Press Release
March 18, 2024

Robin Pushes Nonworking Holiday to Commemorate INC's Contributions to the Nation

It is only fitting that a non-working holiday be declared to give the nation the opportunity to commemorate the contributions of the Iglesia ni Cristo (INC) to the nation in the last 110 years.

Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla stressed this on Monday, as he chaired a Senate hearing on a proposed measure to declare July 27 a nonworking holiday marking the founding of the INC.

"Sa kasalukuyan, ang Iglesia ni Cristo ay may internasyunal na miyembro kabilang ang 151 na racial at ethnic backgrounds. Mayroon po itong halos 7,000 na kongregasyon at misyon na nakagrupo sa lampas 178 ecclesiastical districts sa iba't-ibang bansa at huriskdisyon sa buong mundo. Ang nais ng panukalang ito ay bigyan daan ang milyon milyong mga myembro ng INC upang magkaroon ng angkop na celebration at pagbabalik tanaw sa mahalagang araw na ito sa kanilang kasaysayan (At present, INC has members worldwide, with members from 151 racial and ethnic backgrounds. It has 7,000 congregations and missions in 178 ecclesiastical districts worldwide. This bill aims to give its members a chance to celebrate and commemorate this important date in their history)," said Padilla at the hearing of the Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes.

"Ako po mismo ay witness sa mga ginawang magagandang bagay ng INC... Nakita ko ang kanilang lingap di lang ito sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Nasaksihan ko po ang para sa akin ay very godly na mga misyon ng INC. Hindi lang po sa Kristyano kundi sa mga Muslim (I personally witnessed the good deeds of INC. I saw their godly acts worldwide, not just for Christians but also for Muslims)," he added.

During the hearing, Interior Department Assistant Secretary for Legal and Legislative Affairs Romeo Benitez suggested that July 27 be declared a special day where the State would also acknowledge the INC's contributions to society.

For his part, Labor Undersecretary Felipe Ecargo Jr. suggested a balance between workers' benefits during a holiday, and the need to maintain the country's attractiveness to investors.

Padilla replied his committee will study Benitez and Ecargo's inputs. He said what is important is to commemorate the patriotism and nationalism that he said is "buhay na buhay (very much alive)" in INC.

"Mapaguusapan namin yan, titingnan namin (We will look at them and discuss them)," aniya.


Robin, Isinulong ang Nonworking Holiday Para Alalahanan ang Ambag ng INC sa Bayan

Nararapat magkaroon ng non-working holiday para alalahanan ng bayan ang ambag ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Pilipinas sa nakaraang 110 taon.

Iginiit ito ni Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla nitong Lunes, sa pagdinig ng kanyang komite sa panukalang batas na gawing nonworking holiday ang Hulyo 27 para gunitain ang pagtatag ng INC.

"Sa kasalukuyan, ang Iglesia ni Cristo ay may internasyunal na miyembro kabilang ang 151 na racial at ethnic backgrounds. Mayroon po itong halos 7,000 na kongregasyon at misyon na nakagrupo sa lampas 178 ecclesiastical districts sa iba't-ibang bansa at huriskdisyon sa buong mundo. Ang nais ng panukalang ito ay bigyan daan ang milyon milyong mga myembro ng INC upang magkaroon ng angkop na celebration at pagbabalik tanaw sa mahalagang araw na ito sa kanilang kasaysayan," ani Padilla sa pagdinig ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes.

"Ako po mismo ay witness sa mga ginawang magagandang bagay ng INC... Nakita ko ang kanilang lingap di lang ito sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Nasaksihan ko po ang para sa akin ay very godly na mga misyon ng INC. Hindi lang po sa Kristyano kundi sa mga Muslim," dagdag niya.

Mungkahi ni Interior Department Assistant Secretary for Legal and Legislative Affairs Romeo Benitez na gawing special day ang Hulyo 27, kung saang kinikilala rin ng estado ang ambag ng INC sa lipunan.

Ayon naman kay Labor Undersecretary Felipe Ecargo Jr, dapat balansehin ang benepisyo ng manggagawa sa holiday, at ang pananatiling kaakit-akit ang Pilipinas sa mamumuhunan.

Tugon ni Padilla, pag-aaralan ng komite niya ang mga mungkahi nina Benitez at Ecargo. Ang mahalaga, aniya, ay ang pagkilala ng patriotismo at nasyonalismo na "buhay na buhay" sa INC.

"Mapaguusapan namin yan, titingnan namin," aniya.

*****

Video: https://www.youtube.com/watch?v=1Y0bPphxQ-g

News Latest News Feed