Press Release
May 22, 2024

Transcript of Senator Risa Hontiveros with Mayor Alice Guo during the Senate hearing on POGO

Mayor Alice Guo

Your Honor, yan po ang understanding ko po.

Senator Risa Hontiveros

Yan ang understanding nyo. So presumably, kung may mga kapatid ka, sila'y half siblings at iba ang nanay nila. At ang nanay nila ang legal wife ng tatay mo?

Mayor Alice Guo

Ang tatay ko po, meron pong tatlong kasama.

Senator Risa Hontiveros

At yung sa tatlong kasama, may mga anak si tatay nyo, so half siblings nyo?

Mayor Alice Guo

Opo, Your Honor.

Senator Risa Hontiveros

So, yung isa sa tatlo ang legal wife ni tatay nyo?

Mayor Alice Guo

Your Honor, ay tingin ko po, kasi hindi ko po sila kasama po lumaki.

Senator Risa Hontiveros

So pero ang sinasabi nyo, hindi si Amelia Leal ang legal wife ni tatay nyo? Pero siya ay nanay nyo at siya ay kasambahay ni tatay nyo dati?

Mayor Alice Guo

Yes po, Your Honor.

Senator Risa Hontiveros

Okay, ito pong problema ko, Mayor. I also have copies of the birth certificates of Sheila Leal Guo and Siemen Leal Guo. I note that the information contained in these documents is necessary to present in these hearings for the Senate to properly carry out its authority to conduct investigations and ferret out the truth behind these issues we are confronting, thus constituting an exception to the Data Privacy Act.

However, out of an abundance of caution, niredact po namin yung ilang portions nung birth certificates nina Ms. Sheila Guo at Mr. Siemen Guo dahil hindi sila public officers. Ngayon, sa mga dokumentong ito, pare-pareho kayo ng nanay nyo ay si Amelia Leal at ang ama ninyo ay si Angelito Guo.

So, sa totoo. Tatlo po ba kayong anak ng nanay at tatay nyo?

Mayor Alice Guo

Your Honor, hindi po ako yung nag-prepare po ng birth certificate po nila. Kaya wala po akong idea po. Natanong ko rin po sa tatay ko po, after po nung last Senate hearing po, tinanong ko po sa kanya kung kapatid ko po ba yung dalawa. And he said yes po.

Senator Risa Hontiveros

Alright, so, kinonfirm ni tatay nyo na si Ms. Sheila Leal Guo at Mr. Siemen Leal Guo, ay mga kapatid nyo?

Mayor Alice Guo

Yes po, Your Honor.

Senator Risa Hontiveros

At kinonfirm nila na mga kapatid nyo sila?

Mayor Alice Guo

Kinonfirm po sa akin ng tatay ko po. Tinanong, naitanong ko po sa kanya.

Senator Risa Hontiveros

Base pa rin sa mga dokumentong ito, una yung birth certificate nyo at ngayon yung birth certificate nung dalawang kinonfirm ni tatay nyo na kapatid nyo. Paano po yung iniwan ka ng nanay mo nung pinanganak ka ng 1986? Pero, siya pa din ang nanay ng kapatid mong si Siemen na pinanganak naman nung 1988? Mayor Alice Guo

Your Honor, hindi po ako, hindi ko po nakita yung birth certificate po nila at hindi rin po ako yung nag-prepare po. Wala po akong idea po doon sa birth certificate po nila.

Senator Risa Hontiveros

As the Chair mentioned earlier, para sa susunod na hearing, iimbitahin nga natin yung kumadrona na nagpanganak kay mayor. Yung mga tanong tungkol sa sinong tumanggap ng late registration, maitatanong na natin ngayong araw dahil nandito ang LCR ng Tarlac.

Imbitahin din sa susunod na pagdinig yung chair sa barangay na nagbigay ng permit para sa farm.

Si Mayor Feliciano nga, ang BIR, unless, sorry, ang BIR nandito na rin. Ang mga naging suki ni Mayor Alice nung siya'y nagnenegosyo sa piggery nila and then yung mga tauhan sa farm. So, we will invite those additional resource persons.

Senator Risa Hontiveros

Salamat, Sen. Raffy. The committee actually already made that request at in a few minutes, meron po akong information tungkol sa tinatanong nating marriage certificate na yan.

Pero at this point, Mayor Alice, nakikita po na ito nga yung problema. You did not prepare your birth certificate pero di maipagkakaila na butas-butas po yung birth certificate niyo. At lumalabas po sa pagtatanong po namin, matatanong talaga, akala ko ba na wala yung nanay ninyo? E parang matagal naman yung relasyon nila nung tatay nyo. Tatlo ang anak. At by the way, iba po yun sa kwento nyo sa interview na napanood namin lahat.

And here's another issue, Mayor, sa birth certificate na nagkocontradict sa kwento ninyo. Your parents are listed nga as married. Meron pang date of marriage, no? Yung October 14, eto, 1982. O, date of marriage. Paano mangyayaring kasal sila kung sabi mo ang birth mother mo ay yung kasambahay sa bahay ng tatay at nanay mo?

Mayor Alice Guo

Your Honor, yung biological mother ko po ay kasambahay po ng tatay ko po. Ako po, lumaki po ako sa farm.

Sen. Raffy Tulfo

Sorry, Madam Chair, malayo sagot niya.

Sen. Risa Hontiveros

Yes, Sen Raffy. Yun na nga po. E paano mo mapapaliwanag na yung date ng kasal ng magulang mo, na iba-iba dito sa tatlong birth certificates ninyong tatlong magkakapatid, na kinonfirm ni tatay mo na si Na Shiela at Siemen Leal Guo ay mga kapatid nyo, pero sa mga birth certificates ninyo, iba-iba ang petsa ng kasal ng magulang ni Sheila Leal Guo, na ang pangalan din ay Angelito Guo at Amelia Leal, pero hindi date ng marriage ng magulang ni Siemen Leal Guo, na pareho din si Angelito Guo at Amelia Leal ang magulang. So, paano nyo maipapaliwanag yun iba-iba ang marriage date sa birth certificates ninyong tatlong?

Mayor Alice Guo

Your Honor, as much as possible, ayoko na pong sumagot ng hindi ko po alam. Pero, hindi ko po talaga alam at hindi po ako yung nag-prepare po nung birth certificate ko po.

Senator Risa Hontiveros

Salamat, Sen. Raffy. So sige, para lang tapusin na natin yung kwento dyan sa marriage certificate na yan. At ito po yung malala, Mayor. Nung pinacheck ko po, wala pong record ng kasal sina Angelito Guo at Amelia Leal. Okay? So yan ang sinasabi po ng PSA certification natin.

At ito ang higit pang malala. Walang birth record at all sina Angelito Guo at Amelia Leal. So, maitatanong talaga, hindi po kaya Angelito Guo and Amelia Leal Guo don't even exist?

Itong dalawang taong ito, na according to the documentary evidence, have three children,

but according to you, Mayor, have only one child, apparently don't even exist? So hindi ko maklaro, lumalabo po yung kwentong buhay ninyo.

And next question, ang tatay nyo po ba ay Chinese, Filipino, o Filipino Chinese? Final answer please ha, dahil itong lahat na tatlong sagot ay nasabi nyo na sa iba't ibang pagkakataon.

Mayor Alice Guo

Madam Chair, ang tatay ko po ay Chinese.

Senator Risa Hontiveros

Okay, siya ay Chinese. So, taga saan po siya sa China?

Mayor Alice Guo

Taga Fujian po.

Senator Risa Hontiveros

Fujian. So tama yung lumalabas sa social media na taga Fujian sila. Okay? So ayan, mga social media posts. At babalikan ko yang Fujian mamaya. Okay?

Kung siya ay Chinese, yung tatay nyo, bakit kaya ang sabi sa birth certificate mo na ang tatay mong si Angelito Guo ay Filipino? Bakit ganun?

Mayor Alice Guo

Your Honor, yung Angelito po, yan po yung Filipino name po ng tatay ko.

Senator Risa Hontiveros

Pero yung citizenship po, yung tinatanong ko, Mayor. I had this check po eh. And the Chinese national cannot have two citizenships. Wala po silang dual citizenship. Why would you say he's a Chinese national with a Chinese national? He has a Chinese passport. Pero ang nakalagay sa birth certificate mo ay Pilipino siya. So, naiintindihan mo ba kung bakit ang gulo-gulo po ng kwentong buhay nyo tungkol sa pamilya nyo? Bakit?

Mayor Alice Guo

Your Honor, yung tatay ko po ay Chinese passport holder. At siguro po, Your Honor, maganda rin po na itanong, i-check din po natin dun sa birth certificate ko po kung ano po yung mga naka-attach po na documents po sa kanila.

Senator Risa Hontiveros

Walang problema sa pag-check sa, attachments. At itatunong din po namin yan mamaya. Pero, ang tinatunong ko po, bakit siya ay Chinese national with a Chinese passport at dahil wala silang dual citizenship, hindi siya pwedeng simultaneously Filipino citizen. Pero, ang citizenship niya, pangalang Angelito Guo sa inyong birth certificate, ay Filipino siya. So, bakit contradictory? Kung baga yung isa ay totoo pero yung isa ay kasinungalingan. Bakit po ganyan?

Mayor Alice Guo

Your Honor, ayaw ko po magsinungaling. Ang tatay ko po ay Chinese at hindi po ako yung nag-prepare po ng birth certificate ko po.

Senator Risa Hontiveros

Okay. So, babalikan po natin talaga yung misteryosong birth certificate na yan. Na bagamat, hindi kayo ang naghanda, pero, nung umabot na po kayo sa age of reason, sa legal age, lalo na naging local government official pa kayo, eh dapat talaga naiklaro. Matagal na. And Mayor, I am sorry, but even your revised story, yung napanood po namin lahat sa media, sa balita, parang hindi rin po totoo.

Your birth certificate is riddled with holes. And if your birth certificate is the basis of your citizenship, so pati po yung citizenship nyo ay riddled with holes. Kung Chinese ang tatay ninyo, based on your own self-declaration, well, sa ilalim ng 1973 Constitution, na yan ang umiiral na Constitution nung, taon ng inyong pagkapanganak, 1986, kailangan Pinoy si nanay nyo para maging Pilipino rin kayo. Pero, itong Amelia Leal, whoever she is, kasambahay ba, o nanay ninyong tatlo, is a person with no birth record. So, how can you derive citizenship from a woman whose very existence is questionable?

Ayan, paano ba namin paniniwalaan, Mayor, kung saan galing yung inyong identity at at citizenship? Kung ganito pong kagulo at non-existent pa nga yung ibang mga documentation sa inyo?

Mayor Alice Guo

Your Honor, lumaki po ako, nadala-dala ko po, nung 2005 po, binigay po sa akin yung birth certificate ko po. Alam ko po ako ay isang Filipino. Lumaki din po ako na alam ko po ako ay, isang Filipino po.

Senator Risa Hontiveros

Well, kung sinasabi nyong lumaki kayo, alam nyong Pilipino kayo, , kailangan backed up yan ng documentation. Bilang government official, alam nyo yan. At kapag kumukontra sa isa't isa ang mga dokumento or non-existent yung mga importanteng dokumento, nagiging kaduda-duda yung, ah, sinasabi nyong mga identity at citizenship. At, earlier, no, kung sinasabi nyo na hindi kayo sinungaling, ibig sabihin, yung tatay nyo ang nagsinungaling. Nagsinungaling siya sa birth certificate nyo.

At, itatanong po namin yan, mamaya. Ngayon, Mayor, sabi nyo, hindi nyo po kilala yung mga kapatid nyo. Actually, to be exact, sabi nyo, di kayo sigurado kung sila ay mga kamag-anak nyo. Do you still maintain this, Mayor?

Mayor Alice Guo

Your Honor, pakiulit po.

Senator Risa Hontiveros

Sabi nyo kasi sa akin noon, nung pinakita ko yung mga dokumento, na nandun yung mga pangalan ni na Sheila L. Guo at Siemen L. Guo at isa pang dokumento na Sheila Leal Guo

at Siamen Leal Guo. At tinanong ko sa inyo, kung mga kapatid nyo sila, ang sabi nyo sa akin, hindi nyo sigurado kung kamag-anak nyo sila. Yan pa rin ba ang sinasabi nyo sa amin?

Mayor Alice Guo

After po ng Senate hearing po, Your Honor, nag-confirm po ako sa tatay ko, kapatid ko daw po sila.

Senator Risa Hontiveros

Kapatid nyo sila. Talagang kapatid nyo sila. At hindi lang po dahil sa birth certificate, mamaya ipapakita po natin yan. So, ito na po. Ito pong lahat na mga kumpanya ay magkakasama kayo nina Sheila Guo at Siemen Guo. Ayan. Hindi po kaunti. Lahat. Kayong tatlo ay magkakasama.

Tapos, ito naman po ang mga travel records ninyong dalawa ni Sheila Leal Guo showing you traveled at least three times. Together. Travel buddies kayo ni Sheila Guo. At wala namang masamang mag-travel kasama ng kapatid. I would enjoy that also. Pero, why would you lie about something like this? Bakit po kailangan magsinungaling sa bagay na napakadali namang pong i-check?

Mayor Alice Guo

Your Honor, ummm... nakaraan po ng Senate hearing kaya po, lahat na lang po naging sagot ko po is I don't know. Hindi ko po alam. Dahil ayaw ko po madamay po ang ibang tao. Kaya lahat po na natanong nyo po sakin puro naging I don't know po ang sagot ko po. Dahil ayaw ko po madamay po sila. At pribadong tao po yung mga ibang tao po nababanggit, ayaw ko po sila madamay po dito.

Senator Risa Hontiveros

Ayaw nyo silang madamay, pero napakadali naman naming i-check, kasi of public record itong mga public documents na ito, actually lalo silang nadadamay sa inyong pag-iwas sumagot o pagbigay ng sagot na hindi pala totoo. Kundi mga kasinungalingan.

Okay, Mayor, dako na po tayo sa Baofu. So, please help me understand this. Sabi nyo, kayo po ang bumili ng lupa kung saan nandoon ngayon ang Zun Yuan na dating Hongsheng.

So, pero alin po ang nauna? Ang pag-incorporate ng Baofu? O ang pagbili nyo ng lupa? Kasi sabi nyo po sa interview nyo, 2018 nyo binili yung lupa. Pero bakit ang mga titulo

ay lahat sa pangalan ng Baofu na nung 2019 lang incorporated? At ang deed of absolute sale sa lupa ay sa pagitan ng Baofu at ng mga private owners noon?

So, ito po, isang example nga. Absolute deed of sale. Baofu, tapos yung dating private owner. So, ano ba ang totoo? Alin ba ang nauna? Baofu ba? O yung pagbili ng mga lupa?

Mayor Alice Guo

Your Honor, nauna po yung pagbili po ng lupa. Yung lupa po, nabili ko po sa mga private po na tao. Installment ko po binili sa kanila. Tapos nung pumasok po ang Baofu, pumasok po yung mga Chinese po na investors po. Yan po yung naging pinakapuhunan ko po sa kanila. Kaya diretsyo na po yung naging transfer po ng title.

Senator Risa Hontiveros

So, ngayon sinasabi nyo, naunang ma-incorporate ang Baofu, sumunod yung pagbili nila ng lupa?

Mayor Alice Guo

Hindi po, Your Honor. Nauna po yung lupa po. Kasi nabili ko po yung lupa po na installment.

Senator Risa Hontiveros

Kailan nyo binili yung lupa?

Mayor Alice Guo

2018.

Senator Risa Hontiveros

2018? So, eh bakit Baufu ang pangalan dito, hindi pangalan nyo at yung dating private owner?

Mayor Alice Guo

Direct na po yung naging transfer po, direct na po yung naging transfer po, Your Honor. Hindi po siya deed of sale. ... Anong tawag doon? Contract to sell po. Ang naging kontrata po namin doon sa private owner po.

Senator Risa Hontiveros

Okay. May kopya ba kayo nung contracts to sell na nakasulat doon na Alice Guo ang buyer?

Mayor Alice Guo

Your Honor, meron po.

Senator Risa Hontiveros

Pwede nyo bang i-furnish sa komite ang kopyang yan within the day?

Mayor Alice Guo

Within the day, opo.

Senator Risa Hontiveros

Alright. Salamat, Mayor. Kaya lang, okay, iintayin ng komite yung documents na yan. Pero what this still looks like to me is that yung Baofu ang unang binuo, tapos ang Baofu ang nag-acquire ng real estate.

And based on this one example of an absolute deed of sale, na nabili nila sa private buyers. Dahil hindi pangalan nyo yung nandito eh. Hindi kayo party sa transaksyong ito. Hindi yung sinabi nyo nga na nagbebenta kayo ng baboy sa Clark, natalisod mo lang sila sa mga may-ari ng restaurant, tapos sinabing parang, eh guys, ba't di nyo nalang gamitin yung lupa ko?

Kasi parang yun po yung pinapalabas ninyo. This, just one copy ng absolute deed of sale, ay pasisinungalingan yung sinasabing yung bahagi iyon ng kwento. Dahil lumalabas dito ang nag-transact ng sale, ay hindi kayo, kundi yung Baofu na at yung private owners.

Mayor Alice Guo

Your Honor, mag-provide po ako ng copy po sa inyo. Doon sa previous owner po, kung di po ako nagkakamali, mga Cruz po yata yung last name po nila, meron po kami kontrata po na nakapangalan po sa akin. Conditional sale po kasi installment ko po binili yung lupa.

Senator Risa Hontiveros

Alright, ano po yon?

Mayor Alice Guo

Opo, Your Honor. At nung nakausap ko po sila, pinadirect na po yung transfer po. Kasi yun yung pinaka-share ko po yung lupa po nung tinayong compound po na Baofu.

Senator Risa Hontiveros

Nakareflect ba sa contract to sale na isusumite nyo sa komite, yung condition na sa deed of absolute sale, hindi na ang pangalan nyo ang lalabas, kundi yung Baofu at yung dating private owners?

Mayor Alice Guo

Meron po akong copy po nun, Your Honor.

Senator Risa Hontiveros

So, titignan po ng komite yan, i-expect po namin i-submit nyo sa amin within this day. Bakit ko po kinukulit itong puntong ito? Bakit important distinction ito? Kasi, yung mga incorporators, co-incorporators nyo sa Baofu, ay akusado at convicted ng criminal activities sa pinakamalaking money laundering operation sa kasaysayan ng Singapore. Ito po yun.

Kaya, duda talaga po ako, Mayor. Pasensya na. Pakalat-kalat lang sila sa Clark. Nagpapatranslate sila sa inyo. At naisipan mo lang na i-alok ang lupang na bili mo na. What it really looks like to me ay, Baofu was deliberately formed by you and individuals involved in money laundering and other criminal activities.

And it was part of a synchronized and coordinated plan all along. Buying land. Opening up a POGO Enterprise. Maximizing our flawed regulatory system. To abet scams, human trafficking, and money laundering. And in just a few moments, I will show more evidence of this. Pero, at this point, Mayor, alam niyo po ba na yung mga co-incorporators nyo sa Baofu ay mga money launderers?

Mayor Alice Guo

Your Honor, nalaman ko po kahapon dun sa Facebook post niyo po. After ko po malaman, sinearch ko po sila. Ang kausap ko po po siya. Ang kausap ko po dyan sa Baofu po ay yung si Zhang Zhiyang.

Yung dalawa po, hindi ko po sila nakausap. And after po ako mag-divest po ng 2021 po, wala na po akong alam sa kanila.

Kahapon po nakita ko po dun sa Facebook post niyo po na sila po ay money launderer po sa Singapore. At nag-research po ako sa through Google din po.

At nakita ko nga po na yung dalawa po ay sangkot nga po dun sa money laundering po. Sa Singapore. At kahapon ko lang po nalaman kawa po nung nakita ko po sa Facebook post po ninyo, Madam Chairman.

Senator Risa Hontiveros

Hindi ba dapat kung papasok kayo sa ganyang kalaking negosyo? Napakalaki kumpara sa mga nauna nyo nang mga negosyo. Nagtatanong nga yung mga tao, mula Piggery papuntang POGO, parang ang laking multiplied many times over. Hindi ba dapat nag-due diligence kayo? Kasi ang laki nang ipapasok nyong equity.

Yung mga lupa sabi nyo binili nyo on installment over the years. Sa mga private owners. Hindi po maliit ang 7.9 hectares. Halos 8 hectares. Hindi ba kayo nag-due diligence sa makakasama nyong mga co-incorporators? Sorry Ma'am, ako hindi ako negosyante, pero alam ko mga negosyante, hindi umaalam lang sa pagkakataon ng mga co-incorporators nila. After matanong sila sa isang Senate hearing sa Facebook. Due diligence dapat, di ba? Sa mga dokumento. Sa mga government agencies natin.

Mayor Alice Guo

Your Honor, bago po nangyari po yun, ang kausap ko lang po dyan si Huang Zhi Yang. Siya lang po yung kausap ko po. At ang katuwiran ko po that time, since akin naman po yung lupa, majority po na sa akin, wala po mawawala po sa akin. At nung huli na lang po, naging Pogo po yan.

Nung una, primarily po, ang usapan po na project po ay housing. Yun po yung unang pinag-usapan po namin ni Huang Zhi Yang. Si Huang Zhi Yang po, nakilala ko po siya sa Clark na marami po siyang restaurants at binibentahan ko po siya ng baboy. At okay naman po yung naging transactions po namin. Mabait naman po siya. At in-offer ko po sa kanya na tayuan po yung lupa ko po sa Bamban.

Senator Risa Hontiveros

Well, ah, medyo, okay. Inuulit niyo yung ilang mga detalye. Dahil gusto niyo nga maintindihan namin sa ganyang perspective yung kwento. But lalo lang dumadami po yung things that don't add up.

Balikan ko lang po yung sabi niyo kanina, kinonfirm niyo taga Fujian si father ninyo. Alam niyo po ba na ang kasama niyo sa Baofu ay mga taga Fujian din? In fact, ang tawag sa kanila ay Fujian Gang. At kayo ba ay kasama din sa Fujian Gang na yan?

Mayor Alice Guo

Hindi po, Your Honor.

Senator Risa Hontiveros

Pero alam po ba ninyo na taga Fujian sila?

Mayor Alice Guo

Hindi ko po alam taga Fujian sila. Ang alam ko po si Huang Zhi Yang, hindi po taga Fujian eh. Taga, ah, somewhere malapit po sa Xiamen pero hindi po Fujian. Si Huang Zhi Yang.

Senator Risa Hontiveros

Ah, Mayor. Kahit hindi pa kayong Mayor nun. Pero again, sobrang malaking pagkukulang sa, ah, due diligence. Hindi niyo alam taga saan yung mga co-incorporators ninyo? Sapat na sa inyo na alam nyo na si Huang Zhi Yang ay taga Xiamen. Hindi niyo alam na kung taga saan yung ibang mga co-incorporators ninyo?

Mayor Alice Guo

Yung dalawang co-incorporator po, Your Honor, ang nagdala po sa kanila si Huang Zhi Yang.

Senator Risa Hontiveros

Well, okay. Sabi niyo si Huang Zhi Yang lang ang kausap niyo. Pero si Huang Zhi Yang, di ba fugitive din siya? Matanong lang sa PAOC. Usec Cruz, will it be you to answer? Ang tanong ko po kay Mayor ay, di ba, yung nag-iisang co-incorporator nila sa Baofu na kilala nila ang pagkatao, Huang Zhi Yang, di ba fugitive din siya?

Ah, yes, ma'am. Actually, ma'am, subject po ito ng manhunt natin. And this is the person who has three passports na pinakita po namin nung nakaraan. Okay, so ano rin? So, sorry Mayor, no? Bukod sa ibang co-incorporators niyo sa Baofu na hindi kayo nag-due diligence, alamin ang background nila. Kumbaga, hindi most innocent si Huang Zhi Yang kasi sila ay subject pala ng manhunt at passport holder ng tatlong bansa. Sino namang honest broker ay may hindi lamang isa o dalawang passport pero tatlo pa?

Mayor Alice Guo

Ah, Your Honor. Nalaman ko po na meron po siyang tatlo o apat na passport po doon sa last Senate hearing. Nakikita ko naman po siya, labas-pasok naman po siya ng Pilipinas.

In fact po, pag pumupunta po ng ibang bansa, may pasalubong pa nga siya sa akin minsan. Kaya wala po akong idea po na siya po ay isang fugitive.

Senator Risa Hontiveros

So, again, Mayor, no, lumalabas wala kayong alam sa kahit sino sa co-incorporators niyo sa Baofu. Ewan ko lang sinong negosyante ay papasok sa pagpakalaking kaperahang negosyo na walang alam sa background ng ipagkakatiwala ng mga lupa, pangalan kahit bilang private person noon at umabot nga sa ngayon na mayor na kayo.

At sabi nyo rin, Mayor, wala kayong business interests sa Zun Yuan. Do you stand by that statement?

Mayor Alice Guo

Yes po, Your Honor. Your Honor, clarify ko lang po. Noong magkasama po kami sa Baofu po, hindi ko po talaga alam siya po ay isang fugitive.

Nakilala ko po siya sa Clark, pero hindi ko po alam siya po ay isang fugitive. Labas-pasok naman po siya ng bansa. Nakaka-kwentuhan, nakakausap naman po.

In fact po, yung naging record po niya pagbili po sa akin ng baboy, maayos naman din po. Kaya nagulat na lang din po ako doon sa last Senate hearing po na siya po ay isang fugitive po.

Senator Risa Hontiveros

Well, di ba sinasabi yung, although tungkol sa batas ito na ignorance of the law excuses no one. Kaya ako balik nang balik sa due diligence kasi kung tayo na nagtatrabaho sa gobyerno, dapat nag-exercise ng due diligence. Eh kayo rin naman dati sa private sector, dapat may due diligence. Lalo na ganyang kalaking pera ang pinag-uusapan at yung equity nyo pa na mga lupa na nagkoconstitute ng halos 8 hectares. Matanong ko po Mayor, sino naman po si Nancy Gamo?

Mayor Alice Guo

Nancy Gamo po? Ano po yung ano po niya?

Senator Risa Hontiveros

Hindi, tinatanong ko po sa inyo. Sino po si Nancy Gamo?

Mayor Alice Guo

Hindi ko po siya kilala, Your Honor.

Senator Risa Hontiveros

Well, one Nancy Gamo has been identified as representative of Zun Yuan. Ang problema niyan, Mayor, itong si Nancy Gamo has been involved literally in your businesses. Isa-isahin ko po ha. 3 Lin Q Farm Incorporated.

Mayor Alice Guo

Yung nag-apply.

Senator Risa Hontiveros

QJJ Slaughterhouse. QC Genetics. O, pati itong Siopao Bulilit. QJJ Smelting Plant. By the way, 2012 pa. So mula Siopao hanggang smelting. And you know what's most troubling about this, Mayor?

It's not only that, I'm sorry, you lied. Hindi lang nag-sinungaling kayo. Pero, kayo yung approving authority para sa Zun Yuan dahil Mayor na kayo noon na itong lahat, tulad ng Zun Yuan representative si Nancy Gamo, at siya naman ay involved sa bawat isa sa mga businesses niyo dito.

So itong dapat maimbestigahan for conflict of interest. At posible, paglabag sa Graft and Corrupt Practices Act. At ikabit naman natin itong mga ito sa Hongsheng. Kasi mukha namang magkakabit-kabit lahat eh. So to repeat your testimony, hindi po kayo involved sa Hongsheng. Sabi niyo noon. Kahit na kayo ang nag-apply ng LONO or Letter of No Objection. At nakalagay mismo sa sangguniang resolution na kayo ang aplikante. Tama po ba?

Mayor Alice Guo

Doon sa LONO po, hindi po ako yung aplikante. Ako lang po yung nag-breach po sa kanila. Ako po nag-introduce po doon sa former mayor po. Yung Shi Chun San po na sinasabi ko po.

At your honor, pasensya na po. Nalala ko na po yung nasabi niyo po na Nancy Gamo. Yung Nancy Gamo po, siya po yung nag-prepare po ng documents ko po dati.

Pero hindi ko na po alam na paano po sila nag-connect po ni Zun Yuan.

Senator Risa Hontiveros

Okay. Pero mabuti naman. At may naalala na kayo itong si Nancy Gamo. Dahil ipinakita namin lahat ng mga dokumento ng marami-rami niyong mga negosyo na nandyan talaga si Nancy Gamo.

At siya po ay nag-representative ng Zun Yuan. And sorry din po mayor pero hindi po pwedeng sabihin na hindi kayo yung aplikante para sa Hongsheng bago kayo naging mayor. Dahil nandyan sa mga dokumentong ipinakita na namin.

Kahit nung naunang hearing, nakalagay pa nga doon sa dokumento ng munisipyo, yung resolution, representative Alice Guo of Hongsheng. Tama din po ba na yung relationship ng Hongsheng at Baofu ay bilang lessor at lessee lang?

Mayor Alice Guo

Your Honor, doon sa Hongsheng po, hindi po ako naging representative. Wala po akong sinubmit po na any documents po. Pinakilala ko lang po sila doon sa former po na mayor. At isang beses po, nakapag-translate lang po ako sa kanila. Regarding naman po doon sa Hongsheng and Baofu, yes po, ang naging relationship po nila is lessee and lessor.

Senator Risa Hontiveros

Okay, ang bago sa pinagtatakhan ko diyan, well sinasabi niyo hindi kayo yung representative ng Hongsheng. Pero ang pagkakilala ng dating municipal council sa inyo at nilagay nila sa resolution nilang dokumento ay kayo ang representative ng Hongsheng.

Now, ang pinagtatakhan ko po mayor, itong sa usapin ng relasyon ng Hongsheng at Baofu.

Bakit ang email address na [email protected] na nakalagay na email address sa certificate of incorporation ng Hongsheng, ayan, ay siya ring email address sa general information sheet ng Zun Yuan Technology bilang alternative email, at email address ni Nancy Gamo sa Siopao Bulilits Food at 3 Lin Q Farm.

So mayor, you know what this looks like to me? Mukhang lumalabas kayo yung common denominator ng mga operations na ito. At mukhang posibleng niluklok kayo na mayor para padulasin ang operations na ito.

Mayor Alice Guo

Your Honor, siguro po better po invite din po natin sila, Nancy Gamo para malaman din po natin kung paano po naging email address po niya yung sa Zun Yuan.

Your Honor, wala pong kinalaman sa Zun Yuan. At tumakbo po ako ng mayor sa aking sariling capacity po sa tulong po ng kaibigan, pero wala pong any involvement po ng POGO sa aking pagtakbo po ng mayor po sa bayan ko po.

Senator Risa Hontiveros

Approving authority kayo sa Zun Yuan, no? Dahil mayor kayo noon.

Mayor Alice Guo

Your Honor, pasensya na po. Nag-apply po si Zun Yuan po ng LONO po sa konsehal ko po, sa konsehal po ng Bamban. Ngayon po, nakapagbigay po din sila sa amin ng provisional license. That's the only time po na nagbigay po ako ng business permit po sa kanila, stated po second, third, and fourth floor po.

Senator Risa Hontiveros

O yun, second, third, and fourth floor. Nakapagbigay kayo ng mayor's permit para doon sa tatlong floor. na yun na POGO.

Mayor Alice Guo

O po, Your Honor. At dahil yun lang din po yung nakalagay din po doon sa provisional license po na nasubmit po nila sa akin.

Senator Risa Hontiveros

Ah, para sa kaalaman ng lahat, the committee invited Nancy Gamo, pero no reply. At kung ganun pa rin hanggang matapos yung hearing ay isasubpoena na lang ng komite. Meron akong follow-up question sana sa isang sinabi niyo ngayon lamang, mayor, na limutan ko lang. Kung maalala ko mamaya ay itatanong ko po. Ah, si Nancy Gamo po ba ay empleyado niyo?

Mayor Alice Guo

Your Honor, hindi po.

Senator Risa Hontiveros

So, ano pong relasyon niyo kay Nancy Gamo?

Mayor Alice Guo

Ah, Nancy Gamo po, sa kanya po, sa kanya po ako nagpapatulong po mag-process po ng dokumento po dati. Doon sa mga nakastate po ng mga, mga companies po. Sila po yung kilala po sa pamilya po namin.

Senator Risa Hontiveros

At siya yung kinikilalang representante ng Zun Yuan dito sa ilang mga dokumento.

Mayor Alice Guo

Ah, Your Honor, tutulong din po ako na hanapin po siya at itatanong ko rin po sa kanya kung paano po nangyari para mag-clear din po yung pangalan ko po sa Zun Yuan.

Senator Risa Hontiveros

Okay, salamat para dyan, mayor.

Senator Risa Hontiveros

Mayor, nung nakaraang hearing, ito importante sa amin, ito importante sa akin. Pinangako niyo na dadalhin niyo yung inyong latest SALN. Pahingi po ng kopya nun?

Mayor Alice Guo

Ah, nasubmit na po, Your Honor.

Senator Risa Hontiveros

ComSec, pwedeng pahingi po ng kopya. Salamat, ah, ComSec. Okay, meron din po akong kopya nung inyong December 2022 SALN. Ah, sorry. Ito ay as of July 2022. Yung latest po ninyo para sa year 2023?

Mayor Alice Guo

Ah, Your Honor, andyan na rin daw. Andyan na rin po.

Senator Risa Hontiveros

Ang hawak ko ngayon ay dalawang kopya nung SALN as of July 1, 2022. Yung pong SALN 2023, Mayor, na pinangako niyo na dadalhin niyo. Pahingi na po ng kopya.

Mayor Alice Guo

Your Honor, andyan po yung copy po.

Senator Risa Hontiveros

Nasaan?

Mayor Alice Guo

Ah, part po ng compliance po. Naka-attached daw po.

Senator Risa Hontiveros

So meron na tayong SAL-N as of December 31, 2023. Okay, salamat, Mayor. And I also have a copy of your December, sorry, not your December 2022. But your July 2022 SALN. And...

Senator Risa Hontiveros

Maraming tanong ko sa actually tatlong SALN nyo, Mayor. Gusto ko lang magtanong ng ilang mga tanong kay Chair Garcia ng Comelec dahil kailangan nilang umalis ng mas maaga dahil meron po silang en banc. Muli, Chair Garcia, salamat sa pagdalo nyo.

I just have a few questions for the Comelec regarding yung subject nung mga tanong. Ang investigation ng komite sa ngayon. So, thank you also for submitting the requested documents to the committee.

Didiretso na po ako agad sa tanong. Ang sabi nyo po ay trabaho lang ng Comelec. Ay tanggapin ang mga dokumento ng mga kandidato at siyasatin kung ito ay kumpleto. So, tama po ba sabihin na Comelec doesn't look beyond the four corners of the documents?

COMELEC Chairman George Garcia:

Madam Chair, good morning, and the members of the committee. Tama po, Madam Chair, ang sabi po ng Korte Suprema sa Serafica vs. the Commission of Elections. Nireiterate yung decision nila sa Cipriano vs. the Comelec. Ang duty po kasi ng komisyon ay ministerial na kung saan tatanggapin namin ang certificates of candidacy basta kumpleto yung lahat ng items doon sa form ng COC at ito po ay under oath. Ibig sabihin po, wala po kaming power to request additional documents because hindi po kami pwede mag-reject o mag-reject ng filing of the certificates of candidacy.

Kahit pa nga yung mismong taong nagpa-file maaari sa harap pa lang ay pwede niyong makwestyon wala po kaming diskresyon.

Hindi po namin alam, Madam Chair, yung background ng bawat isang kandidato na nagpa-file ng kanilang certificates of candidacy.

Senator Risa Hontiveros

Well, naintindihan ko naman po yan, Chair, based on the presumption of regularity. In the performance of duties dahil ang birth certificate, passport, issued naman ng government agencies.

Pero paano po sa ganitong klaseng mga kaso na ang daming butas ng birth certificate? What do we do in the face of mounting evidence, not just in the case of mayor, but that Filipino citizenship can be for sale? Tingin niyo po ba nag-wawarant ito ng ilang mga pagbabago sa election law natin? At kung oo, ano-ano kaya ang mga ito?

COMELEC Chairman George Garcia:

Tama po, Madam Chair. Maraming salamat po. Sana po wag kami bigyan ng discretionary authority kasi madami po mag-aaway ng mga kandidato at mga local comelec namin pag magpa-file ng certificates of candidacy.

Pero pwede naman po na baguhin natin yung section 74 ng omnibus election code kung saan na andun po kasi yung lahat ng items na dapat na nakalagay sa form ng certificate of candidacy.

At sana po maglagay din yung batas kung magkakaroon ng pagbabago ng mga karagdagang dokumento na pwedeng i-attach sa ating po certificate of candidacy. Halimbawa po, ang birth certificate, pwede na pong pagsimulan yan ng lahat ng mga informasyon katulad sa age, katulad sa residency, at katulad po sa citizenship.

Pero dapat din po natin maunawaan, yung po ang kadahilanan kung bakit yung kapangyarihan ng comelec to motu-propio disqualify candidates ay limitado lang po sa nuisance candidacies.

Pero kapag po ang pinag-uusapan, Madam Chair, ay ang qualification or eligibility based on age, citizenship, residency, registration as a voter, literacy, able to read and write, at yung iba pa nga po, three consecutive term limitations, sabi ng Castillo vs. the Comelec.

Ito po ay hindi pwedeng motu-propio ng Comelec. Kinakailangan merong formal na petisyon na ipa-file. Sapagkat yung issue po, Madam Chair, ng citizenship, medyo komplikado po yun. Hindi pupwedeng sa birth certificate lang.

It may appear sa birth certificate na ikaw ay Filipino. Your father and mother are both Filipinos. Pero yung pala, yung lolo mo ay foreigners and therefore, natatransfer yung mismong citizenship.

Dito po kasi sa ating bansa, kapag pinag-uusapan ng citizenship, ay ang ating po ina-apply na principle, yung principle of jus sanguini, blood relationship. In the case of Grace Poe vs the Commission election, before the Honorable Chairperson had authored the law on the foundling, doon po ay nagkaroon ng presumption ng Korte Suprema. Sapagkat kinakailang ma-trace muna yung mga magulang ano ba talaga ang citizenship para po yun ang nalilipat.

In other jurisdictions, Madam Chair, katulad ng United States, hindi po sila kumikilala ng jus sanguini principle. Jus solis po sila. Ibig sabihin, place of birth. Kaya merong mga ilang Pilipino doon nanganganak sa abroad para po yung citizenship. Yun po ang dahilan kung bakit complicated yung issue ng citizenship and it will require a formal hearing.

Now, ngayon po na-expose itong mga ganitong klaseng bagay, sana po sa ating mga kababayan, ganung hindi pa manababago yung batas, dapat po we have to be very vigilant. We have to file petition to disqualify and or cancel candidacy.

For your information, Madam Chair and members of the Committee, pag po kasi age, citizenship, residency, registration as a voter, and literacy, hindi po siya disqualification petition. Siya po ay proper ground for a petition to deny due course and or cancel candidacy under Section 78 in relation to Section 74 of the Omnibus Election Code.

Meaning, pag kinancel po namin ang inyong candidacy, you cannot be substituted. Because as if you did not become a candidate. Kaya po sana po aware tayo dahil may period po yung filing ng mga ganitong klaseng petisyon. Ito po ay pwede lang i-file within 25 days after the date of the filing of the candidacy. Failure to file within that period, wala na po jurisdiction ang Commission of Elections.

Senator Risa Hontiveros

Maraming salamat, Chair. Very well noted din yung dahil in aid of legislation, yung imbestigasyon, pati yung mga payo nyo na pwede namin pag-aralan, mga pag-amenda, partikular sa Sections 74 at 78 ng Omnibus Election Code.

At kung po, kung mapatunayan na, peke yung birth certificate ni Mayor and she is, kung mapatunayan na she is not in fact a Filipino citizen, ano po yung magiging pananagutan niya?

COMELEC Chairman George Garcia:

Kung sakali po Madam Chair na magpapile muli ng certificate of candidacy at a formal petition will be filed, remember po katulad na nabanggit ko, ito po hindi ground for disqualification, ground po ito ng cancellation of candidacy.

Ang basis po ng cancellation ng candidacy ay misrepresentation. And misrepresentation is an election of candidates. It is a defense punishable by 3 to 6 years imprisonment.

And at the same time, since ang certificate of candidacy po ay under oath, it can still be, the person can likewise be liable for perjury, Madam Chair. And kung masakali maconvict, perpetual disqualification to hold public office.

Senator Risa Hontiveros

And huling tanong mula sa akin at this point, Chair. Kung siya po ay matanggal sa pwesto, just for the sake of our listening and viewing public, sino po yung aakyat? Yung natalo po ba na kandidato or yung kanyang Vice Mayor?

COMELEC Chairman George Garcia:

Kung sakali po Madam Chair na nakapag-file ang isang registered voter bago mag-eleksyon during the period na binabanggit ko ng cancellation of candidacy, kahit po yung kandidato ay nanalo, the Comelec retains jurisdiction.

And if later on, kahit siya ay public official na elective at that, at we found out na talagang nag-sinungaling o nagkaroon ng misrepresentation, canceled ang candidacy, naging final ang cancellation ng candidacy, ang uupo po ay ang second-placer. Because according to the Supreme Court, as if hindi siya naging kandidato, yan po yung kaso doon sa Lucy Torres case.

Ngayon po, Madam Chair, kung hindi po o walang nai-file, katulad po sa kasalukuyang pangyayari, walang na-file na kaso sa Comelec na cancellation of candidacy, subalit kung later on magkaroon ng isang kaso, halimbawa petition for quo warranto, na pwedeng ma-file ng opisina ng Solicitor General, then in that case, at magkaroon po, matanggal, the rule on succession shall be applicable. Vice Mayor po yung uuupo kung sakali po.

Senator Risa Hontiveros

Maraming salamat, Chair. So, depende sa gagamiting proseso yung magiging outcome para sa bayan ng Bamban kung sakali.

Those are all the Chair's questions for the good Comelec Chair unless may tanong yung mga colleagues ko, then we will excuse them.

COMELEC Chairman George Garcia:

Thank you, Madam.

Senator Risa Hontiveros

Walang yung mga tanong ko tungkol sa tatlong SALN ninyo. Nabanggit nyo kanina, Mayor, na 17 years old kayo unang pinapirma ng tatay nyo ng tseke. Menor de edad pa po, bakit po kayo pinapapirma ng tseke noon?

Mayor Alice Guo

Your Honor, gusto po ako turuan po ng tatay ko mag-manage po ng negosyo.

Senator Risa Hontiveros

Okay. Just noting na ang menor de edad hindi po pinapayagang pumirma ng tsekee. Kung kaya nga that's behind reforms like yung sa SK Reform and Empowerment Law. Anyway. Yes, Mayor? Meron pa kayong gustong isagot dyan?

Mayor Alice Guo

Your Honor, I might be wrong doon sa 17, pero baka mga 18 or 19 years old. Pero nangyari po yun sa akin sa pagkakatanda ko po is 17 po. So kung may ano, baka mali lang po sa edad po, Your Honor.

Senator Risa Hontiveros

Okay. Noted, Mayor. Ngayon. Yung mga tanong ko po sa inyong mga isinumiting SALN. So meron po kaming kopya dito na SALN as of June 30. Ito po ay SALN na version na... . Yung June 30, 2022... Sorry, 2022 SALN nyo pinadala ng inyong Counsel. Meron din po akong July 1, 2022. Isang araw lang ang pagitan. Padala naman ninyo, Mayor. And then, of course, meron akong kopya dito. Meron kaming kopya nung SALN as of 2023. June 30, 2023 bilang bahagi ng inyong compliance. So, kapansin-pansin po yung SALN ng June 30, 2022.

Senator Risa Hontiveros

Ay may nakalistang... 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7... 8, 9, 10... na mga real properties covered by mga TCT. O, bawat isa nito covered by TCT. 3, 6, 7, 8, 9, 10. Kung hindi ako nagkakamali. Pero yung SALN nyo na July 1, 2022, isang araw lang ang pagitan. Tatlo na lang ang nililista nyong real properties.

All covered by TCT. So, ano pong nangyari sa pagitan ng June 30, 2022 at July 1, 2022?

Kasi June 30, meron kayong dinisclosed na sampung real properties bilang assets. Pero biglang kinabukasan, tatlo na lang. Ano na nangyari dun sa pito?

Mayor Alice Guo

Your Honor. First time po, hindi po ako marunong. Kaya nag-file na lang po kami ng amendment po dun sa SALN po.

Senator Risa Hontiveros

Anong hindi nyo alam dun sa pitong real properties na dinisclosed nyo nung June 30, SALN? Pero hindi nyo na dinisclosed noong June 30.

Mayor Alice Guo

Your Honor, one moment po ha.

Senator Risa Hontiveros

Dapat nga kung nagkamali sa unang SALN the day before, baka dahil kulang ang dinisclosed. At ididisclose yung buo, yung lahat, the day after. Baliktad ang nangyari, nabawasan.

Mayor Alice Guo

Your Honor, dun sa SALN po, na-inamend po ng accountant po, ito double check ko po ulit. Pero, I believe baka nagkamali lang po sila sa date.

Senator Risa Hontiveros

So, inamend ng accountant. Pero, siyempre, iti-check ito nung mga legal officers nyo. At pipirmahan nyo. Pinirmahan nyo pareho ang SALN. Lahat po kami nagsasubmit ng SALN.

Ayan, may pirma kayo nung June 30, SALN. May pirma din kayo, yes, nung July 1 na SALN. And, in fact, parang daming time warp na nangyayari dito eh.

Yung date, yung SALN dated July 1 ay actually unang sinubmit sa amin. No? Na parang maraming mali at kulang. Yung later na nasubmit sa amin ay yung June 30 na SALN na mas maraming impormasyon.

Mayor Alice Guo

Opo, Your Honor. Ito double check ko po ito.

Senator Risa Hontiveros

So, during this hearing, Mayor, hihintayin po ng komite yung sagot ninyo galing sa inyong Sino yung sinabi nyo nag-draw up nito? Yung accountant ninyo ba?

Mayor Alice Guo

Opo, at yung counsel po.

Senator Risa Hontiveros

Opo, at saka yung counsel. Pero, alam naman po ninyo, ang SALN ay public document. Taon-taon iniexpect sa ating mga nagtatrabaho sa gobyerno. At dapat makatotohanan. Opo. At walang inililihim.

Mayor Alice Guo

Opo.

Senator Risa Hontiveros

Kailan po ho ginawa yung amendment sa unang SALN? Kailan inamend yung June 30 SALN para maging July 1, 2022 SALN? I'm sorry. Or rather, okay, kasi nakakalito talaga yung mga time warp. . Sorry, nakakalito yung mga time warp sa dokumento ninyo. Kailan inamend yung July 1, 2022 SALN para maging June 30, 2022 SALN? Kailan po nangyari yun?

Mayor Alice Guo

Your Honor, based po dito sa notary po is July 30, 2022 po.

Senator Risa Hontiveros

July 30, 2022 ang?

Mayor Alice Guo

Ang amendment po.

Senator Risa Hontiveros

Ang amendment. Tapos inante-date pa. Kasi yung unang sinabit ay dated July 1 na mas konting information.

Mayor Alice Guo

Opo, Madam Chair. Yung July 30 po, yan po yung na-amend na po.

Senator Risa Hontiveros

Wala kaming hawak na SALN July 30. Ang sinasabi nyo ba ay inamend nung July 30?

Mayor Alice Guo

Opo, inamend po ng July 30 po, Madam Chair.

Senator Risa Hontiveros

Pero inante-date na as of July 1. Tapos sa sampung unang dinisclose na real properties under assets, naging tatlo na lang. Bakit ganon? Or subject yun ang isasagot nyo mula sa inyong accountant at saka inyong counsel?

Mayor Alice Guo

Opo, Madam Chair.

Senator Risa Hontiveros

Kailangan sagutin kasi weird talaga eh. As in very, very weird. At saka po, Mayor, pakisagot yung July 1 SALN, ayun, business interests and financial connections not applicable. Walang disclosures. At saka po, mayroon naman yung disclosures. Samantalang yung June 30 SALN, naka-disclose.

At least yung QJJ Embroidery Center at yung Cornhork Summer Real Estate Group. Pero yung amended SALN nyo, nasabi nyo inamend July 30, submitted dated July 1, wala na po yung QJJ Embroidery. Wala na rin yung Cornhork Summer. So, pakipaliwanag din bakit ganon.

Mayor Alice Guo

Opo, Madam Chair. Madam Chairman, pado-double check ko na po ngayon sa counsel po at sa accountant po. At within the day po, magbibigay po ako ng sagot po dun sa question nyo po.

Senator Risa Hontiveros

Yes. Dagdagan ko lang po yung kailangan sagutin. . But within the day dahil inihambing din namin yung SALN ninyo at yung SALN ninyo, ah, dated naman 2023. Specifically, June 30, 2023. Sorry. Dated December 31, 2023.

So, ang mga tanong naman po dito ay yung pagkumpara nung 2022 SALN nyo. At saka 2023 SALN. Nakakalito kasi, kasi iba-ibang dokumento eh. Iba-ibang petsa pa.

So, yung tanong pa sa 2022 SALN nyo, ah, dahil sa amended, yung QJJ Embroidery na lang at yung Cornhork Real Estate Group na lang ang dinisclose. So, ang tanong ay nasaan na napunta? Yung smelting, yung Q Seeds, yung slaughterhouse. Kayo ba ay nag-divest? Hindi kayo nag-divest?

Mayor Alice Guo

Ah, Your Honor, yung smelting plant po, supposedly, ah, ano po siya eh, ah, smelting po ng mga plastics po. However po, pagkakatanda ko, hindi po natuloy po yung negosyo po na yun.

Senator Risa Hontiveros

Pero, dineclare nyo, dinisclose nyo sa July 1, yung unang SALN nyo ng 2022. Nakalista yung smelting doon?

Mayor Alice Guo

Opo, pero, do-double check ko po, Madam Chairman, pero wala pong ganun po natuloy po na negosyo.

Senator Risa Hontiveros

Okay, pero, nandito yan, ha?

Mayor Alice Guo

Opo, ito, do-double check ko po ngayon po.

Senator Risa Hontiveros

And, ah, so, ihambing natin yung 2022 SALNs ninyo at yung 2023. Dahil mula 2022 hanggang 2023, tumalon yung net worth ninyo. mula 36 million pesos sa halos 178 million pesos. At may utang ka pang 250 million pesos dyan? Totoo po ba yung utang na yan sa bank?

Mayor Alice Guo

Ah, Your Honor, opo, doon sa previous po, doon sa unang SALN ko po, nai-declare ko na po yung utang ko po sa banko.

Senator Risa Hontiveros

At magkano yung utang na yun sa bank ko?

Mayor Alice Guo

Ah, nung time po na dineclare ko po, nasa almost 200 plus 250. Ganun po.

Senator Risa Hontiveros

250 million?

Mayor Alice Guo

Opo, ngayon po nabawasan na po siya unti-unti.

Senator Risa Hontiveros

So, totoo ba yung utang na yan sa bank?

Mayor Alice Guo

Opo, totoo po yan.

Senator Risa Hontiveros

Paanong lumaki ng 140 million yung net worth nyo in 6 years? At least yung declared. Paano po lumaki?

Mayor Alice Guo

Ah, Your Honor, ah, nag-start po ako mag-work po 14. Through the years po. Ah, at, um, nagkaroon po ako ng loan po sa banko.

At until now po, yung utang ko po sa bank ko, hindi ko pa po siya fully nabayaran. Mayroon pa pa akong utang na outstanding po na almost 200 pa rin po.

Senator Risa Hontiveros

Of course, hindi naman natin tinitignan yung growth ng net worth nyo since you were 14. Ito lang sa pagitan ng ah, 6 na taon, no? Paano lumaki ng 140 million? Pwede bang matanong saang banko yung utang nyo?

Mayor Alice Guo

Security bank po.

Senator Risa Hontiveros

Security bank. Okay. Para saan po yung utang?

Mayor Alice Guo

Ah, sa farm po. Doon sa piggery po.

Senator Risa Hontiveros

Tapos, may mga dokumento kayong magpapatunay sa pagkakautang na yan?

Mayor Alice Guo

Ah, mayroon po. Pwede po ako mag-provide po. Hingi po ako sa banko po.

Senator Risa Hontiveros

And kaya ako po itinatanong ang mga detailing ito dahil yung SALN dapat truthful statement ng net worth nyo bilang public official.

Mayor Alice Guo

Opo.

Senator Risa Hontiveros

So kung, kung spurious ito, you have assets of almost 300 million pesos, Mayor, para sa akin po hindi yan, hindi yan simpleng tao lamang. . Backtrack ako sa, sabi nyo kasi, hindi sa inyo yung McLaren na 620R. May photo kami dyan.

Mayor Alice Guo

Yes po, Your Honor. Hindi po siya sa akin.

Senator Risa Hontiveros

Oo. Pero yung ipapakita ko pong photo, yung nakapangalan kayo doon na bilang may-ari nung McLaren. May isa pa.

Mayor Alice Guo

Oo po. Wala po, wala pong dokumento po na magpapatunay po na ako po yung may-ari po, Your Honor. Kasi, mayroon pong car show po. Wala pong dokumento po. Hiniram ko lang po siya.

Senator Risa Hontiveros

Nakalagay kasi dito, the McLaren 620R sports car owned by Bamban Mayor Alice Leal-Guo. December 11 po yan sa Concepcion, Tarlac.

Mayor Alice Guo

Oo po. Car show po yun sa Concepcion po. At since nasa probinsya po kami, gusto lang po namin mapasaya po yung mga kababayan po namin.

Senator Risa Hontiveros

Kanino po yung McLaren?

Mayor Alice Guo

Kay Sir Roy po.

Senator Risa Hontiveros

Roy?

Mayor Alice Guo

Ah, Roy. Rodri... Bibigay ko po agad ngayon yung apelido po.

Senator Risa Hontiveros

Kung hindi nyo alam yung nagpahiram sa inyo ng 33 milyon peso pa.

Mayor Alice Guo

Rod, ah, Rodrina, ah, ano po, ah.

Senator Risa Hontiveros

18 milyon pesos ang duties niyan. Siguro naman alam niya yung pangalan niyo dahil pinahiram niya ang napakamahal na kotse. Dapat alam niyo yung pangalan niya.

Mayor Alice Guo

Oo po. Ah, ma'am, i-ano, imemessage ko na po ngayon. Is, hindi lang po ako masyado sure po doon sa surname niya.

Senator Risa Hontiveros

Anong pagkakilala niyo sa surname niya?

Mayor Alice Guo

Ah, Rodrines po.

Senator Risa Hontiveros

Roy Rodrines?

Mayor Alice Guo

Rodrines.

Senator Risa Hontiveros

Sino po siya?

Mayor Alice Guo

Ah, sa kanya po yung ano, yung McLaren po.

Senator Risa Hontiveros

Pero sino po siya na nakaka-afford ng isang McLaren?

Mayor Alice Guo

Ah, kakilala ko po siya. Nakilala ko po siya, gawa po ng mga sasakyan po.

Senator Risa Hontiveros

Ah, okay. Itatanong ko rin yung sasakyan. Ah, siya ba ay isa sa mga incorporators nyo dito sa Westcars?

Mayor Alice Guo

Ah, hindi, hindi po.

Senator Risa Hontiveros

Pakita ko lang po yung dokumento.

Mayor Alice Guo

Sige po.

Senator Risa Hontiveros

Okay. Ang nakalagay po ditong incorporators sa Westcars, ah, Yan Patrick Samson, kayo Alice L Guo, Jerome Samson, Jacqueline Samson, pare-parehong middle initial D sa naunang Samson, so baka magkakapatid ito, at Carlo Flores.

Wala pong Roy Rodrines. Ano po siya sa Westcars?

Mayor Alice Guo

Ah, hindi po siya connected po sa Westcars po. Madam Chair, i-coconfirm ko lang po yung surname po. Ipaprovide ko po ngayon agad po.

Senator Risa Hontiveros

Alright. At kaya po po ito itinatanong Mayor, no? Itong McLaren, nakita rin po sa isang parking lot sa isang condominium sa Pasig City.

Ah, chineck natin yung conduction sticker na malinaw na nakadikit sa sasakyan.. May 13 po yun. Ayan. We had it checked sa LTO, at ito naman po yung lumabas. Hindi po yata McLaren, ah, ang nakarehistro. Isang hamak na Dong Heng Utility Vehicle.

Mayor Alice Guo

Ahh

Senator Risa Hontiveros

So another mystery. Ako rin, napa-ah But wait, there's more. Nung sumunod na araw, wala na po yung conduction sticker. May nagtanggal. May nagtanggal. Bakit naman po ganyan yung mga kaibigan nyo, Mayor? O, ayan o. Wala na yung sticker.

Mayor Alice Guo

Ah, Your Honor, hiniram ko lang po siya para po dun sa car show. In fact, makikita at malalaman nyo rin po dun sa mga tao nakakita. Dumating po siya, nakatow. Kasi hindi, ay, ito na po, Padiernos.

Senator Risa Hontiveros

Roy Padiernos.

Mayor Alice Guo

Opo, Roy Padiernos.

Senator Risa Hontiveros

Sino po si Roy Padiernos?

Mayor Alice Guo

Ah, siya po yung mayari po nung sasakyan.

Senator Risa Hontiveros

Ano po siya?

Mayor Alice Guo

Ah, kilala po, car dealer po.

Senator Risa Hontiveros

Car dealer. . Ah, pero car dealer ba siya sa Westcars?

Mayor Alice Guo

Ah, hindi po, Your Honor.

Senator Risa Hontiveros

Alright. So, isa pang, isang misteryo to, no? Tulad ng mga disappearing real assets sa SALN, ito naman disappearing conduction sticker. Ah, and by the way, ganong kalaki po yung Westcars, Mayor?

Mayor Alice Guo

Ah, yung Westcars po, yan po ay isang showroom lang po ng mga sasakyan po.

Senator Risa Hontiveros

Pero ano yung value nung negosyo niya at yung... Ah, yung mga sasakyan dinidisplay sa showroom. Magkano yung kabuoang halaga ng Westcars?

Mayor Alice Guo

Ah, yung showroom po, buy and sell po siya. So, nagpapadisplay po yung mga tao po. Ah, kunwari kung gusto po ibenta yung sasakyan, doon po dinidisplay po.

Senator Risa Hontiveros

So, magkano po yung kabuoang halaga nung negosyo ng Westcars?

Mayor Alice Guo

Ah, Your Honor. Hindi po ako sigurado, sure po doon sa eksakto. Pero buy and sell po siya ng mga second hand po ng sasakyan po yung Westcars.

Senator Risa Hontiveros

Malaking negosyo siya or maliit?

Mayor Alice Guo

Ah, considering po, gitna po siguro po, Your Honor. Kasi second hand na sasakyan po yung mga binibenta po doon sa Westcars po.

Senator Risa Hontiveros

I doubt na middle size lang. At hindi lang po second hand cars yan. Second hand, yes, mayroon. Pero mayroon din mga brand new. At hindi mga pipitsuging kotse. May ka-level ng McLaren. May kung ano-ano pang mga sosyal na brand. Mga limousine, mga bridal cars, mga bulletproof vehicles. Hindi po yan gitnang size.

I wish, Mayor, na pwede nyo nalang kaming sagutin ng diretsyo. Hindi parang mga nagda-divert na mga sagot na pag pina-follow up naman namin ay nalalaman po na hindi po accurate or makatotohanan yung sagot.

Ilan po ang kotse sa inventory ng Westcars?

Mayor Alice Guo

Your Honor. As much as, as much as possible. ayoko po sumagot ng I don't know at hindi ko po alam. But as of the moment po, hindi ko po talaga alam. Gawa po ng Westcars po, buy and sell po, may nagpapadisplay. Pagkatapos po, benta, ano po, bili, benta, doon po yung nangyayari po doon sa Westcars po.

Senator Risa Hontiveros

Pero ano, incorporator kayo at anyone, at any given time, pag may man nagtanong, malay nyo may prospective investor, gustong mag-buy in din, itatanong sa inyo. On any given day, ano ang average number na mga sasakyan dyan. Siguro naman dapat may working knowledge kayo. Yun lamang po yung sa akin.

Mayor Alice Guo

Opo, Your Honor. Yung Westcars po kasi, Your Honor, hindi po ako yung mismo nagmamanage po doon.

Senator Risa Hontiveros

Yes, incorporator kayo. Pero I suppose kung, incorporator kayo, merong kayong working knowledge ng negosyo. Due diligence na naman. And interesado po ako because yung McLaren 620R na ipinanalo nyo sa Fiesta noong Disyembre, sa Concepcion, yung gray na may spiderweb design na yan, very rare po. Very rare. Ang alam ko, may po yan sa customs. So, did another one like that find its way here?

Mayor Alice Guo

Your Honor, dumating po siya nakatow, hineram ko po siya. Besides po that, kung ano po yung background po ng McLaren 620R po, wala na po akong idea. At siguro din po, after this Senate hearing po, tatawagan ko po sila at aalamin ko po. Para sa susunod po na tanong niyo po sa akin, kumpleto na po yung details ko po. Definitely, hindi po siya sa akin po. Hiniram ko lang po siya para sa car show po.

Senator Risa Hontiveros

Kay Mr. Roy Padiernos. Mayor may ipapakita naman din po ako dito na mga assets na di umano ay sa inyo. Can you confirm that these assets are yours? Mga lupa, mga buildings, mga sasakyan.

Mayor Alice Guo

Hindi po masyado clear po sa akin.

Senator Risa Hontiveros

Meron po ditong sa real properties, QJJ Farms.

Mayor Alice Guo

Yes po.

Senator Risa Hontiveros

Something, residential house near QJJ Farms, QJJ Embroidery Center, Baofu Compound, 3-Link?

3-Link Farm at another 3-Link Farm, Ford Expedition, GMC, Truck, dalawa pang Ford.

Naulit ko lang yung isang Ford. So isa pang Ford. Toyota Land Cruiser, Isuzu Truck, or baka yan yung isa, Honda HR-V, Hyundai Tucson, BMW, GAC, Wagon, Ford Ranger, Gladiator Jeep, tatlong Sino-Truck na dump trucks, Isuzu Closed Van, Isuzu Truck, dalawang Isuzu Truck na yung isa dropside.

Can you confirm na mga assets ninyo ito?

Mayor Alice Guo

Your Honor, hindi ko na po sila assets. Especially yung sa Baofu po, nag-divest na po ako ng 2021. Yung sa Ford Expedition po, nabenta ko po siya ng 2020.

Kaya ko po siya naalala dahil po nakita po siya sa loob ng Baofu Compound. Doon sa Land Cruiser po, wala na rin po sa akin. Honda po, wala po akong maalala na mayroon po akong Honda. G-Wagon po yung isa, wala na rin po sa akin. Buy and sell po ng kotse po kasing negosyo din po doon sa Westcars. Kaya may umiikot po lang na sasakyan. Pero ang sasakyan ko po na gamit ko po ngayon is yung GAC po, yung GAC po.

Senator Risa Hontiveros

So, bukod sa Baofu, yung 1, 2, 3, 4, 5, yung lima pang properties dito, naka-declare ba sa latest SALN nyo? At bukod doon sa Expedition Land Cruiser, Honda, at G-Wagon, doon sa mga 15, 16 na sasakyan. So, yung isang dosenang sasakyan pa, lahat din ba iyon ay declared sa SALN?

Mayor Alice Guo

Madam Chairman, hindi po yung pag-aari ko na. Kaya hindi po siya naka-declare po sa akin. Idodouble check ko rin po yung na-mention nyo po. Yung iba po kasi dito, ngayon ko lang po narinig. Ngayon ko lang po nalaman na nakapangalan sa akin. Pero definitely po, wala pong ganun sa sasakyan po.

Senator Risa Hontiveros

Sige po. Pakikonfirm lang, no? Yung lima pang properties at yung labing sa pang sasakyan. Andito po, yung binasa ko kanina.

Actually, mga negosyo nyo, yung mga Q. Yung mga Q businesses, QJJ businesses. At ilan pa. At yung 3 Link businesses. Pakikonfirm kung dineclare nyo sa SALN nyo.

And then, Mayor, sabi nyo, po, mayroon kayong chopper, pero binenta nyo na. Do you stand by this statement?

Mayor Alice Guo

Yes po, Your Honor.

Senator Risa Hontiveros

Kasi po, pagkatapos nung nakaraang hearing, kumontak po kami sa CAAP. At active pa po ang registration ng chopper nyo na nasa pangalan nyo. Ito po.

Mayor Alice Guo

Yes po, Your Honor.

Senator Risa Hontiveros

So, can you explain this? Bakit sinabi nyo binenta nyo na ito, samantalang lumalabas, kayo pa rin yung may-ari?

Mayor Alice Guo

Your Honor, ang kontrata po namin yan, ay deed of absolute sale po. Ay deed of conditional sale po pala. Babayaran po siya in next 6 months po. Installment din po.

Senator Risa Hontiveros

Next 6 months.

Mayor Alice Guo

Installment po siya, monthly po.

Senator Risa Hontiveros

So, are you telling me na pagkatapos ng kalahating taon, anong mangyayari? Anong mag-iiba sa dokumentong ito?

Mayor Alice Guo

After po mabayaran po, mag-execute na po ako ng deed of sale po sa kanya lang.

Senator Risa Hontiveros

. So, sa ngayon, pagmamay-ari nyo pa rin?

Mayor Alice Guo

Ngayon po, hindi na po.

Senator Risa Hontiveros

Itong chopper.

Mayor Alice Guo

Hindi na po ngayong pag-aari ko po, Your Honor. Kasi meron na po, binenta ko na po. However, hindi po siya full payment po. Kaya hindi po siya deed of sale.

Kaya ginawa po siyang conditional sale po.

Senator Risa Hontiveros

So, habang hindi pa deed of sale na consummated, kayo pa rin yung may-ari?

Mayor Alice Guo

Hindi na po kasi nagbabayad po siya sa akin ng, installment po na six months po.

Senator Risa Hontiveros

So, sinong may-ari?

Mayor Alice Guo

Meron po isang British company po.

Senator Risa Hontiveros

Anong pangalan ng British company?

Other speaker

Ipaprovide ko po yung contract po, Your Honor.

Senator Risa Hontiveros

Ang magiging eventual owner ay empleyado ng British company?

Mayor Alice Guo

Ang magiging eventual owner po ay yung company po na bumili po sa akin.

Senator Risa Hontiveros

Na yun yung British company?

Mayor Alice Guo

Magpaprovide po ako ng copy po sa inyo po, Your Honor.

Senator Risa Hontiveros

So, yung British company po yung nagbabayad sa inyo ng, on installment in the next six months?

Mayor Alice Guo

Yes po, Your Honor. Meron lang po kami agent in between na magbabayad po sa akin.

Senator Risa Hontiveros

Anong klaseng British company yun? Bibili ng chopper tapos on installment pa?

Mayor Alice Guo

Your Honor, provide ko na lang po yung details po na lahat po sa inyo para mas ma-investigate nyo po na ano po.

Senator Risa Hontiveros

Actually, last hearing nyo pa kasi sinabi na ibinenta nyo sa British company. . Last hearing nyo pa ipinangakong ibigay yung pangalan. So, anong pangalan nung British company?

Mayor Alice Guo

Your Honor, okay lang po. Ihingi po ako ng extension po. Within the day po, ibigay ko po yung contract po.

Senator Risa Hontiveros

I'm sorry, Mayor. Binigyan na po kayo ng ilang araw mula nung nakaraang hearing. And you promised to tell the committee the name of this British company. So, please.

Mayor Alice Guo

Opo? Yes, opo.

Senator Risa Hontiveros

I need the answer now. Kasi, dapat hindi ganitong kahirap magtanungan ng ano. Magkatrabaho sa gobyerno. Kung facts yan, dapat na ibibigay natin sa isa't isa.

Hindi yung humingi kayo ng palugit noon, ibinigay naman ng chair. Ngayon, ipa-follow up ko, ihingi na naman kayo ng palugit. No, please. If there's any truth to that sale to a British company, ano po yung pangalan ng British company na yan?

Mayor Alice Guo

Opo, Your Honor.

Senator Risa Hontiveros

Ano pong pangalan niya, Mayor?

Mayor Alice Guo

Tinatawagan ko na po ngayon, Your Honor. Iko-confirm ko lang po para sigurado po.

Senator Risa Hontiveros

Iko-confirm niyo yung pangalan?

Mayor Alice Guo

Opo, iko-confirm ko lang po para sigurado.

Senator Risa Hontiveros

Bakit hindi niyo alam, Mayor? Binenta niyo sa kanila, they owe you money. Babayaran kayo ng installment for six months. Ano pong pangalan ng British company na yan?

Mayor Alice Guo

Your Honor, yung pangalan po ang na-execute po is yung lawyer. Kaya, iko-confirm ko lang po para sigurado po.

Senator Risa Hontiveros

Sinong lawyer?

Mayor Alice Guo

Lawyer ko po.

Senator Risa Hontiveros

Anong pangalan ng lawyer niyo?

Mayor Alice Guo

Attorney Phil Joy.

Senator Risa Hontiveros

Attorney Phil Joy. Apelido nila yung Phil Joy?

Mayor Alice Guo

Opo. Phil Joy po. Baluyot po.

Senator Risa Hontiveros

Baluyot. Andito ba si Attorney Baluyot?

Mayor Alice Guo

Opo. Ay, wala po. Ang pangalan po ng company po, New Summit Industries Limited po.

Senator Risa Hontiveros

New Summit Industries Limited. . Anong negosyo nitong New Summit Industries Limited?

Mayor Alice Guo

I believe po ang negosyo din po nila is chopper din po.

Senator Risa Hontiveros

Chopper din. So chopper ang negosyo nila pero bumili sila ng second hand chopper sa inyo.

Mayor Alice Guo

Ang pagkakalam ko po, Your Honor, matagal daw po ang waiting time po ng Lion Air po ngayon. At it so happen po, tinanong na binibenta ko po dahil ang gusto ko naman po talagang negosyo po dun sa chopper ay gagawin po siya parang air taxi. However po, hindi po nag-push through, binenta ko na lang po.

Senator Risa Hontiveros

So itong New Summit Industries Limited, nasa chopper business, pero hindi makabayad sa inyo ng cash, magbabayad sa inyo ng installment over six months.

Mayor Alice Guo

Yan po yung usapan po namin, Your Honor.

Senator Risa Hontiveros

Alright. Alam niyo Mayor, hindi kailangan ganitong kahirap, sumagot sa tanong ng Senate committee, na kailangan parang halos kaladkarin mula sa loob ninyo.

News Latest News Feed