Press Release
March 11, 2024

Gatchalian seeks inquiry into smuggling of Bugatti luxury cars to address revenue leakage

Senator Win Gatchalian is seeking an inquiry into the smuggling of two Bugatti Chiron sports cars in the hope of addressing revenue leakage due to the illegal entry of luxury cars into the country.

Gatchalian filed Proposed Senate Resolution No. 954 which seeks to put to an end the outright smuggling of luxury sports cars into the country by introducing remedial legislation.

According to him, the two luxury sports cars, a blue Bugatti with license plate NIM 5448 and a red Bugatti with license plate NIM 5450, did not go through regular customs clearance since these cars are without import documents as confirmed by the Management Information System and Technology Group of the Bureau of Customs (BOC).

"There is a need to determine the lapses and loopholes in government processes that lead to the continuous persistence of outright smuggling of luxury items in the country, including cars, that deprives the government of much-needed revenues and poses a serious and great threat to the national economy," said Gatchalian, who heads the Senate Committee on Ways and Means.

According to him, an investigation would enable the government to assess the scale of car smuggling in the country, enhance border control measures, deploy cutting-edge methods and technologies to combat luxury car smuggling and address tax leakages.

After receiving information in November last year, the BOC conducted an investigation into reports that the said luxury vehicles entered the country without going through regular customs clearance. Subsequently, the agency issued a warrant of seizure against the two undocumented Bugatti Chiron vehicles which were seen around Metro Manila and adjacent cities.

The two luxury vehicles, worth P165 million each without custom duties and taxes, are registered under a certain Menguin Zhu and a certain Thru Trang Nguyen. At 50% excise tax, the government should have collected P165 million from the importation of the two vehicles, Gatchalian said.

"Hindi natin dapat pinapalusot ang mga ganitong gawain dahil malaking kabawasan ito sa buwis na dapat nakokolekta ng gobyerno na kailangan natin para maipatupad ang mga proyekto na magpapalakas sa ekonomiya at magpapaunlad sa mga Pilipino,"" he ended.


Gatchalian gustong imbestigahan ang pagpupuslit ng Bugatti luxury cars para matugunan ang 'revenue leakage'

Nais ni Senador Win Gatchalian na imbestigahan ang smuggling ng dalawang Bugatti Chiron sports cars sa kagustuhang matugunan ang revenue leakage dahil sa iligal na pagpasok ng mga luxury cars sa bansa.

Inihain ni Gatchalian ang Proposed Senate Resolution No. 954 na naglalayong wakasan ang tahasang pagpupuslit ng mga luxury sports car sa bansa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng remedial legislation.

Ayon sa kanya, hindi dumaan sa regular customs clearance ang dalawang luxury sports car, isang kulay blue na Bugatti na may plakang NIM 5448 at isang pulang Bugatti na may plakang NIM 5450. Ang mga sasakyang ito kasi ay walang import documents gaya ng kinumpirma ng Management Information System at Technology Group ng Bureau of Customs (BOC).

"Kailangang matukoy ang mga butas sa mga proseso sa gobyerno na humahantong sa patuloy na tahasang pagpupuslit ng mga luxury item sa bansa, kabilang ang mga sasakyan. Isa ito sa mga dahilan kung bakit nawawalan ng kita ang gobyerno at nagdudulot ito ng malaking banta sa pambansang ekonomiya," sabi ni Gatchalian, na namumuno ng Senate Committee on Ways and Means.

Ayon sa kanya, ang isang pagsisiyasat ay magbibigay-daan sa pamahalaan na masuri kung gaano katalamak ang pagpupuslit ng sasakyan sa bansa, para mapahusay ang border control measures, magdisenyo ng mga makabagong pamamaraan at teknolohiya upang masawata ang luxury car smuggling, at matugunan ang tax leakages.

Matapos makatanggap ng impormasyon noong Nobyembre ng nakaraang taon, nagsagawa ng imbestigasyon ang BOC sa mga ulat na ang nasabing mga luxury vehicle ay pumasok sa bansa nang hindi dumaan sa regular customs clearance. Kasunod nito, naglabas ang ahensya ng warrant of seizure laban sa dalawang undocumented na Bugatti na nakita sa Maynila at mga katabing lungsod.

Ang dalawang mamahaling sasakyan, na nagkakahalaga ng P165 milyon bawat isa at hindi nagbayad ng custom duties at taxes, ay nakarehistro sa pangalan ng isang Menguin Zhu at isang Thru Trang Nguyen. Sa 50% na excise tax, dapat ay nakakolekta ang gobyerno ng P165 milyon mula sa importasyon ng dalawang sasakyan, ani Gatchalian.

"Hindi natin dapat pinapalusot ang mga ganitong gawain dahil malaking kabawasan ito sa buwis na dapat nakokolekta ng gobyerno na kailangan natin para maipatupad ang mga proyektong magpapalakas sa ekonomiya at magpapaunlad sa mga Pilipino," pagtatapos niya.

News Latest News Feed