Press Release
June 14, 2024

Transcript of Sen. Nancy Binay's Interview on One News' Sa Totoo Lang with Maricel Halili and Jove Francisco, June 14, 2024

Question: Senator na-monitor namin yung mga naging pahayag mo sa iba pang programa ngayong maghapon mula pa kaninang umaga. Senator, mula ba nung sinabi nyo na mag-usap na lang kayo ni Sen. Cayetano ay nag-reach out na ba maski ang kanyang tanggapan para magkaroon na ng transition yung committee na hinawakan ninyo na ngayon ay sa kanya na napunta?

Sen. Nancy Binay: Well until sa mga oras na ito wala pa rin tayong natatanggap kaya nga siguro mas maigi na ako na lang yung mag-extend ng invitation at mag-arrange ng meeting. Actually mas maigi din siguro kung isama na namin si Sen. Ping Lacson para kaming 2 ni Sen. Lacson bilang dating chairperson ng committee on accounts ay mabi-brief na namin yung umpisa from the time of Sen. Lacson tapos nung nag-take over ako para mapabilis na rin at makatulong sa pagre-review na gagawin ni Sen. Alan Cayetano.

Q: So between yung kay Sen. Lacson at sa inyo nagkaroon talaga ng transition nun na-endorse lahat ng bagay-bagay sa inyo?

SNBA: Yes. In fact nung mga panahon na yun, talagang active na rin ako pagdating sa New Senate Building, na tuwing may event si Sen. Lacson na groundbreaking, in fact I think lahat ng milestone events dyan sa New Senate Building nagpa-participate at naga-attend tayo. At ang ginawa din kasi natin nung nag-take over ako as head ng committee on accounts, yung mga staff ni Sen. Lacson pinagpatuloy ko lang at hanggang ngayon nagta-trabaho pa rin sila para sa New Senate Building dahil sa isip ko kasi kung kukuha pa ako ng ibang tao yung continuity di ba napaka-importante ng continuity na sila naman talaga ang may alam pagdating dun sa mga details about this building.

Q: Nakikitaan ba ninyo ng pulitika yung mga pagpapahayag na ito dahil nakikita ng mga tao ang Cayetano and the Binays may mga insinuation ang ilan sa viewers natin.

SNBA: Ang sa akin ayokong isipin na may ganung bahid-pulitika itong issue ng New Senate Building. Kaya nga di ba paulit-ulit na panawagan ko eh mag-usap kami, upuan namin. Ang akin nga, siguro in the interest of transparency di ba invite natin yung media para talagang malaman ng ating mga kababayan yung mga details patukoy dito sa New Senate Building.

Q: So tama po ba, ang budget natin for the NSB is 20 billion pesos pero posibleng abutin ng hanggang 23 billion ang pagpapatayo ng budget, but you were saying na as early as 2019 malinaw naman na ang initial na budget ay hindi pa kasama ang interior.

SNBA: Actually ganito siguro, let's go back sa umpisa. Yun nga din yung nakakalungkot kasi hindi ko pa nabi-brief si Sen. Alan pagdating dito sa history ng Senate building di ba. Noong na-bid out ito the budget was 8.9, pero ang na-award was 8.6. Ito yung during the term of Sen. Lacson, but DPWH under naman ni Sec. now Sen. Mark Villar yung pag-bid out nitong 8.9 billion na ang awarding is 8.6 billion. So sa plenary nag-speech si Sen. Lacson na itong 8.6 ay core and shell lang ito, hindi kasama ang fit-out and interiors ng building. So talagang maliwanag na maliwanag na with that amount hindi tapos yung building. Kaya nga mali yung sinasabi na lumobo because at the end of the day yung 8.6 was never the final price for the construction of the Senate building.

Q: Pero nung mga panahon na yun wala pa tayong rough estimate as to how much yung pwedeng abutin ng interior para maging finished yung building? Yung 8.6 lang talaga ang figures natin?

SNBA: During that time hindi kasi ako privy nun at that time pero I would assume, kasi usually di ba pag sa bahay kadalasan mas mahal ang interior, ang finishing kasi di ba yung gamit yung pipiliin mong pintura, ceiling, so I would assume kung dodoblehin natin, baka mga 16, I would assume. I'm not sure kaya ang hirap magbigay ng numbers.

Q: Ano yung role nyo talaga sa committee on accounts at role ng DPWH?

SNBA: Kasi naman ang Senado, hindi nya core competence ang magpatayo ng structures di ba. So during that time, ginawang implementing agency ang DPWH dahil alam naman natin sila talaga ang departamento na may staff and skill pagdating sa construction. So ang nangyari since sila ang implementing agency, sila yung nagko-costing, sila yung nag-bid out, at sila din ang project manager so sila din ang nago-oversee ng actual construction kumbaga sila ang bantay dun sa contractor kung tama ang ginagawa nya.

Q: So sila ang namili sa bidder, yung nanalo para gawin yan?

SNBA: Yes.

Q: Yung controversial firm na sinasabi nila ay sila ang namili nun.

SNBA: Yes, and during that time sabi ko nga di ba, madaling mapabilis itong review na ginagawa ni Sen. Alan kasi nga colleague namin ngayon yung dating secretary ng DPWH it was during his term na na-bid out itong New Senate Building.

Q: O yan, since nahimay na po yung costing, yung mga issues naman po na na-bring up, yung luxury tiles, yung parking na kulang, yung management daw na hindi efficient. Ano pong alam nyo tungkol sa mga ito.

SNBA: Alam nyo, as with any construction, marami talaga syang problema. In fact, may mga times pa nga dyan nilalabasan ako ng pimple dahil sa stress dyan sa pagpapatayo ng building. Kasi mahirap talaga eh, 3 times a week siguro yung ginugugol kong oras dyan na minsan may meeting kami maguumpisa ng 9 in the morning magtatapos kami 9 ng gabi so talagang intense, kasi nasa finishing stage na kami and for me yun yung very important kasi yun yung makikita ng tao di ba. So kailangan tama sya, hindi pwede yung pipiliin mong ceiling ay hindi bagay sa tiles at saka sa pintura, so may ganung component pagdating sa decision process pagdating dun sa material selection. Tapos no. 2, ang mas importante sa akin is yung value for money eh. Di ba, pwede syang super mura pero after 3 months basag na, di ba. So hindi sya cost-effective kasi what if mabasag sampung tiles tapos pag papalitan na hindi na pala available yung tile na yun, so would that mean that the whole floor area ay kailangan na natin palitan yung tiles, di ba. So that would come out much more expensive kung ganung materyales lang ang pipiliin namin. And maintenance, kasi alam din naman natin minsan mura nga yung pag-procure pero pagdating naman dun sa maintenance ay mukhang dun naman magiging malaki yung gastos. So lahat yan ay bahagi ng decision process pagdating sa materials selection. So kahit nakalagay dyan yung that specific tile na luxury tile, hindi pa rin sya sigurado kasi nga dadaan pa sya sa materials selection committee.

Q: Alam ko na sinabi nyo kanina na ayaw nyo muna isipin na pulitika ito, pero hindi kaya ito ay mga knee-jerk reaction from rivals kasi malapit na talaga ang election. Meron na bang na-firm up na plans ang mga Binay as a family lalo at sinasabi na ang possibility na ang Taguig ay parte sa plano.

SNBA: Parang wala naman akong narinig na balita na lumipat ng registration yung kapatid ko sa Taguig, kasi di ba it would entail her resignation as mayor of Makati. So hindi ko alam, but alam mo ilang taon na rin kami magkasama ni Sen. Alan and I thought na, kung ako nga naka-move on ako samantalang kami nga ang sinugatan at sinaktan, so hindi ko maintindihan bakit kailangan nyang haluan ng pulitika itong New Senate Building. Hindi ba dapat parang mas ako nga yung mas hurt dahil kami yung sinaktan nila di ba. Saka at the end of the day, sa akin nga yun yung naging learning ko sa Senado after 12 years, at the end of the day you have to take the higher ground and just think of what will be the best for all of us, for the country.

Q: Sen. Nancy hintayin din namin ang meeting ninyo kung sakaling matuloy para malaman din, para talaga ma-inform sila at kami rin kung paano ba ang mathematics nun, pero thank you po for joining us tonight.

SNBA: Saka reiterate ko lang ha, kasi sabi ni SP Chiz walang parking, eh 3 levels ang parking. And siguro maganda din na pag nag-meeting kami dun na namin gawin sa Senate building dahil ang nakakalungkot ang dami na nilang comment sa building pero ni isang beses hindi pa sila nakakatapak sa building na ilang beses na kung ano-anong sinasabi nila tungkol sa building.

News Latest News Feed