Press Release
March 13, 2024

More than a thousand students in Batangas receive vital support from Sen. Alan, Pia

Over a thousand students in Batangas received timely support from the offices of Senators Alan Peter and Pia Cayetano on March 12, 2024.

"Ako po ay mapalad na bata dahil isa po ako sa binigyan ng pagkakataon para po makasama sa programa ni Senator Alan at Senator Pia Cayetano sa programang educational assistance," said Angel Rose Awayan, a Management Accounting Student and one of 1,007 beneficiaries.

"Malaking tulong po ito pandagdag po sa pangangailangan ko pagdating sa aking pag-aaral," she added.

Another beneficiary, nursing student Zandra Alex Melanio, said she would use the assistance for her education and to help her parents.

"Ako po ay nagpapasalamat kay Senator Alan Cayetano at kay Senator Pia Cayetano sa pagbibigay po sa amin ng educational assistance," she said.

The recent disbursement activity for students in Batangas was carried out in collaboration with the Department of Social Welfare and Development (DSWD) through its Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

Educational assistance is a component of the AICS program, which aims to provide vital support to students to aid them in their studies.

The recent disbursement activity in Batangas was also successful due to the participation and assistance of local government units and former Batangas 2nd District Representative Raneo E. Abu.

As Senator Pia's birthday approaches, the students also extended their heartfelt greetings for her.

"Happy Birthday po kay Senator Pia Cayetano. Nawa po ay patuloy pa po ang inyong paggabay at pagtulong sa mga mamamayan," Angel said.

Abu also greeted the senator, saying she and her brother are "heaven-sent."

"Kayong dalawang magkapatid ay hulog ng langit sa akin kung bakit ako patuloy na nakakapaglingkod at nakakapabigay ng tulong sa ikalawang distrito ng Batangas," he said.

"Ang puso ninyo, ang kalooban ninyo, pagdating sa kababaihan at kabataan ay nandodoon. Kaya kailangang-kailangan lumawig ang buhay mo at patuloy ka maging malusog," he added.

As part of their commitment to improving the welfare and livelihood of Filipinos, the sibling senators have been visiting different communities across the country to provide timely assistance to enhance their livelihoods.


Mahigit isang libong mag-aaral sa Batangas, nakatanggap ng mahalagang tulong mula kina Sen. Alan, Pia

Mahigit isang libong estudyante sa Batangas ang nakatanggap ng napapanahong tulong mula sa opisina nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano noong March 12, 2024.

"Ako po ay mapalad na bata dahil isa po ako sa binigyan ng pagkakataon para po makasama sa programa ni Senator Alan at Senator Pia Cayetano sa programang educational assistance," sabi ni Angel Rose Awayan, mag-aaral ng Management Accounting Student at isa sa mga 1,007 benepisyaryo.

"Malaking tulong po ito pandagdag po sa pangangailangan ko pagdating sa aking pag-aaral," dagdag pa niya.

Sinabi naman ni Zandra Alex Melanio, mag-aaral ng nursing at isa ring benepisyaryo, na gagamitin niya ang suportang natanggap para sa kanyang pag-aaral at upang matulungan ang kanyang mga magulang.

"Ako po ay nagpapasalamat kay Senator Alan Cayetano at kay Senator Pia Cayetano sa pagbibigay po sa amin ng educational assistance," wika niya.

Naisagawa ang programa para sa mga mag-aaral ng Batangas sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program nito.

Bahagi ng programa ng AICS ang tulong pang-edukasyon na naglalayong magbigay ng mahalagang suporta sa mga estudyante upang matulungan sila sa kanilang pag-aaral.

Naging matagumpay din ang programa sa Batangas dahil sa partisipasyon at tulong ng lokal na pamahalaan at dating Batangas 2nd District Representative Raneo E. Abu.

Dahil papalapit na ang kaarawan ni Senador Pia, ipinaabot din ng mga estudyante ang kanilang taos-pusong pagbati.

"Happy Birthday po kay Senator Pia Cayetano. Nawa po ay patuloy pa po ang inyong paggabay at pagtulong sa mga mamamayan," wika ni Angel.

Binati rin ni Abu ang senador at sinabing "hulog ng langit" ang magkapatid.

"Kayong dalawang magkapatid ay hulog ng langit sa akin kung bakit ako patuloy na nakakapaglingkod at nakakapabigay ng tulong sa ikalawang distrito ng Batangas," sabi niya.

"Ang puso ninyo, ang kalooban ninyo, pagdating sa kababaihan at kabataan ay nandodoon. Kaya kailangang-kailangan lumawig ang buhay mo at patuloy ka maging malusog," dagdag pa niya.

Bilang bahagi ng kanilang dedikasyon sa pagpapabuti ng kapakanan at kabuhayan ng mga Pilipino, patuloy na binibisita ng magkapatid na senador ang iba't-ibang komunidad sa bansa upang makapagbigay ng napapanahong tulong na magagamit sa kanilang kabuhayan.

News Latest News Feed