Press Release
April 7, 2024

Senators Alan and Pia extend help to residents of Manila

"Labis po kami nagpapasalamat kila Senator Alan Peter at Pia Cayetano," Jonah Aure, vice-chairperson of Central Market Development Cooperative (CMDCO), said at the distribution of aid in Santa Cruz, Manila on April 4, 2024. "Napakalaking tulong po nang naibigay na bigas sa ating mga members na magkaroon ng kabuhayan."

The offices of Senators Alan Peter and Pia Cayetano had gone to Santa Cruz on April 4, 2024 to provide assistance to 85 beneficiaries, aiming to uplift their livelihoods.

"Rest assured po na ang ibinigay niyong tsansa sa ating mga members ay mapapaikot po nila ang kanilang kabuhayan," Aure added.

Expressing the same sentiment, Alfie Isip Hualde said the assistance they received would go a long way for them.

"Una sa lahat, pwede ko po gawing panimulang hanapbuhay iyon... Umasa po kayo na palalaguin at pagyayabungin pa po namin ang kabuhayan na ipinagkaloob," he said.

The activity was done in collaboration with the Department of Labor and Employment (DOLE) through its Integrated Livelihood Program (DILP), which aims to broaden the entrepreneurial ventures of the beneficiaries by providing necessary assistance they could use as seed capital.

The disbursement activity was executed successfully due to the effort and participation of DOLE NCR Director Atty. Joel Petak, DOLE Livelihood Officer John Rey Abitria, CMDCO Chairperson Rayner Revellame, and CMDCO Vice-chairperson Jonah Aure.

More vital livelihood programs for Manila

The offices of Senators Alan Peter and Pia Cayetano also visited Sampaloc, Manila on April 4 and 5 in preparation for upcoming livelihood activities.

This was done through a partnership with the Department of Social Welfare and Development through its Sustainable Livelihood Program (SLP) which aims to provide assistance to members of the 4Ps to enable them to start their own micro-businesses or undergo employment skills training.

The visits of the senators' teams to Manila were made successful through the efforts and participation of SLP Project Development Officer Crispie Tabucol and SLP Capacity Building Officer Gloria Lopez.


Senador Alan at Pia, nagpaabot ng tulong sa mga residente ng Maynila

"Labis po kami nagpapasalamat kila Senator Alan Peter at Pia Cayetano," wika ni Jonah Aure, vice-chairperson ng Central Market Development Cooperative (CMDCO), sa pamamahagi ng tulong sa Santa Cruz, Maynila noong April 4, 2024. "Napakalaking tulong po nang naibigay na bigas sa ating mga members na magkaroon ng kabuhayan."

Pumunta ang opisina nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano sa Santa Cruz noong April 4, 2024 para magbigay ng tulong sa 85 benepisyaryo upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan.

"Rest assured po na ang ibinigay niyong tsansa sa ating mga members ay mapapaikot po nila ang kanilang kabuhayan," dagdag pa ni Aure.

Sinabi rin ni Alfie Isip Hualde na malaking tulong para sa kanila ang kanyang tinanggap.

"Una sa lahat, pwede ko po gawing panimulang hanapbuhay iyon...Umasa po kayo na palalaguin at pagyayabungin pa po namin ang kabuhayan na ipinagkaloob," wika niya.

Naisagawa ang programa sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa kanilang Integrated Livelihood Program (DILP), na layuning palawakin ang negosyong pangkabuhayan ng mga benepisyaryo sa pamamagitan ng pagbibigay ng kinakailangang tulong na maaaring magamit bilang panimulang puhunan.

Naging matagumpay ang aktibidad sa pakikipagtulungan nina DOLE NCR Director Atty. Joel Petak, DOLE Livelihood Officer John Rey Abitria, CMDCO Chairperson Rayner Revellame, at CMDCO Vice-chairperson Jonah Aure.

Karagdagang programang pangkabuhayan sa Maynila

Bumisita rin ang mga tanggapan ng magkapatid na senador sa Sampaloc, Manila noong April 4 at 5 bilang paghahanda sa mga nalalapit na programang pangkabuhayan.

Naisagawa ang pagbisitang ito sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development sa pamamagitan ng kanilang Sustainable Livelihood Program (SLP) na naglalayong magbigay ng tulong sa mga miyembro ng 4Ps upang makapagsimula sila ng sariling maliit na negosyo o sumailalim sa pagsasanay sa kasanayan na magagamit sa trabaho.

Naging matagumpay ang pagbisita ng mga opisina ng senador sa Maynila dahil sa partisipasyon nina SLP Project Development Officer Crispie Tabucol at SLP Capacity Building Officer Gloria Lopez.

News Latest News Feed