Press Release
April 12, 2024

New poll confirms Filipinos' support for ROTC --Gatchalian

"Muli, nakita nating malinaw ang boses ng ating mga kababayan pagdating sa panukalang ipatupad ang ROTC." Senator Win Gatchalian made this statement after a new Pulse Asia survey revealed that a majority, or 69%, of Filipinos favor mandatory Reserve Officers' Training Corps for all young people.

According to the survey, which was conducted from December 3 to 7 last year and commissioned by Senate President Juan Miguel Zubiri, the highest support for the revival of mandatory ROTC comes from Mindanao (79%), followed by Visayas (74%), the National Capital Region (67%), and Balance Luzon (63%).

Gatchalian recalled the results of another Pulse Asia survey he commissioned last year, which showed that 78% of respondents nationwide favor the implementation of ROTC at the tertiary level. The said survey was conducted from March 15 to 19, 2023.

"Naniniwala ako na sa pamamagitan ng programang ito, matuturuan natin ang ating mga kabataang maging disiplinado at matatag, lalo na sa gitna ng mga hamong kinakaharap ng ating bansa pagdating sa seguridad," said Gatchalian, co-author and co-sponsor of Senate Bill No. 2034 or the Reserve Officers' Training Corps (ROTC) Act.

The proposed measure aims to institutionalize the mandatory Basic ROTC Program in Higher Education Institutions (HEIs) and Technical Vocational Institutions (TVIs) for all students enrolled in not less than two-year undergraduate degree, diploma, or certificate programs.

The chairperson of the Committee on Basic Education said the Senate is set to prioritize the ROTC Act for plenary interpellation when session resumes in May.


Bagong survey kumpirmasyon ng suporta ng mga Pilipino sa ROTC --Gatchalian

"Muli, nakita nating malinaw ang boses ng ating mga kababayan pagdating sa panukalang ipatupad ang ROTC." Ito ang naging pahayag ni Senador Win Gatchalian matapos lumabas sa isang Pulse Asia survey na karamihan sa mga Pilipino, o 69%, ang sumusuporta sa mandatory Reserve Officers' Training Corps sa mga kabatan.

Ayon sa isinagawang survey noong Disyembre 3 hanggang 7 at kinomisyon ni Senate President Juan Miguel Zubiri, pinakamataas ang suporta sa pagpapatupad ng mandatory ROTC mula sa Mindanao (79%), kasunod ng Visayas (74%), National Capital Region (67%), at Balance Luzon (63%).

Binalikan ni Gatchalian ang resulta ng isa pang Pulse Asia survey na kinomisyon niya noong nakaraang taon, kung saan lumabas na 78% ng mga kalahok sa buong bansa ang nagsabing pabor sila sa pagpapatupad ng ROTC sa kolehiyo. Isinagawa ang naturang survey noong Marso 15 hanggang 19, 2023.

"Naniniwala ako na sa pamamagitan ng programang ito, matuturuan natin ang ating mga kabataang maging disiplinado at matatag, lalo na sa gitna ng mga hamong kinakaharap ng ating bansa pagdating sa seguridad," ani Gatchalian, isa sa mga may akda at co-sponsor ng Senate Bill No. 2034 o Reserve Officers' Training Corps (ROTC) Act.

Layunin ng panukalang batas na gawing institutionalized ang mandatory Basic ROTC Program sa mga Higher Education Institutions (HEIs) at Technical Vocational Institutions (TVIs) para sa lahat ng mga mag-aaral na naka-enroll sa hindi bababa sa dalawang taong undergaduate degree, diploma, o mga certificate program.

Inaasahan ng Chairperson ng Committee on Basic Education ang pagbibigay prayoridad sa panukalang batas sa pagbabalik ng sesyon ng Senado sa Mayo.

News Latest News Feed