Press Release
March 13, 2024

TRANSCRIPT OF SRH INTERPELLATION DURING THE APPOINTMENT HEARING OF FINANCE SECRETARY RALPH RECTO
March 13, 2024

Senator Risa Hontiveros (SRH): Mr. Secretary, pwede ba kayong mag-identify ng tatlong halimbawa ng pagkakaiba sa mga priorities nyo bilang DOF Secretary kumpara sa priorities ng predecessor ninyo, si dating Sec. Diokno.

Alin sa mga advocacies ninyo dito sa Senado dati ang dala ninyo sa BIR, sa Bureau of Customs, pati na sa DBCC? Mr. Chair.

Sec. Ralph Recto (SRR): Palagay ko, unang-una, pwede ko sabihin na marami rin kaming pagkatulad. Halimbawa lang na mahalaga, we do not max out the Philippine National Credit Card. Mahalaga din na pabawasan natin yung debt to GDP ratio ng ating bansa.

Siguro ang ilang mga bagay na hindi katulad ay yung posisyon namin, halimbawa sa free public college education, dahil para sa akin napakahalaga nyan at dapat dagdagan pa ng pondo para dyan.

Pangalawa, halimbawa, yung MUP na alam kong tinatakay ngayon sa Senado ay sinusuportahan ko yung bill na nasa Senado na kung saan ang chairman nga ay si Sen. Jinggoy Estrada na ang nakapalopo dito, ay yung respetuhin natin yung pensyon ng ating mga military dahil ang gobyerno ay hindi dapat Indian giver, so to speak. At siguro kung babaguhin natin yung pension system, ay doon sa mga bago lang na papasok.

Ang pangatlo siguro ay doon nga sa fiscal deficit, pareho kami na dapat pababa yung deficit ng ating bansa. Ngunit palagay ko, hindi dapat masyado steep yung curve. Not at the expense of growth. So dapat yung trajectory pababa din pero hindi masyadong steep. Ika nga.

Now, with regard to doon naman sa pilosopiya ko sa pagbibuwis sa BIR at pagkolekta ng customs deed, ay palagay ko hindi nararapat sa pano natin ngayon na napakaraming bagong buwis. At alam naman natin, malaki pa rin ang tax gap sa BIR at sa customs na pwede naman siguro subukan natin na improve tax administration efficiency dito sa BIR at sa customs. Thank you for your question.

SRH: You're welcome, Sec at maraming salamat, Mr. Chair. Maganda rin marami din kayo nabigay ng mga indications kung saan mula sa legislative side pwede namin supportahan yung mga direksyon ninyo sa department.

SRR: Maraming salamat po. SRH: Salamat po. Ngayon po, tungkol sa CREATE law, a major reason for the move to amend the CREATE law has been the difficulty encountered by exporters and their direct suppliers in getting their VAT refunds. Your predecessor supposedly believed that this problem of VAT refunds can be sufficiently dealt with directly through changes to the IRR.

Pwede ba kayong magpaliwanag at magkomento sa mga pagbabagong iyon sa IRR na ang layunin e i-address nga itong mga VAT-related challenges? At sa anong extent itong usapin ng VAT refunds para sa locators, e usapin lang ng pag-computerize ng proseso, Mr. Chair?

SRR: Maraming salamat sa inyong katanungan. Totoo yan na pupwede makatulong yung pag-aayos ng implementing rules pero palagay ko, mas mahalaga, ma-amendahan yung CREATE law at yan ngayon ay tinatalakay sa Kongreso at inaasahan ko mapapasayan bago matapos ang buwang ito at dadalhin dito sa Senado yan.

At para sa akin, dapat ang mga exporter ay i-except na lang natin sa VAT because sa ibang bansa naman sa buong mundo talaga, ang exporter hindi VAT-able yan. Dahil they're competing globally. So dito, dapat gawin natin, ilagay na natin sa batas na exempt sila nang sa ganun, they will be more competitive globally as well at hindi na tayo magkakaproblema sa usaping VAT refund.

SRH: Salamat, Sec. So malinaw, no? Lampas sa pagbabago ng IRRs yung kailangan. Sa tingin ninyo, amyenda talaga sa batas. And hoping to hear moving forward yung mga yung opiyon nyo tungkol sa pag-computerize din... yung papel na pwedeng kampanan ng pag-computerize ng proseso as complementing amendment to the law.

SRR: Correct. Yung digitalization, yan ay priority ng ating Pangulo, priority ng Department of Finance yan at ng buong pamahalaan ngayon. Ganun din sa BIR at sa Customs.

Ako naniniwala ko at saka for the ease of doing business, ang mundo nagbabago na. Dala nung umpisa ng pandemic, nasanay din ang tao sa e-commerce. At mas mabuti siguro kung madali magtayo ng negosyo na hindi mo na kailangan, kahit sa computer pa lang, pwede ka nang magbukas ng kumpanya halimbawa sa SEC o di kaya sa DTI at makapagbayad ng buwis. Makakatipid ka pa at hindi ka na makakaabala sa traffic.

Mababawasan din siguro yung pollution kung i-digitize natin yung buong gobyerno at mababawasan ang korapsyon at madagdagan yung efficiency ng ating pamahalaan.

Lahat yan, ako malaking paniniwala ko, sa loob ng apat na taon, hindi man natin matapos lahat, we will greatly improve the situation.

SRH: I hope so too, Sec. Tungkol naman po sa Mandanas ruling, the recalibration of national versus local service obligations in the aftermath of the Mandanas ruling was enunciated in EO 138 of the former President.

A successive EO by the President was supposed to postpone the transition to full devolution by an extra two years so that is after the midterm elections. Now this, depending on where you sit, was either good or bad.

The extension allows national government agencies and corporations leeway to continue to spend on services that are listed in the local government code as having been devolved. So EO 138 being in limbo may be bad news for a DOF that wants to create, gaya ng tinatalakay ni Sec kanina, that wants to create fiscal space for many other national level programs like sabihin natin, PUV modernization program, housing program. Programs that haven't been receiving even 10% of the support that they need to get the programs going.

So paano po babalansihin ni Sec yung pangangailangan maka-achieve ng major fiscal reforms versus yung pagtugon sa mga concerns ng LGUs?

Si Sec ba yung magiging DOF Secretary na magre-reverse di lang sa create reforms pero indefinitely iiwan na sa freezer yung EO 138?

SRR: Napakagandang katanungan yan dahil napakahalaga ng role ng ating local government. At dahil naturuan ako ng aking asawa, si V, nung siya ay naging mayor ng siyam na taon at naging governor ng lalawigan ng Batangas ng siyam na taon din, natutunan ko na napakahalaga nga sabi ko ng role ng local government at saka sa katunayan sa aking on a practical note, bagamat sinasabi halimbawa ng local government code na ang mga ibang serbisyo tulad ng social services tulad ng health ay devolved, agriculture devolved sa local government unit, the real practice is there is a partnership between the national and local at hindi totoong tunay na devolved lahat itong mga programang ito or mga powers na ito sa lokal na pamahalaan. Halimbawa na lang, agrikultura pag tinignan natin, basahin natin ang local government code, ito ay devolved pero alam natin it is centrally planned at partner lang ang local government kung tutuusin natin itong nakaraan, halimbawa itong pandemic, ang health is supposed to be devolved in Batangas, we have 12 district hospitals that we used to run nung pandemic everything was highly centralized wala naman choice yung local government pag sinabing o kailangan lahat kayo naka mask, hindi pwede pumalag ang local government. So hindi tunay na devolved lahat yan. In fact, mas maganda na may partnership talaga.

Social welfare, may mga programa ang local government that compliment the national government, halimbawa may batas tayo dito na centenarian law 100,000 binibigay natin pag naging isang daan ka na again may bago tayo mga bagong pinasa, ang local government nagdadagdag din dyan so again it is a complementary at kung tutusin natin mas malaki ang ginagastos ng national government sa social welfare halimbawa sa DSWD ngayon mahigit 270 billion ang pondo ng DSWD para tulungan ang mahigit 12 million families kalahati ng lahat ng pamilyang Pilipino na tutulungan ng DSWD. Pero yan ay devolved. Yung pera ba din devolved sa local government? Hindi rin naman. sabi ko nga complementary lahat ito.

Now, finally, let me add ang huling-huling makaka-recover sa pandemic is the local government unit. Ang national tax allotment na nakuha nila in 2019 ay mababalik pa lang sa kanila by 2025 kaya kahit na nagkaroon ng Garcia-Mandanas ruling ang Supreme Court na ang internal revenue taxes na nakokolekta ng BOC particularly VAT at excise ibinaba mo ngayon sa local government but ayon sa batas 3 years preceding. So halimbawa yung nakolekta noong 2020 na bagsak ang ekonomiya ibibigay mo sa local government in 2023.

Yung nakolekta noong 2021 na bagsak ang ekonomiya ibibigay mo sa local government sa taong 2024. At nung nag-recover ang national government sa collection ng buwis na nakolekta noong 2022 ibibigay sa local government sa 2025. Ergo yung makokolekta ng local government sa 2025 katumbas lang nung budget nila ng 2019.

So, on a practical note it is very difficult to ask the local governments na you give them more responsibility and accountability na ang budget naman nila ay katumbas lang nung 2019. Kaya sabi ko nga ang pinakahuling magre-recover ay ang local governments sa ating bansa of course there are exceptions to those local governments particularly halimbawa in Metro Manila na hindi dependent sa IRA or sa national tax allotment so yun ang pananaw ko pagdating sa bagay na ito.

SRH: Salamat Sec. So mukhang nasa freezer lang nga muna yung EO 138 habang inaasikaso yung sitwasyon natin pambansa lalo na sa

SRR: At pinag-aaralan pa.

SRH: Alright salamat po. Tungkol naman po sa ito yung huling dalawang tanong ko dito Mr. Chair tungkol naman sa Blue Ribbon Investigations.

The Blue Ribbon Committee unfortunately did not complete the investigations on the sugar fiasco that happened around this time last year I'm wondering if the DOF Secretary can help find out what really happened why the Bureau of Customs allowed sugar traders that did not have import permits when their shipment landed at the Batangas port got their way and were allowed by the Bureau of Customs to come in.

To me this is self-evident Mr. Secretary return to sender dapat ang naging tugon ng BOC pero hindi eh. Tikom ang bibig ni dating Sec Diokno nakapag-magic ng import permit na non-existent naman nung dumating ang asukal at nangyari din daw ito sa bigas ayon kay dating Sen. Panfilo Lacson. What would you have done differently Mr. Sec at that time?

SRR: For me I think that for as long as there is a permit at tama ang buwis na biniyaran eh pwede mong i-release. Pero kung walang permit at walang buwis na tama ang biniyaran, eh dapat hindi natin payagang pumasok. To me it's as simple as that.

And one of the first things I did in the office I think on my after my first month in office was to consult with the NGOs and the agriculture sector so that we can find ways to ensure that hindi dumami ang smuggling ng kalimbawa ng mga bigas sa sukas sa ating bansa and I think we've been able to get them together with the Bureau of Customs to protect also our revenues dahil kung ano yung makukolekta natin sa Bureau of Customs gagasos din din natin para sa mga magsasaka natin. Ito yung layunin ng rice tariffication law na ang sponsor nandito ngayon ang principal author si Sen. Cynthia Villar na napakagandang batas na ngayon napapakinabangan ng ating mga magsasaka particularly in the rice sector.

I think we have to protect our revenues and lalo na walang bagong ways, and that's why we have to be tough on smuggling.

SRH: Salamat Secretary at tuling tanong ko po dito pwede ba tayong mag-usap tungkol sa mga PADOF at saka SRA BOC agreements or even legislation na mapipigilan na mangyari yung katulad niyan ever again, Mr. Chair?

SRR: You know unfortunately there is a TRO of some sort with regard to the computerization of the BOC so we're addressing some of these issues now malaking bagay yung digitalization effort, yung national single window so we're looking at that we're working closely with the DICT as well, we will try to address the concerns of the Bureau of Customs at yung whatever court cases they have at kung computerized lahat yan mababawasan yung discretion and hopefully with that, we can improve the efficiencies of the customs, particularly in agriculture as well

SRH: Salamat Sec. Mr. Chair gusto yung natin mag-interject ni Sen. Cynthia

Senator Cynthia Villar: We have passed the anti-agricultural economic sabotage law in the Senate and they have passed it in the House and we are just in the BICAM medyo mabagal magtawag ng BICAM itong ating House of Representatives, matagal ko na silang kinukulit doon sana mapasa natin yun kasi maganda yun for the problems that you are discussing. Thank you very much

SRR: In addition I just wanted to add to our response, we are now introducing also a pre pre-shipment inspection sa agriculture susubukan natin yun and hopefully that will address also some of the smuggling issues

SRH: Salamat Mr. Chair Salamat Sen. Cynthia at Secretary Meron pa sana akong dalawang tanong ah pero on the request of the the good Chair, for brevity, I will forward these couple of questions to the good Secretary at aasahan ko na lang ang kanilang dagdag na sagot.

Yung isa po ay dagdag na tanong tungkol sa CREATE LAW at yung isa naman ay well related tanong tungkol sa Fiscal Incentives Review Board o yung FIRB at aasahan ko yung kanilang sagot moving forward.

SRR: Be rest assured that we will immediately respond to all your queries in the DOF and you can just viber or text me. Thank you.

SRH: Will do at marami salamat po, Sec and best of luck. Mabuhay po. Salamat Mr. Chair.

News Latest News Feed