng pinansyal, malaking bagay po ito para sa amin. Salamat po sa patuloy na kalinga sa BSW [Barangay Health Worker]," said Analiza Cabahug, one of the 500 beneficiaries from the event in Antipolo City.

As a health worker, Analiza is responsible for ensuring that the children in their community receive vitamins on time and monitor their height and weight. The aid she received is vital and helpful to her work, she said.

Cedie Ampol, another barangay health worker in Antipolo City, said the assistance will help her start up a sari-sari store.

"Nagpapasalamat ako kay Senator Pia at Senator Alan sa pagbigay sa amin, kahit papaano ay makatulong sa pamilya namin. Sa ganitong program, marami silang natutulungan, hindi lang sa amin, sa ibang tao rin," he said.

Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) owners also benefited as the office of Senator Alan provided necessary assistance to a total of 500 beneficiaries in Rizal Province, enabling them to increase and improve their livelihood.

The recent disbursement activity was done in partnership with the Department of Social Welfare and Development (DSWD) through its Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

AICS aims to provide timely and vital support to people in a difficult situation, aiding their recovery during challenging times.

The recent disbursement activity in Antipolo City and Rizal province were made successful due to the extended efforts and participation of Rizal Province Governor Nina Ynares, Antipolo City Mayor Jun Ynares, Councilor Susan Say, and Former Mayor Andrea "Andeng" Ynares.

This is not the first time the sibling senators have reached Antipolo City and Rizal province. Last month, more than 2,000 residents in Rizal Province also received vital aid to boost their livelihood.


Kababaihan, health workers, at MSMEs nagpasalamat kina Senador Alan at Pia sa napapanahong tulong

Nasa 1,000 benepisyaryo mula sa mga lalawigan ng Antipolo at Rizal ang nakatanggap ng mahalaga at napapanahong tulong mula sa opisina nina Senador Alan at Pia Cayetano noong March 4, 2024.

Sa pagdiriwang ng Women's month, nagbigay ng tulong ang tanggapan ni Senadora Pia sa mga kababaihan at pinalakas ang health sector sa Lungsod ng Antipolo.

"As barangay health worker po na nakatanggap po ng pinansyal, malaking bagay po ito para sa amin. Salamat po sa patuloy na kalinga sa BSW [Barangay Health Worker]," wika ni Analiza Cabahug, isa sa mga 500 benepisyaryo sa katatapos lang na programa sa Lungsod ng Antipolo.

Bilang isang health worker, responsibilidad ni Analiza na tiyakin na nasa tamang oras ang pag-inom ng bitamina ng mga bata. Binabantayan din niya ang kanilang taas at timbang. Ayon sa kanya, mahalaga ang kanyang tulong na natanggap sa kanyang trabaho.

Nakatulong naman kay Cedie Ampol, isa ring barangay health worker sa Lungsod ng Antipolo, ang tulong na natanggap upang makapagpasimula ng sari-sari store.

"Nagpapasalamat ako kay Senator Pia at Senator Alan sa pagbigay sa amin, kahit papaano ay makatulong sa pamilya namin. Sa ganitong program, marami silang natutulungan, hindi lang sa amin, sa ibang tao rin," sabi niya.

Nakinabang din ang 500 na mga benepisyaryo mula sa Lalawigan ng Rizal na may Micro, Small, at Medium Enterprises (MSMEs) sa tulong na ipina-abot ng opisina ni Senador Alan upang madagdagan at palakihin ang kanilang pangkabuhayan.

Naisagawa ang programa sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng kanilang programa na Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Layunin ng AICS na mabigyan ng agaran at mahalagang suporta ang mga taong nasa mahirap na sitwasyon upang matulungan sila sa kanilang pagbangon.

Naging matagumpay ang aktibidad sa tulong at partisipasyon nina Rizal Province Governor Nina Ynares, Antipolo City Mayor Jun Ynares, Councilor Susan Say, at Former Mayor Andrea "Andeng" Ynares.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakarating ang magkapatid na senador sa mga lungsod ng Antipolo at Rizal. Noong nakaraang buwan, mahigit 2,000 residente ng Rizal ang nakatanggap din ng mahalagang tulong upang mapalago ang kanilang kabuhayan.

News Latest News Feed