Press Release
March 18, 2024

Press conference of Senator Risa Hontiveros with Senate media

Q: Sumulat na po ba kayo ng formal request to arrest Quiboloy, ma'am?

Senator Risa Hontiveros (SRH): So kasalukuyan pong pinare-receive na sa abogado ni Quiboloy itong ruling of the committee. Once matanggap nila, ifa-follow up ko na yung sinabi ko nung huling committee hearing na request kay SP na ipa-aresto na si Quiboloy.

Q: Ma'am, pakibigyan lang kami ng walkthrough. So pagka-request kay SP, mayron po ba siyang given period, ilan yung at least araw para pirmahan ni SP yung order for arrest? And ano yung susunod po na mangyayari?

SRH: I think the given period ay nag-lapse na, yung non-extendable period of 48 hours para sumagot si Quiboloy dun sa show cause order. So at least nagawa na niya iyon. So any minute now, the Senate President, as soon as I follow up on my request to him, as soon as matanggap ng abogado ni Quiboloy itong ruling of the committee, any minute then, pwede na pong i-issue iyon.

Q: Sabi ng Kamara, willing sila na ibigay sa inyo yung custody ni Quiboloy. Kayo po ba, willing din kayo na dito na sa Senate? Do you feel na talagang mase-secure or maga-gwardyahan siya dito as compared sa House?

SRH: No need for comparisons, pero lagi dati kapag mayroong pina-appear o pinaarresto ang Senado, ay naalagaan silang lahat dito sa Senado. Ngayon ko lang narinig yung sinabing iyon ng House. Kung ganoon, ay wini-welcome ko po yun dahil isa na namang halimbawa ng inter-parliamentary courtesy na ibinibigay traditionally ng dalawang houses sa isa't isa.

Q: Do you feel you're facing a big challenge here? Kasi meron siyang mga kakamping senators and Quiboloy has been defiant of any order and he believes that he's above the law.

SRH: He's really challenging, pero at least hakbang-hakbang na ipapakita ng Senado na hindi talaga siya above the law. Hindi po ako nababahala o ano pa man kung meron akong mga kasamang senador na sumusuporta sa kanila dahil yun naman po ay karapatan ng bawat isa sa amin magkaroon ng sariling posisyon.

At mabuti, meron namang rules ang Senado na aming lahat na sinusunod. Kaya't kung merong anumang manifestation na gagawin, kung may kakailanganing bilang sa alinmang bahagi ng Senado, yun po ang gumagabay sa aming paghakbang o hindi paghakbang sa mga susunod na yugto ng proseso tulad ng imbestigasyon.

And so far, pinakita po ng Senado sa aming mga sarili, isa't isa, at higit sa lahat sa publiko, na kayang-kayang isulong ng Senado sa pag-exercise ng kanyang mandato, sa pag-exercise ng kanyang konstitusyonal na kapangyarihan, yung kanyang mga tungkulin. Partikular at lalong-lalong na sa ganitong usapin ng hustisya para sa mga babae at mga minor de edad.

Q: As previously pointed out, ibang-iba yung naging kaso dito kay Quiboloy, doon sa iba pang resource persons, for example, yung kay Senyor Aguila. Ibang-iba din yung pagtrato ng ilan sa inyong mga kasamahan dito sa kaso ni Quiboloy. How will this affect the credibility of the Senate moving forward, kung ganito po yung nagiging aksyon ng ilan yung kasamahan?

SRH: I think it further bolsters the reputation of the Senate na isa sa pinaka-independyenteng institusyon sa loob ng ating gobyerno, isa sa mga mayat-maya huling linya ng depensa sa ating proseso ng demokratisasyon, na lalo na pagkatapos ng anim na taon ni Duterte, na talagang sadyang inatake niya ang iba't-ibang mga institusyon ng demokrasya para humina o mawala yung checks and balances sa kanya bilang executive noon.

Kahit sa ganitong mahirap na sitwasyon, pilit na ine-exercise ng mga institusyon tulad ng Senado pa rin at ulit ang mga muscles niya na kung ano ang kanyang mandato, kung ano ang kanyang mga kapangyarihan, kung ano ang kanyang tungkulin, para ibalik sa dati at higit pa, palakasin pa lalo ang kakayahan niyang mag-fiscalize, ang kakayahan niyang mag-check and balance kapagka mayroong ibang bahagi ng ating gobyerno o 'di kaya makapangyarihang bahagi ng ating lipunan na lalabag sa batas, lalabag sa karapatan ng kapwa mamamayan, tapos nag-aakala pa na walang maisisingil na accountability sa kanya.

Q: Ma'am, have you made the necessary arrangements? Iaribe na ang ita sa taong iyon na na-arrangement po. Kung sakaling maaresto na si Quiboloy dito sa Senate. Yung security niya, kasi yung inaalala din ng ibang Senado, like Senator JV, kaya nila pinupush yung mag-Zoom na lang yung pag-testify ni Quiboloy.

SRH: Well gaya ng sinabi ko po dati, magpakita muna si Quiboloy ng kahandaan humarap sa komite bago siya humingi ng kung ano-anong leeway tulad ng iba't-ibang paraan ng pagharap. At gaya ng nabangit ko rin dati, may precedent na hindi pagbigyan ang ganyang klaseng hiling dahil precisely din pahihinain yung kakayahan ng Senado magpa-appear kahit minsan sa isang imbestigasyon ng bawat resource person. Eh ang sumatotal ng pag-appear pa ni Quiboloy sa ngayon sa Senado, sa komite, ay zero.

At sa kahandaan, lagi namang ipinakita sa nakaraan and at any moment, nananalig ako na handa ang buong Senado at anumang bahagi niya alagaan at panghawakan ang siguridad ninumang resource person na aming paarestohin at paa-appearin sa isang Senate hearing.

Q: Bago yung custody, ma'am, nandoon yung hinaharap natin that if ever magkaroon ng warrant, i-a-arrest siya. What if may resistance? Hihingi ba kayo ng tulong sa PNP. Although it's an operational thing, you might want to give us some oversight.

SRH: Buo ang paniniwala ko sa kahandaan at kakayahan ng OSAA bilang front line ng security ng Senado na gawin muli ang kanilang tungkulin, tulad ng pag-serve nila ng subpoena kay Quiboloy doon mismo sa address niya sa Davao.

Tulad ng isinagot ng DILG sa isang hearing, kung hingin namin sa pamamagitan ng OSAA, ang tulong ng PNP, ay pwedeng-pwede po naming hingin yun. At tulad sa mga maraming pagkakataon noon na hiningi, pati ng aming komite, ang tulong ng PNP o ng NBI sa ganitong klaseng mga imbestigasyon, ay naging laan naman po sila na ipagkaloob iyan, kaya umaasa pa rin ako sa dati na nilang pagtulong.

Q: Magtatanong po tayo sa DILG o sa PNP kung possibly merong physical resistance pagka i-a-arrest doon. Kasi di ba natatandaan mo yung kay Ecleo po? E ito religious leader din po. So ano po yung anticipation natin?

SRH: Well, hopefully walang mamumuong physical resistance dahil if ever isa na namang negatibong development yan dito sa imbestigasyong ito, na kung hindi lang nag-drama ng napakatagal ni Quiboloy, kung sana humarap na lang siya sa unang hearing, hindi kailangang umabot sa ganito.

Pero sa anumang senaryo na mag-materialize, for one, ang PNP ang pinakamay kakayahan nang institusyon sa loob ng ating gobyerno na siguruhin ang kaligtasan ng publiko at siguruhin ang pagtupad sa ating mga batas, pati ang pagtaguyod sa mga normal na proseso ng iba't ibang bahagi ng ating gobyerno, pati na namin dito sa Senado.

Q: Kasi po may armed bodyguards din po si Quiboloy.

SRH: Of course, Higit sa lahat, hopefully hindi maging madugo ang anuman.

At gaya ng nabanggit ko kanina, kung anuman, ay tiwala ako, handang-handa ang PNP, panatilihing maayos at mapayapa yung mga proseso ng Senado, at siguruhin na madala dito o kung aling mga institusyon ang magkukustodiya sa kanila kay Quiboloy, para sa wakas sumagot na sa mga tanong tungkol sa mga marami at seryosong akusasyon sa kanya.

Q: Kayo ba, ano yung nakikita niyo? San kumukuha ng lakas ng loob ng tapang si Quiboloy? Bakit grabe yung resistance po?

SRH: Posibleng matagal na kasi niyang ginagawa itong mga akusasyon sa kanya. And so far, nakatakas siya, scot-free.

Kaya hindi talaga mauubos yung pagpapasalamat ko sa ating mga matatapang na victim survivors. Kahit yung ilan sa kanila, ilang taon na ang nakalipas, nagbuo po silang lahat, bawat isa, ng lakas ng loob na sabihin ang kanilang kwentong buhay at maghabol talaga ng hustisya.

Kung hindi dahil sa kanila, hindi maglalakas loob yung iba pa na dahan-dahan ay lumapit din sa aking opisina at sa aming komite para ikuwento nga ang kanilang katotohanan at yun na nga po habulin ang katarungan.

Q: Pero kayo ba, ma'am, nararamdaman nyo, o may nakikita ba kayo na somehow parang may nagpo-protect din kay Quiboloy kaya ganun na lang yung tapang niya?

SRH: Mukhang meron talagang nagdadagdag sa lakas ng loob niya, mga nagprotekta sa kanya, baka hindi lang ngayon, kundi sa nakaraang mga taon

at may mga anggulong ganoon na lumalabas sa aming mga pagdinig. Yung testimonya ni Alyas Rene, na gardener doon sa mountain ni Quiboloy na meron daw siyang nasaksihang dating presidente,ngayoy VP, na dumalaw daw doon, na nung sa pagdalo na iyon, meron daw ibinabang mga sako at nung ito'y in-unload ay ang mga laman na ibat-ibang klaseng mga baril.

Tapos yung kamakailang pag-appoint niya, ni Quiboloy, kay Duterte, bilang administrator ng kanyang mga properties dito sa Pilipinas. So mukhang hindi siya nag-iisa kung gusto natin i-cite lang yung mga makapangyarihan o mayaman na nakapaligid sa kanya.

At kanina lang, yung video, nung kanyang pinangangalandakan yung kanyang labimpitong sets na mga kondisyon, kasama niya si Duterte.

Q: Anong plano niyo? Kasi obviously, hindi ito dito magtatapos. Hindi magtatapos sa arrest lang. Ito po ba ay lalawak pa? Kasi kung may ganong lakas ng loob, merong possible mga accomplice or protectors nga po.

SRH: Well, so far, meron kaming at least isa pang pagdinig na harinawa dun na makaharap at sumagot si Quiboloy. May at least isa kaming bagong resource person

mula sa national government agencies, ang Anti-Money Laundering Council, dahil dun sa testimonya ni Ms. Reynita, na binigay yung buong pangalan niya at pinakita yung kanyang mukha, na yung mga savings accounts nilang mga OFW sa Singapore ay ginagamit para magpadala ang ibang mga tao ng mas malalaking halaga kay Quiboloy sa Davao.

Kung dadako pa ito sa ibang mga makapangyarihan na nasa likod niya, nagpoprotekta sa kanya, depende po sa magiging mga testimonya sa susunod na pagdinig.

Q: If the camp of Quiboloy insists on testifying on virtual, will you allow? Well, kung hindi pa siya arrested at kung hihiling pa siya, na paappear-in na lang siya virtually.

SRH: As I mentioned earlier, may precedent na hindi pagbigyan yan. At saka, higit sa lahat, sabihin muna niya na dadalo siya bago siya humingi ng anumang concession or hiling sa komite.

At kung yung magiging hiling na iyon ay mag-testify virtually, yun na nga po. May precedent na hindi mabuting pagbigyan yun, dahil hindi mabuti para sa kapangyarihan ng Senado.

Q: Kung yung investigation niya, mapupunta na dun sa usapin ng mga OFWs o dating miyembro na napoperasang magbigay ng kanilang sweldo o pera sa kay Quiboloy, will that warrant eventually the presence of former President Duterte since he's now the administrator of the properties?

SRH: Baka wala pang direct link sa ngayon, unless lumabas sa testimonya pa ni Ms. Reynita o ng Anti-Money Laundering Council na dumaan yung perang iyo na galing sa paggamit ng savings accounts sa mga OFW at natanggap sa mga properties na ina-administer ngayon ni Duterte. Posible, hindi ko pa sigurado. Depende sa kung ano yung maging testimonya sa susunod na pagdinig.

Q: Hypothetically, nagmatigas po si Quiboloy. Patuloy na nag-matigas na hindi po dumalo sa hearing. Maka-apekto po ba ito sa kapangyarihan ng Senado na if ever yung ibang resource person na sabihin niya, "Bakit ako dadalo sa Senate"? SRH: Kaya ayaw ko. Kaya ayaw ng komite, pagbigyan yung mga bastos at contemptuous na mga actuations niya, precisely dahil ang Senado ay nagsasabi at ang Korte Suprema na rin ay nagsabi na well within its rights ang Senado magkondukta ng walang hadlang ng imbestigasyon ayon sa sarili naming rules. Sa ngayon, at mananatiling ganito, consistent ang Senado,na pinaninindigan namin itong mga usapin na ito.

Kung magkamali kaming pagbigyan si Quiboloy sa ganyang klaseng pampabastos niya, yun yung magiging simula ng pagdegrade ng kapangyarihan ng Senado. Kaya hinding-hindi po namin papayagan yan.

Q: Update sa SOGIE Equality bill? Dahil nagkaroon ng kaso doon sa EARIST.

SRH: Yung SOGIE equality bill dito ay pending pa rin hanggang sa ngayon. Pero batid po namin at lalong batid ng community, yung kasong iyon. At ang balita ko po ay aalamin, di umano ah, balita ko lamang po sa pamamangitan niyo sa media, aalamin pong iyong kasong iyon ng Manila City government dahil meron po silang local ordinance. And sigurado, nangunguna ang community and then kasunod kaming mga allies na susubaybay din doon.

At pwede rin po kaming mag-file ng resolusyon, para tignan yung kasong iyon sa EARIST. Alinsunod din sa pending na SOGIE-SC equality bill namin.

Q: Kakausapin niyo po si Senator Joel?

SRH: Yes, patuloy akong makikipag-ugnayan sa Senate leadership at ang bawat miyembro ng Senado para sa wakas maipasa din ang SOGIE-SC equality bill.

Q: Si former President Duterte, probably isa doon sa parang protector ni Quiboloy. Nandun na ba tayo sa direction din na papatawag. To be fair, dahil andun yung impression na may guns, may allegation of guns, etc.

SRH: Hindi pa namin na-desisyonan na tawagin si Duterte para mag-resource person. Kahit pagkatapos ng testimonya ni alyas Rene tungkol doon sa mga sako ng iba't ibang klaseng baril, nung siya at si VP ngayon ay dumalaw doon sa mountain ni Quiboloy.

Inuna muna naming dinigin lahat ng mga victim survivors bilang front and center, heart and soul nitong investigation. Kung may lumabas pa na testimonya, halimbawa nga doon sa usapin ng money matters, business matters ni Quiboloy, na kakailanganing imbitahin din siya para mag-testimonya, then gagawin po namin iyon.

News Latest News Feed