Press Release
June 14, 2024

Transcript of Sen. Nancy Binay's Interview with Straight to the Point- Aljo Bendijo DZXL News, June 14, 2024

Q: Nasorpresa daw kayo sa desisyon ni SP Chiz Escudero na itigil muna ang konstruksyon ng New Senate Building. Tama po ba, Ma'am?

Sen. Nancy Binay: Actually as of ngayon nalilito na ako kasi Monday may pronouncement si SP Escudero na tigil, the day after ang bagong chairman ng committee on accounts na si Sen. Alan Cayetano ang pronouncement naman niya ay tuloy pa rin ang trabaho sa New Senate Building. So parang, ako hindi ko alam kung ano ba talaga at sino ba talaga ang masusunod sa kanilang dalawa.

Q: Okay. May over-pricing ba talaga dun, ma'am? May sinisilip dito, katiwalian, bigla daw tumaas ang presyo ng mismong building na yan?

SNBA: Factual lang tayo, Aljo. In fact, may speech si Sen. Lacson nung 2019 na sinasabi niya na ang cost ng structural -core and shell- ng Senate building ay 8.6 billion. So walang naging pahayag na ang amount na yun, yun na ang total cost para itayo itong building. So hindi ko malaman kung saan nanggagaling yung lumobo to 23 billion, na from 8.6 naging 23 billion when talaga namang ang amount na nauna ay hindi talaga yun ang total amount na tapos na tapos na yung building.

Q: Sa ngayon po kinakailangan na ba natin talaga tapusin yang building na yan? We cannot afford delays sa new building?

SNBA: Yes, Aljo, kasi, ito, factual, alam nyo ba na sa GSIS kung saan rumerenta ang Senado, umaabot ng close to P400 million ang binabayaran ng Senate. Alam nyo sa parking pa lang ha, ang bayad na is close to 100 million. Parking pa lang yun. So ang sa akin, we should stop the bleeding, yung expense ng Senado sa rental. Di ba lahat naman tayo naghahangad na magkaroon ng sariling bahay dahil alam natin pag rumerenta lang tayo hindi natin pagaari yung property. So ganun din yung mindset ni Sen. Lacson nung pinush niya na lumipat kami sa panibagong building na pagaari na ng Senado.

Q: So on target tayong buksan ang partial operations nyan by July 2024?

SNBA: Hindi ko na po sasagutin yan dahil hindi na po tayo ang in charge dun sa building, pero ang ako ho ang talagang tinatarget ko mag-partial opening sa pagbubukas ng Kongreso sa July 2025.

Q: Pero sinasabi nyo po na talagang maraming fake news, maraming chismis, gossip about New Senate Building?

SNBA: Yun kasing nakakalungkot, hanggang ngayon hindi pa ako kinakausap ni Sen. Alan. So at the moment wala pang proper transition from me to the new chairperson tungkol dito sa usapin ng New Senate Building. Ang maigi po sana di ba imbes na puro pa-media ang concern niya sa New Senate building eh bakit hindi namin upuan dalawa. In fact I'm extending an invitation sa kanya na kung gusto pa niya, invite namin yung media dun sa aming pagpupulong para marinig na rin nila yung sagot ko pagdating sa mga agam-agam ni Sen. Alan Cayetano.

Q: Magkano po ba talaga ito ma'am? 8.9 billion ba initial budget?

SNBA: Initial budget is 8.6, tapos nagkaroon ng partial allocation for fit-out na 2.3 ata or 2.2. Yun po yung naa-award. So ako, ang naabutan ko is paano natin kukumpletuhin yung building. So yun pa po yung pinaguusapan, kumbaga at the moment wala pang final amount kasi syempre tinatanong ko rin naman talaga kung ano ang pinaka-cost effective value for money pagdating sa mga gagamiting materyales for the building.

Q: Linawin ko lang ha, inital budget is 8.9 billion, ngayon tumaas daw ng 23.3 billion. Nasa kontrata po talaga ito ma'am?

SNBA: Contract po talaga ang awarded lang is 8.6 at saka I think 2.1 or 2.2 billion.

Q: So hindi totoo itong 23 billion?

SNBA: Wala pong awarded amount worth 23 billion. Isa pang pagkakamali, yun na nga po babalikan ko hindi niya ako kinakausap, hindi niya ako tinatanong. Kasi merong cost dun sa pagbili ng lupa na hulugan ang bayad na 1.6 billion so hindi ko po alam kung sa amount na binabato niya ay kasama ang acquisition cost ng lupa na hindi na po dapat ikarga sa cost ng pagpapatayo ng building.

Q: Maiba po ako ma'am, may mga nagtatanong dito tatakbo daw kayong mayor ng Makati?

SNBA: Sabi ko nga po, in a way blessing in disguise na naalis sa responsibilidad natin itong tapusin itong Senate building. Dahil alam mo, Aljo, parang 3 times a week ang ginugugol ko na panahon para tapusin ang building na ito so hindi ako nakakapag-concentrate sa binabalak kong tahakin na kumbaga the next chapter in the career of Nancy Binay.

Q: Masaya po sila kung ika'y tatakbo daw.

SNBA: Sa ngayon po at the moment tayo ay nagiikot sa Makati dahil syempre gusto ko naman din malaman sa mga kababayan ko sa Makati kung gusto ba po talaga nila na magsilbi si Nancy Binay sa Makati.

News Latest News Feed