Press Release
June 12, 2024

Robin: Action and Discipline, Keys to Achieving Freedom from Poverty

Action and discipline - like the one learned by the Armed Forces of the Philippines' new 48 reservists from the Senate - are the keys to achieving freedom from poverty, Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla said on Independence Day 2024.

Padilla stressed that while the Philippines is free from foreign conquerors, it is still not free from poverty, even as he expressed hopes the time will come that this freedom will be earned.

During a program marking Independence Day at the Senate, Padilla also disclosed his wife and children are planning to undergo Basic Citizens Military Course (BCMC), similar to the one undergone by 48 new Navy reservists from the Senate.

"Ang atin pong pinagdiriwang ngayon ay ang ating kalayaan laban sa mga dayuhan. Pero hanggang sa mga oras na ito, hindi pa po tayo nakakalaya sa kahirapan. Kaya sana dumating ang panahon (na) makamtan natin ang kalayaan sa kahirapan (What we are celebrating today is our freedom from foreign rule. But we are not yet free from poverty. I hope for the day we can earn our freedom from poverty)," he said.

"Sana dumating ang panahon na magkaisa tayo patungo sa pagbabago. Yan kailangan natin, disiplina, makuha sa AFP sana lahat na Pilipino may ganitong training na nangyari (I hope the time will come we will be united for change. We need discipline. I hope Filipinos will be open to undergo such training)," he added.

Also, Padilla said one of the keys to earning freedom from poverty starts with action and a sense of public service. He pointed out freedom is earned, not given free.

"Walang libre sa mundo. Ang kalayaan na yan pinaglalaban yan... Kung wala sa puso mo ang pagibig mo sa bayan di mo gagawin yan (Nothing is free in this world. We must fight for freedom. If you do not have love for country in your heart, you would not do it)," he said.

He reiterated the BCMC and Reserve Officers Training Corps (ROTC) training, which he is advocating, should not be seen as gearing for war but for public service.

"Paano natin pagtatanggol (ang ating kalayaan)? Giyera ba yan? Hindi. Ang pinaguusapan pagseserbisyo natin, kailangan serbisyo sa bayan totoo (How do we defend our freedom? Is war the answer? No. We are talking about public service)," he said.

Padilla said he hopes the time will come Filipinos approach military training with a "can-do" attitude.

"Sana dumating ang panahon ang military training huwag natin isiping mahirap. Nakita ko sa inyo nahirapan kayo pero lahat na sinabi nyo sa dulo kaya, walang nagsabing di kaya (I hope the time will come that we see military training not as a difficulty but as an opportunity to see what we are capable of)," he said.


Robin: Aksyon at Disiplina, Susi Para Makamtan ang Kalayaan vs Kahirapan

Aksyon at disiplina - tulad ng natutunan ng mga 48 bagong reservist ng ating Sandatahang Lakas ng Pilipinas - ang susi tungo sa kalayaan laban sa kahirapan, ayon kay Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla ngayong Araw ng Kalayaan 2024.

Iginiit ni Padilla na bagama't malaya na ang Pilipinas mula sa dayuhan, hindi pa nakakalaya ang mga Pilipino mula sa kahirapan - at nais niyang dumating ang panahon na makamtan ang kalayaang ito.

Sa programa ng Araw ng Kalayaan sa Senado, ibinunyag din ni Padilla na balak ng asawa at anak niya na mag-Basic Citizens Military Course (BCMC), tulad ng training ng 48 bagong Navy reservists mula sa Senado.

"Ang atin pong pinagdiriwang ngayon ay ang ating kalayaan laban sa mga dayuhan. Pero hanggang sa mga oras na ito, hindi pa po tayo nakakalaya sa kahirapan. Kaya sana dumating ang panahon (na) makamtan natin ang kalayaan sa kahirapan," aniya.

"Sana dumating ang panahon na magkaisa tayo patungo sa pagbabago. Yan kailangan natin, disiplina, makuha sa AFP sana lahat na Pilipino may ganitong training na nangyari," dagdag niya.

Iginiit ni Padilla na isa sa mga susi para makamtan ang tunay na kalayaan mula sa kahirapan ang aksyon at pagbibigay ng serbisyo sa bayan.

Aniya, hindi libre ang kalayaan dahil ito ay pinaglalaban.

"Walang libre sa mundo. Ang kalayaan na yan pinaglalaban yan... Kung wala sa puso mo ang pagibig mo sa bayan di mo gagawin yan," aniya.

Muli niyang iginiit na ang kanyang isinusulong na Basic Civilian Military Course (BCMC) at Reserve Officers Training Corps (ROTC) training ay hindi para sa giyera kundi paghahanda para sa pagsilbi.

"Paano natin pagtatanggol (ang ating kalayaan)? Giyera ba yan? Hindi. Ang pinaguusapan pagseserbisyo natin, kailangan serbisyo sa bayan totoo," aniya.

Iginiit ni Padilla na sana dumating ang panahon na hindi tuturingin ng mga Pilipino ang military training na mahirap, kundi "kaya."

"Sana dumating ang panahon ang military training huwag natin isiping mahirap. Nakita ko sa inyo nahirapan kayo pero lahat na sinabi nyo sa dulo kaya, walang nagsabing di kaya," aniya.

*****

Video: https://www.facebook.com/100044224550260/videos/995130119286852

News Latest News Feed