Press Release
April 18, 2024

Transcript of Senator Risa Hontiveros' interview with 105.1 Brigada News FM-Manila

Q: Unang-una po Senadora, kayo po ba ay nakatanggap na ng notice from Supreme Court para mag-comment po kayo doon sa pending petition ng kampo ni Quiboloy?

Senator Risa Hontiveros (SRH): Opo. At handang-handa po ako para sagutin yung anumang utos ng Korte Suprema. Yung legal team ko po na pinamumunuan ni dating Senior Associate Justice Antonio Carpio ay kasama ko po at handa po lahat na aralin, mag-deliberate at tumugon hanggat maaga sa utos na iyon.

At sigurado po, magko-comply po kami sa direktiba ng Korte Suprema, batay po sa prinsipyo ng separation of powers at ng may pinakamataas na respeto lamang sa ating mga institusyon. At dahil dito umaasa po talaga ako na ang mga prinsipyong ito ang gagabay sa ating lahat. Kasama na yung puganteng si Apollo Quiboloy.

Q: At dahil nga po kinikwestyon pa ng kampo ni Quiboloy, yung inyong warrant of arrest na in-issue Senadora, may effect pa ba yung in-issue ninyo ng warrant of arrest?

SRH: Well may effect pa po hanggat hindi mag-utos ang Korte Suprema in the opposite direction dahil na-issue na nga po ito, hindi lang po yung warrant ng Senado, pati po dalawang warrant ng ating mga korte. Isa po mula sa korte sa Davao at isa naman yung korte sa Pasig para pa ba sa isang non-bailable offense.

So umaasa po ako na patuloy pa rin. [Audio lost] In fact inuudyok ko po yung bago nating Chief PNP si Police General Rommel Marbil na mag-step up po, ika nga. Ika nga. Baka nga may failure of intelligence na eh kung ganitong katagal na hindi matukoy kung nasaan si Quiboloy.

At nabanggit ko na rin po kanina, pugante na po si Quiboloy kaya dapat huwag na pong mag-alangan ang PNP na bawiin yung mga armas niya. Eh alam na ng lahat sa social media na may private army siya. Bakit parang nagbubulag-bulagan pa ang PNP? So the PNP should really do better.

Q: So ano pong assessment ninyo, Senadora, doon naman sa effort ng PNP? Kasi sinasabi nila pinaghanap naman nila si Quiboloy pero hindi nila matagpuan doon sa mga identified properties nito.

SRH: Well, naniniwala po ako, nananalig ako na tinutupad ng PNP yung kanyang tungkulin. Maaga na rin pong sinabi ng Regional Director ng Region 11 na laan sila na gawin yung pag-serve ng anumang warrants na maipapadala sa kanila para kay Quiboloy. Kaya inuudyo ko pa rin lang si Chief PNP Marbil na gawing epektibo na yung mga warrants na iyon na talagang ma-aresto na ng PNP sa ilalim ng kanyang liderato itong si Quiboloy.

After all, armed and dangerous si Quiboloy. Buhay na buhay yung mga armadong sundalo niya na handang halos magpakamatay para sa kanya. At dalawang warrants of arrest na nga mula sa korte at isa mula sa Senado ang na-issu, pero hindi na ma-arresto. Sinasabi ko nga, kasama ng kanyang private army, banta siya sa peace and order dito sa bansa.

Q: Maibang issue naman ako dito Senadora Risa. Ito namang issue dito sa gentleman's agreement sa West Philippine Sea. Tapos may Balikatan nga na naman mangyayari. Ano yung pananaw ninyo dito sa gentleman's agreement, lalo na't sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nung nakaraan na mayroon naman talagang ganoong parang kasunduan na sinabi niya. Pero para lang yun magkaroon ng status quo, para walang maging problema dyan sa West Philippine Sea. Hindi magkaroon ng tensyon.

SRH: O di inamin na nga diba ni Duterte na may kasunduan. At kahit sabihin niya na kasunduan para sa status quo, well, sorry. Ang status quo ay atin yung bahaging iyan ng ating maritime zones at West Philippine Sea.

At kung status quo talaga, eh di dapat inayos, ni-repair ang BRP Sierra Madre diyan sa Ayungin Shoal dahil yan ay tanda ng ating soberanya sa bahaging iyan ng ating dagat. At hindi payagan na maagnas na lang hanggang mahulog at malunod sa dagat.

Kaya gentleman's agreement pa ba yan o Hudas Agreement? Kasi napaka-traydor po ng pasimuno niyang di umanong gentleman's agreement na yan. At kung totoo talaga yung kasunduan, mukhang isinuko nga ni Duterte ang teritoryo ng Pilipinas.

E sa salita ng mismong dating Philippine Navy Flag Officer in Command na si Eduardo Santos, sabi po nila this is "An act of treason." Ang unang nagbunyag niyan si Atty. Harry Roque, dapat ipaliwanag niya yung mga circumstance ng deal na iyan. Paano ba na-broker yan lalo na at yung implication niyan sa pambansang seguridad. Pero ang nakakalito, sabi naman ni Atty. Panelo hindi nito totoo yung deal. Parang di ba, ano [garbled].

At ang pinakamasahol talaga, itong nakasunduan ito ay lalo lang binigyan ang Beijing ng bala para i-assert yung kanyang walang basehan na mga claims sa ating karagatan. Kaya dyan po sa aking Proposed Senate Resolution No. 982, kinu-quote ko rin po yung National Security Council na nagsalita yung Assistant Director General nito na si Jonathan Malaya na kahit ang NSC po, hindi po nila alam yung ganyang klaseng kasunduan.

Eh kaya parang napaligiran na tayo niya eh. Nandyan dyan sa ating telecoms, sa ating national grid, pati sa karagatan. Eh sa ganitong sitwasyon ng kasunduan daw, lalo lang pinalakas ni Duterte ang Tsina sa kasunduan niya na 'di umano ay pinasukan niya.

Q: Yan, nabanggit mo. Tamang-tama. Nabanggit mo Sen. Risa yung sinasabi mo parang napapalibutan na tayo ng mga Chinese. Naging issue ngayon, yung parang Chinese influx dito sa Cagayan at sa Kamara, parang nag-imbestiga na daw. Ano po yung reaction ninyo? Kasi kayo din yung nag-siwalat nung mga Chinese sa pamamagitan ng pastillas scam na pumapasok na lang dito basta-basta.

SRH: Opo, pumapasok sila, nagbabayad niya pastillas nga, mga perang ni-roll up nila na parang nagmumukhang pastillas para makapasok kahit hindi karapat-dapat. At doon nagtatrabaho sa mga POGO. So itong subject ngayon ng imbestigasyon sa House, batid po ng lahat na importante dahil may mga diumano national security implications at kaugnay nga sa binanggit kong malakas na presensya na sobra ng China sa ating telecoms, grid at sa karagatan. So susubaybayan po namin niyang mabuti kung hindi man magkaroon din ng imbestigasyon sa Senado para mapalalakas natin talaga yung mga pagpatupad ng mga batas natin kaugnay ng tamang pagtugon sa ganitong mga banta.

Q: Senadora, doon po sa nabanggit po ninyo na isinusulong ninyo itong Resolution No. 982 na imbestigahan yung Gentleman's Agreement, may plano po ba kayo na ipatawag si dating Pangulong Duterte?

SRH: Posibleng mangyari yun. Depende po kung saang kumite ma-refer yung resolution ko at yung desisyon ng tagapangulo niyan kung kanila nga tatawagin si Duterte para magtestigo. After all, ang dami na niyang sinasabi ngayon sa media, nakakalito lang siya at yung mga tao niya ay iba't iba, conflicting pa nga yung mga claim. Ang gulo nilang lahat eh. Parang gobyerno niya nung pinuno siya. So harinawa, madinig talaga ng hanggat maaga yung Resolution ko, lalo na't kasi balibliktad yung mga sinasabi ng grupo nila mismo.

At please lang ha, tigilan na rin ni Duterte yung pagsasabi na mas maayos daw ang West Philippine Sea nung panahon niya. Eh Diyos ko, nung administrasyon niya, pinasa ng China yung teribleng fishing ban nila laban sa ating mga Pilipinong mangingisda, sa ating katubigan.

Panahon ni Duterte nung yung mga Chinese Navy vessels na armado ng mga missiles ay humabol at hinarass ang [Filipino journalists] ... At sumatotal, nung presidency niya pinagmukha ang Pilipinas na Chinese puppet sa mata ng international community.

And sa totoo lang ha, mas marami pa ngang mga insidente ng pananakot at pagbabanta noon na hindi pa isinapubliko. Pero ngayon, kitang-kita na ang kahangalan ng China.

Kaya, please, huwag nang ipagtanggol ni Duterte ang best friend niya kasi wala po talagang napala ang Pilipinas.

Q: Senadora, kapag naisulong po yung inyong resolusyon, may idea po ba kayo kung saang komite ba at sinong committee chair yung pwedeng nakikita ninyo na posibleng humawak nitong kahilingan po ninyo na imbisigan itong gentleman's agreement?

SRH: Off the top of my head, posibleng depende sa desisyon ng plenary at ng committee on rules. Either pwede siyang ma-refer sa committee on national defense ni Sen. Jinggoy o committee on foreign affairs ni Sen. Imee. So posible sa kahit alinman sa dalawang iyon o iba pa depende sa desisyon ng plenary at rules committee.

Q: Pero necessary ba na kayo po maging bahagi ng imbestigasyon na regardless saan committee po ito ma-i-assign itong imbestigasyon?

SRH: Saan man po iyan ma-refer, sigurado magiging aktibo ako dyan dahil ako yung nag-file ng resolusyon. At talagang isa po ako sa mga senador na very concerned. Sa ganyang sinasabing kasunduan at ang naging e[ekto niyan sa ating bansa nung nakaraang mga taon at ang mga implikasyon ng ganyang klaseng sinasabing kasunduan daw sa pambansang sitwasyon at pambansang interest natin hanggang sa ngayon.

News Latest News Feed