Press Release
March 16, 2024

Gatchalian pushes anew for institutionalization of Arabic Language and Islamic Values Education

Amid the month-long observance of Ramadan, Senator Win Gatchalian pushed anew for the institutionalization of the Arabic Language and Islamic Values Education (ALIVE) in all public and private basic education schools outside the Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM).

Gatchalian made this proposal in the Arabic Language and Islamic Values Education Act (Senate Bill No. 382), which seeks to provide Muslim Filipino learners the appropriate and relevant educational opportunities. The bill also covers learners enrolled in the Alternative Learning System (ALS). It seeks to ensure Muslim Filipino learners' maximum participation in national development, nation-building, and national unity.

The bill provides that, upon the written consent of parents and guardians, Muslim and non-Muslim Filipino learners can take the subjects of Arabic Language or Islamic Values Education, or both. The teaching of the Arabic language will seek to develop learners' functional literacy in Arabic. The teaching of Islamic values, on the other hand, will guide learners to be makatao, makaDiyos, makakalikasan, and makabayan. Islamic values education will also emphasize interfaith dialogue, multiculturalism, and respect for differences in belief.

The proposed measure also seeks the provision of facilities, equipment, relevant textbooks and instructional materials, and recruitment and training or capacity-building of asatidz or teachers in most Muslim Filipino communities. The capacity-building of asatidz will include trainers, supervisors, and administrators. The bill further seeks to provide technical and financial educational assistance to DepEd-accredited or recognized private madaris, an Arabic word which means school.

"Sa pag-angat natin sa kalidad ng edukasyon sa bansa, mahalagang tiyakin nating hindi mapag-iiwanan ang mga kababayan nating Muslim. Bilang pagkilala na rin sa kanilang mahalagang papel sa kaunlaran at pagkakaisa ng ating bansa, isinusulong natin ang pagtatatag ng ALIVE Program bilang mahalagang bahagi ng ating sistema ng edukasyon," said Gatchalian, Chairperson of the Senate Committee on Basic Education.

The proposed measure also seeks the creation of the ALIVE Program Multi-Year Roadmap, which will guide government agencies and private stakeholders on the program's implementation. The roadmap shall cover a minimum period of five years.


Pagpapatatag sa Arabic Language, Islamic Values Education muling isinusulong ni Gatchalian

Sa gitna ng isang buwang paggunita ng Ramadan, muling itinulak ni Senador Win Gatchalian ang institusyunalisasyon ng Arabic Language and Islamic Values Education (ALIVE) sa lahat ng private at public basic education schools sa bansa sa labas ng Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM).

Ito ay nakapaloob sa Arabic Language and Islamic Values Education Act o Senate Bill No. 382, na naglalayong magbigay sa mga mag-aaral na Muslim Filipino ng nararapat at napapanahong oportunidad sa edukasyon. Sakop ng panukalang batas ang mga mag-aaral na naka-enroll sa Alternative Learning System (ALS). Sa ilalim ng panukala, sisiguraduhin ang pakikilahok ng lahat ng Muslim Filipino learners sa pagpapaunlad, pagpapatatag, at pagkakaisa ng bansa.

Ayon sa panukala, sa pamamagitan ng pagsang-ayon ng mga magulang o guardians, ang mga mag-aaral na Muslim at non-Muslim Filipino ay maaaring kumuha ng asignaturang Arabic Language o Islamic Values Education, o pareho. Ang pagtuturo ng wikang Arabic ay may layong mapalawak ang functional literacy ng mga mag-aaral sa Arabic. Ang pagtuturo naman ng Islamic values ay gagabay sa mga mag-aaral na maging makatao, makaDiyos, makakalikasan, at makabayan. Ang edukasyon sa Islamic values ay magbibigay diin din sa interfaith dialogue, multiculturalism, at paggalang sa mga pagkakaiba sa paniniwala.

Dagdag ni Gatchalian, ang punakalang hakbang ay magbibigay ng mga pasilidad, kagamitan, textbooks at instructional materials, at magrerecruit at magsasanay o magpapalakas ng kakayahan ng mga asatidz o mga guro sa komunidad ng mga Muslim-Filipino. Kabilang sa magpapalakas ng kakayahan ng mga asatidz ang mga tagapagsanay, tagapamahala, at mga administrator. Ang panukalang batas ay may layon ding magbigay ng technical at financial educational assistance sa mga DepEd-accredited na pribadong madaris, o paaralan sa salitang Arabic.

"Sa pag-angat natin sa kalidad ng edukasyon sa bansa, mahalagang tiyakin nating hindi mapag-iiwanan ang mga kababayan nating Muslim. Bilang pagkilala na rin sa kanilang mahalagang papel sa kaunlaran at pagkakaisa ng ating bansa, isinusulong natin ang pagtatatag ng ALIVE Program bilang mahalagang bahagi ng ating sistema ng edukasyon," said Gatchalian, Chairperson ng Senate Committee on Basic Education.

Sa kabuuan, nais ng panukalang batas na magtatag ng isang ALIVE Program Multi-Year Roadmap, na gagabay sa mga ahensya ng gobyerno at pribadong stakeholders para sa implementasyon ng programa. Tatakbo ng limang taon ang nasabing roadmap.

News Latest News Feed