Press Release
April 19, 2024

Cayetanos provide aid to thousands affected by El Niño in Pangasinan

A total of 4,800 Pangasinenses received assistance from the offices of Senators Alan Peter and Pia Cayetano during a four-day visit to the Province of Pangasinan on April 15 to 18, 2024.

The aid proved essential as the province, currently experiencing El Niño, has grappled with severe drought conditions, leading to crop failures and water shortages.

Various sectors in the towns of Dagupan, Alaminos, San Nicolas, Malasiqui, Bayambang, and San Carlos City received much-needed relief through the collaborative efforts of the sibling senators and the Department of Social Welfare and Development (DSWD)'s Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

Addressing the beneficiaries from the sectors of ambulant vendors, sari-sari store owners, solo parents, and women, Mayor Belen Fernandez of Dagupan encouraged them to fully utilize the aid extended by the senators to their community.

"Kahit sobra silang busy, hindi nila tayo pinapabayaan dito sa Dagupan. Sa pagtanggap niyo ng AICS, huwag ninyo itong sasayangin. Maganda itong ipang-dagdag sa inyong kapital. Tayo ay masuwerte dahil tayo ay tinutulungan," she said.

In Alaminos, an additional group of 1,000 residents from sectors including senior citizens, solo parents, persons with disabilities (PWDs), and the indigent also benefited from the collaborative efforts of the Cayetano-DSWD partnership, facilitated by Mayor Bryan Celeste.

Among them is Jesica Caasi, a solo parent and cancer survivor, who said her condition has never hindered her ability to help her family. Expressing gratitude to the senators for the assistance, she plans to use it to enhance her sari-sari store business.

"Napakalaking tulong po talaga nitong iniabot nina Senator Alan at Senator Pia dahil napamahal na po ng mga bilihin. Magagamit ko po ito bilang pandagdag-puhunan. Sana po marami pa po kayong matulungan," she said.

To extend assistance to more Pangasinenses in need, the senators provided aid to 1,000 beneficiaries in the town of San Nicolas, catering to the sectors of farmers, women, and indigenous people, through the help of Mayor Alicia Enriquez and Vice Mayor Alvin Bravo.

Around 1,800 owners of Micro-, Small and Medium-sized Enterprises (MSMEs) in the 3rd district of the province from the towns Malasiqui, Bayambang, and San Carlos City were also provided additional capital support facilitated by 3rd District Representative Maria Rachel J. Arenas.

These initiatives are part of Senators Alan Peter and Pia Cayetano's ongoing efforts to support marginalized communities in the country. They closely collaborate with government agencies and local units to ensure that Filipinos in need receive the necessary assistance.


Mga Cayetano, nag-abot ng tulong sa libu-libong apektado ng El Niño sa Pangasinan

Nakatanggap ng kinakailangang tulong ang 4,800 Pangasinense mula sa mga opisina nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano sa kanilang apat na araw na pagbisita sa Lalawigan ng Pangasinan noong April 15-18, 2024.

Ang mga tulong na ito ay maituturing na mahalaga sa gitna ng kasalukuyang nararanasan ng probinsya na matinding tagtuyot dahil sa El Niño na nakakaapekto sa mga pananim at kakulangan suplay ng tubig.

Iba't ibang sektor mula sa mga bayan ng Dagupan, Alaminos, San Nicolas, Malasiqui, Bayambang, at San Carlos City ang nakatanggap ng tulong sa pamamagitan ng nagkakaisang pagsisikap ng magkapatid na senador at ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa kanyang pagharap sa mga benepisyaryo mula sa mga sektor ng mga ambulant vendors, sari-sari store owners, solo parents, at mga kababaihan, hinikayat ni Dagupan Mayor Belen Fernandez na gamitin nang kapaki-pakinabang ang tulong na ipinagkaloob ng mga senador sa kanilang komunidad.

"Kahit sobra silang busy, hindi nila tayo pinapabayaan dito sa Dagupan. Sa pagtanggap niyo ng AICS, huwag ninyo itong sasayangin. Maganda itong ipang-dagdag sa inyong kapital. Tayo ay masuwerte dahil tayo ay tinutulungan," wika niya.

Sa bayan ng Alaminos, karagdagang grupo ng 1,000 residente mula sa mga sektor ng mga senior citizens, solo parents, persons with disabilities (PWDs), at mga indigent ay nakinabang din mula sa Cayetano-DSWD partnership, sa tulong ni Mayor Bryan Celeste.

Kabilang sa kanila si Jesica Caasi, isang solo parent at cancer survivor, na nananatiling positibo at sinabing hindi hadlang ang kanyang kalagayan sa kakayahang tumulong sa kanyang pamilya. Nagpapasalamat siya sa mga senador sa tulong na ibinigay at plano niyang gamitin ito upang mapalago ang kanyang negosyong sari-sari store.

"Napakalaking tulong po talaga nitong iniabot nina Senator Alan at Senator Pia dahil napamahal na po ng mga bilihin. Magagamit ko po ito bilang pandagdag-puhunan. Sana po marami pa po kayong matulungan," wika niya.

Upang tulungan ang marami pang Pangasinense, inabot din ng mga senador ang bayan ng San Nicolas kung saan karagdagang 1,000 benepisyaryo mula sa mga sektor ng magsasaka, kababaihan, at indigenous people ang natulungan sa pamamagitan ng suporta nina Mayor Alicia Enriquez at Vice Mayor Alvin Bravo.

1,800 na Micro-, Small and Medium-sized Enterprises (MSMEs) owners din mula sa mga bayan ng Malasiqui, Bayambang, at San Carlos City ang nabigyan ng suportang pang-kapital sa pakikipagtulungan ng mga senador kay 3rd District Representative Maria Rachel J. Arenas.

Ang mga inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano sa pag-abot sa mga marginalized communities sa bansa. Sila ay malapit na nakikipagtulungan sa mga ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan upang matiyak na ang mga Pilipinong nangangailangan ay makatanggap ng kinakailangang tulong.

News Latest News Feed