Press Release
March 10, 2024

Cayetanos deliver essential aid to various sectors in NCR

Over a thousand residents of Caloocan City and the City of Manila received essential aid from the offices of Senators Alan Peter and Pia Cayetano during two days of outreach activities on March 4 and 5, 2024.

In Caloocan City, Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholars, and Daycare Workers--sectors that the Cayetanos have been advocating for through legislation--were given aid to address their needs.

Former Caloocan 2nd District Representative Egay Erice, who was instrumental to the success of the March 4 activity, addressed the beneficiaries and thanked the sibling-senators for extending aid to their community.

"Magpasalamat tayo kay Senator Alan Peter at Senator Pia Cayetano sa handog nila sa ating lahat. Sa kahirapan ng buhay, iyan po ay ibinibigay nang walang kapalit at ano mang kondisyon," he said.

Aside from community development workers, members of the Tricycle Operators and Drivers' Association (TODA) of Barangay 12, Caloocan City, also received assistance from the senators.

The following day in the City of Manila, 300 women residents were empowered by the Cayetanos' aid in honor of Women's Month, a cause close to the heart of Senator Pia Cayetano.

Among the beneficiaries was Remedios De Vera, who shared that she has been caring for her child undergoing dialysis for 29 years. Due to this, she had to resign from her job and seek assistance from various government agencies and offices.

She revealed that Senator Alan never failed to assist her with their medical needs.

"Simula noong nagsimula siyang mag-dialysis, palagi akong lumalapit kay Senator Alan Cayetano at palagi naman akong hindi nabibigo dahil palagi niya akong binibigyan ng tulong," she said.

These outreach efforts were made possible through the assistance of the Department of Social Work and Development (DSWD)'s Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program and the local government units of Caloocan City and the City of Manila.

These initiatives are part of the Cayetanos' ongoing efforts to support marginalized communities in the country. They closely collaborate with government agencies and local units to ensure that Filipinos in need receive necessary assistance.


Iba't ibang sektor sa NCR, nakatanggap ng tulong mula sa mga Cayetano

Mahigit isanlibong residente ng mga lungsod ng Caloocan at Maynila ang nakatanggap ng tulong mula sa mga tanggapan nina Senator Alan Peter at Pia Cayetano sa dalawang araw na outreach activities noong March 4 at 5, 2024.

Sa Caloocan, naabutan ng tulong para sa kanilang mga pangangailangan ang mga Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholars, at Daycare Workers--mga sektor na patuloy ng isunusulong na mapabuti ng mga senador.

Naging susi si dating Caloocan 2nd District Representative Egay Erice sa matagumpay na aktibidad noong March 4. Sa kanyang talumpati, pinasalamatan niya ang magkapatid na senador sa kanilang pagtulong sa kanilang komunidad.

"Magpasalamat tayo kay Senator Alan Peter at Senator Pia Cayetano sa handog nila sa ating lahat. Sa kahirapan ng buhay, iyan po ay ibinibigay nang walang kapalit at ano mang kondisyon," wika niya.

Bukod sa mga community development workers, tumanggap din ng tulong mula sa mga senador ang mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers' Association (TODA) ng Barangay 12, Caloocan City.

Sa sumunod na araw, 300 na kababaihan naman ang pinagkalooban ng tulong sa lungsod ng Maynila. Ito ay naganap sa selebrasyon ng Women's Month, isang sektor na malapit sa puso ni Senador Pia Cayetano.

Isa sa mga benepisyaryo si Remedios De Vera, na ibinahagi na mayroon siyang anak na 29 taon nang nagda-dialysis. Dahil dito, kinailangan niyang mag-resign sa kanyang trabaho at humingi ng tulong mula sa iba't ibang mga ahensya at opisina ng pamahalaan.

Ipinahayag niya na hindi siya nabigo kailanman ni Senador Alan sa pagbibigay ng tulong sa kanilang medikal na pangangailangan.

"Simula noong nagsimula siyang mag-dialysis, palagi akong lumalapit kay Senador Alan Cayetano at palagi naman akong hindi nabibigo dahil palagi niya akong binibigyan ng tulong," wika niya.

Ang mga isinagawang pag-abot ng tulong ay naging posible sa pamamagitan ng Department of Social Work and Development (DSWD)'s Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program at ng mga lokal na pamahalaan ng mga lungsod ng Caloocan at Maynila.

Ang mga inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng mga Cayetano na suportahan ang marami pang komunidad sa bansa upang tiyakin na ang mga Pilipinong nangangailangan ay nakakatanggap ng kinakailangang tulong.

News Latest News Feed