Press Release
April 25, 2024

Jinggoy seeks better credit assistance for small firms

SENATOR Jinggoy Ejercito Estrada has filed a bill mandating banks to allocate credit resources for micro, small, and medium enterprises (MSMEs) citing the need to keep small businesses afloat.

Estrada's Senate Bill No. 2632 seeks to require all lending institutions to allocate at least 10% of their total loan portfolio to MSMEs. Additionally, compliance will only count if loans are actually given to eligible firms.

The senator said this would mean increased access to financial support for MSMEs, which is the biggest hurdle to the growth of small businesses in the country.

Under the provisions of RA 6977, otherwise known as the Magna Carta for MSMEs, which has since "expired," banks are mandated to earmark 8% of their loan portfolio for micro and small enterprises, and 2% for medium enterprises for a period of 10 years. The 10-year mandatory period is contained in RA 9501, the amendatory law which was enacted on May 23, 2008.

"Access to finance has remained a chronic barrier to MSME growth, and even survival. As of December 2023, compliance with the prescribed allocation of loan portfolio to micro and small enterprises amounted to P200.7 billion or 1.93%, and for medium enterprises was only P301.4 billion or 2.9%," Estrada said.

A University of the Philippines Center for Integrative and Development Studies discussion paper noted that banks have been avoiding meeting the required percentage of loans for MSMEs by various means. These include giving most SME funds to larger firms pretending to be medium-sized, depositing the required amount with the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) instead of lending to SMEs, opting to pay fines rather than setting aside funds for MSME lending, or investing in preferred stocks issued by Small Business Corp. (SBC) as an alternative way to support MSMEs.

"MSMEs account for 99.59% of the more than a million business establishments in the country. Sila ang bumubuhay ng ekonomiya natin at nagbibigay ng trabaho sa 65.1% ng kabuuang bilang ng mga manggagawa natin. Nararapat lamang na mabigyan sila ng sapat na suporta sa ilalim ng mga umiiral nating mga batas upang lumago at dumami pa sila. Kung madadagdagan ang bilang ng mga namumuhunan at nagnenegosyo nating mga kababayan, tataas din ang bilang ng mga may trabahong Pilipino," Estrada said.


Pautang ng mga bangko sa maliliit na kumpanya gustong masiguro ni Jinggoy

ITINUTULAK ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga bangko ng 10% ng kanilang loan portfolio para sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) para makatulong na mapanatili ang operasyon ng mga maliliit na negosyo sa bansa.

Sa kanyang isinumiteng Senate Bill No. 2632, nais ni Estrada na atasan ang lahat ng mga lending institutions na maglaan ng hindi bababa sa 10% ng kanilang kabuuang loan portfolio para sa mga MSMEs. Maituturing lamang ang pagtalima sa kautusang ito kung ang mga pautang ay talagang naibigay sa mga kwalipikadong kumpanya.

Aniya, ang hakbang na ito ay magsisiguro ng access para sa mga MSMEs sa kinakailangan nilang financial support, na siyang pinakamalaking balakid sa pagpapalago ng kanilang negosyo.

Sa ilalim ng probisyon ng RA 6977 o ang Magna Carta for MSMEs, inaatasan ang mga bangko na maglaan ng 8% ng kanilang loan portfolio para sa mga micro and small enterprises at 2% para sa medium enterprises sa loob ng 10 taon. Ang nasabing 10-year mandatory period ay nakasaad sa RA 9501, ang batas na nag-amyenda sa RA 6977, na ipinatupad noong Mayo 23, 2008.

"Ang pagkakaroon ng access sa mga pautang ang madalas na problemang hinaharap ng mga MSME kaya't nahihirapan silang mapanatili at mapalago ang kanilang mga negosyo. Noong Disyembre 2023, ang pagsunod sa itinakdang alokasyon ng loan portfolio para sa micro and small enterprises ay umabot lamang sa P200.7 bilyon o 1.93%. Samantalang ang sa medium enterprises naman ay nasa P301.4 bilyon o 2.9% lang," sabi ni Estrada.

Sa discussion paper ng University of the Philippines Center for Integrative and Development Studies, natalakay dito ang iba't ibang paraan ng pag-iwas ng mga bangko sa pagsunod sa itinakdang porsiyento ng dapat na pautang para sa mga MSMEs. Napag-alaman na karamihan ng pondo na para sa mga SMEs ay napupunta sa mga malalaking kumpanya na nagpapanggap na medium-sized. May iba naman idinideposito ang kinakailangang halaga sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa halip na magpautang sa SMEs at pinipiling magbayad na lang ng multa. At may iba na pinipiling mag invest sa preferred stocks na inisyu ng Small Business Corp. (SBC) bilang alternatibong paraan para suportahan ang MSMEs.

"Ang mga MSMEs ay bumubuo ng 99.59 percent ng mahigit isang milyong negosyo sa bansa. Sila ang bumubuhay ng ekonomiya natin at nagbibigay ng trabaho sa 65.1%ng kabuuang bilang ng mga manggagawa natin. Nararapat lamang na mabigyan sila ng sapat na suporta sa ilalim ng mga umiiral nating mga batas upang lumago at dumami pa sila. Kung madadagdagan ang bilang ng mga namumuhunan at nagnenegosyo nating mga kababayan, tataas din ang bilang ng mga may trabahong Pilipino," sabi ni Estrada.

News Latest News Feed