Press Release
May 22, 2024

WIN TRANSCRIPT | SENATE MEDIA INTERVIEW OF SENATOR WIN GATCHALIAN ON MAYOR GUO AND SCHOOL CALENDAR

Q: More than four hours ang hearing, anong assessment nyo sa mga inconsistencies?

SEN. WIN: Una muna yung mga nakita ko doon, malaking posibilidad na si Mayor Guo ay hindi sya Pilipino dahil ang kanyang birth certificate ay galing sa tatay nya na nagsinungaling at ang kanyang impormasyon doon ay di rin consistent dahil napakaluwag ng proseso sa late registration magsabi ka lang kung ano ang nasa isip mo. Mag-declare ka lang kung ano ang tingin mo makaka benepisyo sa iyo, yun na ang ilalagay mo sa late registration mo. Pero makikita natin ang birth certificate marami kang pwedeng puntahan. Isa na dito pwede kang maging kandidato. Kaya kung merong mga taong may balak pumasok sa pulitika o may balak patakbuhin sa pulitika, pwede silang pumasok via late registration. Ito ang isa sa nakikita kong problema kaya nakaisyu ng birth certificate na puro na hindi mahanap saan ang tao. Hindi PIlipino ang naka-declare doon. Ni yung marriage yung pagkakakasal nila, walang dokumento na magpapatunay na kasal si Angelito Guo at si Amelia Guo. At si Amelia Guo walang birth certificate, ibig sabihin hindi siya ipinanganak sa Pilipinas, walang ganun na tao sa ating bansa. So yan ang isang nakikita kong naging usapan sa hearing. Isa pa yung tingin ko mas malaki ang sindikato na nago-operate dito. At nakikita ko di lang human trafficking pati money laundering pumapasok na itong mga POGO. At hindi natin alam saan, kung saan nanggagaling ang pera, nanggagaling sa drugs, nanggagaling sa human trafficking. At nakita natin na may mga taong pumupunta dito para ipasok ang pera nila at gumawa ng hindi magaganda tulad ng POGO. Hindi rin maaalis ni Mayor Guo na hindi siya kasali doon dahil lahat nakapirma siya. Maganda ang kwento niya, maganda ang kanyang nga excuses pero kung titignan mo ang mga dokumento nasa sentro siya ng mga transaksyon na ito kaya hindi niya pwedeng sabihin na hindi niya alam yung nangyari. Q: Yung mga sagot niya sa interview ni Karen Davila at saka mga sagot niya kanina sa hearing, natulungan ba yung pagdipensa nya sa kanyang identity?

SEN. WIN: Yung kanyang interview kay Karen at may pinost kasi siya sa kanyang Facebook, yung kanyang parang talambuhay, kwento niya yan. Pwede siyang gumawa kung anong gusto niyang i-kwento para idipensa o i-justify ang kanyang pagkukulang sa dokumento. Pero ang dokumento ang pinakamahalaga. Nagsabi na ang PSA na walang Angelito Guo na ipinanganak sa Pilipinas. Walang Amelia Leal na ipinanganak sa Pilipinas. Sinabi na ng PSA walang marriage contract itong dalawa. Lahat ng ito ay salungat sa birth certificate ni Alice Guo at tatlo pa niyang mga kapatid. So ibig sabihin Itong si Angelito Guo ay nagsinungaling para makakuha ng birth certificate dahil kung may birth cert ka pwede ka bumili ng lupa, pwede kang magpatayo ng kumpanya, pwede ka tumakbo sa pulitika dahil yun lang ang ipapakita mo na Pilipino ako at lahat ng ito pwede na nating gawin.

Q: Pwedeng make-believe lang o itinatago ng father ang kanyang ina dahil Chinese talaga siya?

SEN. WIN: Malaking posibilidad na ang kanyang ina ay Chinese talaga. Kasi kung 2 Chinese ang magre-register, obviously di magiging Pilipino un. Dahil sabi nga ni Chairman George ang sinusundan natin ung bloodline. Kaya nag-imbento ang kanyang ama na isang Amelia Leal na Pilipino para patunayan na ang kanyang anak na si Alice Guo at iba pa ay Pilipino rin. Pero kung hahalungkatin mo, sabi na nga ng PSA walang documents na nagpapatunay dito, walang supporting documents na nagpapatunay doon sa mga isinulat at deklarasyon ng kanyang ama.

Q: Sabi ni Mayor Guo inconsistent ang alegasyon na siya ay spy as to POGO kasi ayaw ng Chinese ang POGO?

SEN. WIN: Para sa akin, mas mahalagang tanong sa akin yung byahe ng tatay niya na halos sa isang buwan dalawang beses, may isang buwan tatlong beses. Nakita naman natin ang negosyo niya dito hindi kumikita pero bumibiyahe sya doon dahil may nagnenegosyo o may ibang ginagawa. Kung idudugtong-dugtong natin ang istorya, may money laundering na pumapasok dito, malaking posibilidad din na yung tatay niya sangkot din doon sa money laundering na nangyayari kaya siya pumupunta doon sa ibang bansa. So ang dalas eh. Pero kung dudugtuungin natin ang mga kwentong ito, pwedeng kasabwat siya dito sa POGO na nangyayari, pwede rin yun. Hindi malayo un. Kung hindi Si Mayor Guo, dahil dine-deny niya, baka yung tatay ang kasama dahil sa mga aksyon nila at hindi rin nila mapatunayan saan galing ang pera.

Q: Bakit di siya ma-contempt?

SEN. WIN: Siguro kung nakita namin na kakailanganin, dapat i-contempt sya pero meron pa naman isa pang hearing para pakinggan ang mga facts at para lumabas pa. Marami kasing dokumento na ngayon pa lang dumating at ito ang ginagamit namin para tignan kung ano ang sagot niya.

Q: Wala pang information o document na nagli-link sa father niya sa POGO operations o money laundering?

SEN. WIN: Yun ang aming ine-establish ngayon. Ang nakikita ko lang, hindi sila kumikita dito sa Pilipinas. Nanggaling ang kita nila sa ibang bansa na pumapasok dito sa Pilipinas.

Q: Ang Anti-Money Laundering Council po wala silang monitoring?

SEN. WIN: Meron sila monitoring pero dapat i-report ito ng mga bangko. At sa pagkakaintindi ko nag-uumpisa na sila sa kanilang investigation dahil nga dito sa mga hearing na nangyayari.

Q: Yung pag-isyu ng birth certificate, is it lapse sa PSA or may sindikato?

SEN. WIN: Pareho, lapse at sindikato. Dahil kahit na higpitan natin yan kung ang mga kawanni din ng PSA sa LGUs ay kasabwat talagang kahit anong i-declare mo lalabas doon sa late registration mo. At sa mga pagdinig namin sa Blue Ribbon nagkaroon na ito may sindikato rin. So pareho. Hindi mahigpit at may sindikatong nago-operate.

Q: Sir sa nakikita natin ngayon, ano na po ang possible end game?

SEN. WIN: Kanina naitanong ko nga yan at nag-umpisa na ang imbestigasyon ng PSA. So mag-uumpisa yan sa fact finding ng PSA. Kukuha sila ng mga impormasyon, at ipa-file yan o ita-transmit yan sa Solgen. Solgen ngayon ang magpa-file ng kaso sa korte o sa Comelec. Kapag sa Comelec yung kanyang kandidatura ang irerevoke naman.

Q: Ini-recommend na ng DILG ang kanyang suspensyon?

SEN. WIN: Nag-recommend na sa Ombudsman, nabasa ko. So inaantay na lang ang decision ng Ombudsman.

Q: What pieces of legislation are we looking at?

SEN. WIN: Ang nakikita ko, may problema sa late registration, naabuso. So ang focus ng legislation dapat dito sa Late Registration. Paano natin siguraduhin na hindi maabuso at hindi magamit ng sindikato. At yung penalties dapat taasan na rin. Penalties doon sa mga nagsisinungaling, penalties na rin doon sa mga taong sangkot sa pag-iisyu ng pekeng birth certificate, dapat bisitahin ngayon ang mga penalties. Dahil hindi natatakot ang mga taong nasa loob. Kuha lang sila ng kuha ng information. Kung ano ang idineclare, yun ang isusulat doon at hindi nila naiintindihan na ang pekeng birth certificate na yun ay pwedeng gamitin sa iba pa, katulad na lang sa pagkuha ng passport. So dapat taasan ang penalties para parusahan ang mga kawani na sangkot sa sindikato.

Q: So far ang nangyayari kapag magko-correct ka ng registration sa PSA daraan ka muna sa LGU? Yung case po ni Guo di siya dumaan sa LGU?

SEN. WIN: Dumaan siya sa LGU. Si Alice at si Shiela sa Tarlac nag-late registration. Yung Seimen at bagong natuklasan si Wesley sa Caloocan nag-register.

Q: Hindi ba pwedeng i-produce ang mga kapatid?

SEN. WIN: Pwede, pwede rin naman imbitahan para magbigay din ng testimonya. Pero para sa akin, ang gusto ko ma-pokus yung laki ng operasyon nito. Yung citizenship lumabas lang nung tinitignan ang kabuuan. Pero ang kabuuan nito nasabi ko nga yung partisipasyon ng kanyang tatay, ano ang koneksyon ng kanyang tatay dito sa POGO na ito. Sino ba ang mga taong nasa likod na nagdadala ng malaking pera. Kaya hindi rin pwedeng sabihin ni Mayor Guo na di nya alam dahil may limang partner sa Baofu Land, tatlo doon may kaso. Dalawa for money laundering. Isa dito sa nahuling human trafficking sa Bamban. So tatlo sa apat mong partner merong kaso sa abroad. Parang kung ikaw papasok ka ng negosyo, kilalanin mo muna sino ang mga ka-negosyo mo, hindi ka lang pasok ng pasok lalo na kung malaking pera ang pinag-uusapan.

Q: Nai-file niyo na ung proposed bill nyo regarding total ban sa POGO?

SEN. WIN: Na-file namin kahapon. So meron nang 3 bills ngayon, kay Senator Alan, kay Senator Joel at yung atin. so iko-combine natin para tuluyang ma-ban ang POGO at meron din sa house na nai-file na the same.

Q: Sir, sabi po ng abogado ni Mayor Guo, hindi naging fair ang hearing kasi paulit-ulit na?

SEN. WIN: Ganyan talaga ang hearing, pwedeng pauit.ulit. Talagang dapat maintindihan nila ang hearing pwede talagang paulit-ulit ang tanong pero wala namang masama kung sasagutin nila ng paulit-ulit.

Q: Hindi niyo pa invite yung tatay?

SEN. WIN: Yan din ang isang proposal. Pag-aaralan ng kumite na imbitahan ang tatay. Kung andito ang tatay kasi ang sabi nasa abroad pero ako nakikita ko na dapat imbitahan ang tatay dahil siya ang naging source ng fake na birth certificate.

Q: Sir, you are at the dinner at the Palace, pwedeng magpa-kuwento?

SEN. WIN: Wala naman socials lang, purely socials. Wala namang napag-usapang pulitika.

Q: How's the relationship with the Palace after what happened?

SEN. WIN: Wala naman. Business as usual dahil alam naman ng Palasyo at alam naman ng ating Pangulo na maraming bills na dapat tapusin. Ang dami pang LEDAC bills na dapat tapusin. So gusto lang naman nya ma-maintain ang constant communication at mam-aintain ang relationship. Wala namang pulitikang pinag usapan.

Q: Paano maadress ang concern sa integrity at independence ng Senate?

SEN. WIN: Actually matagal na itong dinner. Na-advise ako nito, mga 3 weeks ago. Matagal na ito. Na-advise ako three weeks ago na merong ganitong dinner. Even though hindi pa napaguusapan ang leadership change, meron nang naka-set talaga. Itinuloy lang dahil naka-set na.

Q: Meron bang nag-pitch ng bills?

SEN. WIN: Wala naman. Napag-usapan lang, like si Sen Loren, napag-usapan yung topic on education. Of course bilang chairman ng Basic Education, napag-usapan namin yun pero walang specifics, very broad at friendly ang dinner.

Q: Nagkausap kayo ni SP Migz bago kayo nagpunta sa dinner?

SEN. WIN: Oo, nasabihan ko siya. Kahapon nag-usap kami.

Q: Sir, were you asked na mag-sign din sa resolution?

SEN. WIN: Wala, hindi ako tinanong kung magsa-sign ako. In fact, wala akong nakuhang any communication kung gusto kong mag-sign o hindi.

Q: Sir, sa dinner last night, nag-congratulate ba si PBBM kay SP Chiz?

SEN WIN: Meron naman. Pagdating ko andun na si SP Escudero but meron naman. Meron namang congratulatory message.

Q: Napag-usapan itong hearing kay Mayor Guo?

SEN. WIN: Napag-usapan namin ng pahapyaw. Actually marami kaming pahapyaw na napag-uusapan. Napag-usapan namin ito at nasabi nga natin na may hearing today but wala namang specifics. Q: Wala namang nagsabi sa inyo na wag ka munang pumunta doon?

SEN. WIN: Wala naman. Wala namang ganun.

Q: Were you surprised nung Monday?

SEN. WIN: Narinig ko siya nung I think Saturday morning pero wala naman ako.

Q: Hindi naman ito ang first time?

SEN. WIN: Oo. dahil meron naman, I think few months ago meron nang ganun.

Q: Sabi ni Sen. Joel, open siya maging minority?

SEN. WIN: Pag uusapan muna namin yun. As a group. Wala naman masyadong detalye pa medyo loose pa naman saka wala namang napag-uusapan na ganun.

Q: Retain ba ang committee chairmanship nyo?

SEN. WIN: Nakausap ko si SP Escudero at sabi niya ang leadership lang naman ang papalitan pero dahil gusto niya trabaho agad at least on my case mare-retain ang chairmanship ng Basic Education and Ways and Means dahil nga marami nang naumpisahan at marami ring pending on the floor. Of course ang sabi ko, everything is, ako I serve at the pleasure of the body. Kung ano ang gusto ng body susunod lang ako.

SCHOOL CALENDAR

Q: Reaction po sa school calendar?

SEN. WIN: Matagal na nating nire-recommend yan. I think mga early part of last year, ini-rekomenda natin na bumalik tayo sa normal school year natin. Kung saan ang summer ay April-May. Ako natutuwa ako dahil sinuportahan niya yan. At pinaiksi pa, one year, by next year balik tayo sa previous calendar natin. Malaking bagay yan dahil kita natin yung init talaga nagiging mas mainit at di na kaya ng mga bata. Q: Wala nang bakasyon ang mga bata?

SEN. WIN: Meron lang talagang sacrifices na Saturdays merong modular learning. Dahil nga umiikli ang school calendar days natin 220 to 175 or 170 so meron talagang additional calendar days. So modular naman ang gaagwin dyan para mako-complete natin ang 220.

Q: So 2025 na?

SEN. WIN: School year 2024-2025.

News Latest News Feed