Press Release
April 9, 2024

Robin: Education, Discipline, Enforcement Keys to Solving Traffic Woes

Road courtesy, discipline and education for motorists and drivers, along with clarity on enforcement of traffic laws, are among the keys to solving the scourge of traffic in Metro Manila and other urbanized areas in the country, Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla said.

Padilla, who is heartened that the administration of President Ferdinand "Bongbong" R. Marcos Jr. is working to address the problem, said he is prepared to help through legislative processes.

"Ilang buwan na ring pinag-aaralan ng aking tanggapan ang pag-ayos ng transportasyon sa lupa. Kasama sa mga susi dito ang kurtesiya sa daan at edukasyon, disiplina ng mga motorista - na maaaring isama sa kurikulum ng Department of Education para sa Senior High School, para maagang matuto ang ating mga mamamayan bago mapasama sa ating workforce (In past months, my office has been studying how to rationalize land transportation. Among the keys to this are road courtesy and discipline, driver education of new motorists in Senior High School - which may be included in the curriculum of the Department of Education so our drivers will learn both national and international driving laws, the right values before joining our workforce)," he said.

"Nabuhayan ako ng loob na binibigyang pansin ng ating Pangulo ang problemang ito. Ako ay handang sumuporta sa paglutas ng problema sa pamamagitan ng gawain sa lehislatura (I am heartened that our President is giving attention to the problem. I am prepared to support solutions to the problem through legislation)," he added.

Aside from this, Padilla noted it is important to determine who can use national roads, and clarify the roles of local government units (LGUs) in implementing national traffic regulations as well as who are specifically authorized to enforce national traffic regulations - including a redefined Philippine National Police Highway Patrol Group.

He added it is important to clarify and identify the coverage of national highways and what regulations are strictly applicable thereat.

Ignorance of national traffic laws and regulations have caused so many deaths and miserable traffic conditions on our roads, many of which are preventable.

A traffic summit is due to be held on Wednesday to find solutions to the traffic in Metro Manila. Among the solutions being studied are government employees taking the lead in following traffic rules, and the development of provinces near Metro Manila.


Robin: Edukasyon, Disiplina, at Malinaw na Pagtupad ng Batas ang Susi sa Paglutas sa Problema ng Trapiko

Kurtesiya sa daan, disiplina at edukasyon para sa mga motorista at tsuper, at malinaw na pagtupad sa mga batas. Ito ang mga susi sa paglutas sa matinding trapik sa Metro Manila at sa ibang mga urbanized area sa bansa, ayon kay Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla.

Ani Padilla, na nabuhayan ang loob na pinagtuunan na ng pansin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" R. Marcos Jr. ang problema, handa siyang tumulong sa pamamagitan ng karampatang panukalang batas.

"Ilang buwan na ring pinag-aaralan ng aking tanggapan ang pag-ayos ng transportasyon sa lupa. Kasama sa mga susi dito ang kurtesiya sa daan at edukasyon, disiplina ng mga motorista - na maaaring isama sa kurikulum ng Department of Education para sa Senior High School, para maagang matuto ang ating mga mamamayan bago mapasama sa ating workforce," ani Padilla.

"Nabuhayan ako ng loob na binibigyang pansin ng ating Pangulo ang problemang ito. Ako ay handang sumuporta sa paglutas ng problema sa pamamagitan ng gawain sa lehislatura," dagdag niya.

Ayon din kay Padilla, kailangang matiyak kung sino ang nararapat na gumamit ng pambansang daan, ano ang papel ng local government unit (LGU) at sino ang dapat magpatupad ng regulasyon sa trapik - kabilang ang "redefined" na Philippine National Police Highway Patrol Group.

Dagdag niya, mahalaga ring klaruhin at tukuyin ang sakop ng national highways, at kung anong regulasyon ang dapat ipatupad dito.

Ipinunto niya na marami na ang nasawi o naperwisyo dahil sa kakulangan ng kaalaman sa batas pangtrapiko - at marami sa mga trahedyang dulot nito ay maaari namang mapigilan.

Nakatakdang magkakaroon ng traffic summit nitong Miyerkules para alamin ang mga solusyon sa trapik sa Metro Manila. Kasama sa mga solusyon na pinag-aaralan dito ang pagiging halimbawa ng taga-pamahalaan sa pagsunod sa batas trapiko, at pagpapaunlad ng probinsyang malapit sa Metro Manila.

News Latest News Feed