Press Release
June 15, 2024

DWIZ INTERVIEW
JUNE 15, 2024

QUESTION: Bukod sa kayo ay nagulat, sumama po ba ang loob ninyo na hindi pa kayo nakapagbriefing, di niyo pa nakausap ang bagong chair ng committee on accounts ay inanunsyo na ni SP Chiz, una nga niya sinabi nga na ipapasuspend muna ang construction ng New Senate Building dahil nagulat daw sila na aabot sa 23 billion pesos ang halaga na kakailanganin...

SNBA: Unang una siguro hindi naman sumama ang loob. More on nagtataka na may ganyang pronouncements na sila na hindi pa kami nakakapagusap. Hindi pa nila nabibisita yung bagong ginagawa na new senate building pero parang sa statements nila andami na nilang alam patungkol sa bagong building e di ba dapat masmaayos at masasagot ko ang tanong nila tungkol sa building kung inupuan namin parepareho at kumbaga nagexchange kami of notes. Masmabilis at massmooth ang turnover katulad noong nangyari sa amin ni senator Ping Lacson noong ako yung pumalit sa kanya napaka seamless ng transition namin kaya halos walang delay sa pagpapatayo ng building.

QUESTION: Ano yung inyong naging impression na parehong abogado si sen chiz at sen alan pero bakit sila nagmadali na nagbigay ng ganoong anunsyo kahit di pa nila kayo nakakausap...

SNBA: Alam mo Cely at Raoul ang hirap magspeculate kung ano ang dahilan pero yun na nga nagulat tayo dahil ang unang bungad ni SP Escudero walang parking ang building pero nakita naman natin, ilang videos na din ang lumabas na may tatlong levels ng parking at hindi din siya 300, mahigit isang libo ang parking slot sa building na iyon so hindi ko alam saan nanggagaling ang mga datos na nakukuha nila pagdating sa building.

QUESTION: So nafefeed ba ng maling information sina SP Chiz at senator Alan Peter Cayetano...

SNBA: Yun na nga e may viber group naman kami. Ang dali naman ako itext at itanong kung ilan ba talaga ang parking slot. Yung mga ganoong detalye. Ang sa akin nga siguro mas maigi na ngayong break naman, next week i will free up my schedule, iniinvite ko si senator alan, or kung available si sp chiz baka masmaigi na upuan namin ito. Baka si sen lacson available din sya, pagusapan namin para mabrief din namin sila ni senator lacson tungkol sa history ng new senate building.

QUESTION: So for now, sa kabila ng invitation niyo, mayroon na bang nagcommit...

SNBA: Yun na nga e. As of the moment wala pa. may mga staff ako na nakausap si sen alan pero parang isang oras lang sila nagmeeting hindi sapat ang one hour na paguusap dahil nga very complicated. isipin mo na lang cely nagpapagawa ka ng bahay 100 times more ang magnitude ng pinapatayo mo. So ganoon katime consuming lalo na ngayong finishing kasi ito yung medyo importanteng part dahil kung hindi maganda ang pagpili mo ng, pag hindi nagmatch ang flooring, ang ceiling, magmumukhang chopsuey ang loob ng building at iyong talaga ang iniiwasan kong mangyari.

QUESTION: Sabi ni SP Chiz sa Vin d'honneur nakapagusap kayo ng konti...

SNBA: Parang nabanggit ko lang sa kanya na SP Chiz ano yung sinasabi mo na walang parking. Sinabi ko sa kanya na may 3 levels ng parking may basement 1, 2 and 3. Sabi niya kulang e ang sabi ko ang layo ng kulang sa wala tapos dun na nagtapos ang paguusap namin.

QUESTION: So limited lang sa parking...

SNBA: Sabi niya kulang yung parking...

QUESTION: Pero parang sinabi niya sa media na wag magalala wala pa namang nakikita na anything irregular...

SNBA: Alam mo Cely hindi ako natatakot sa issue na irregular dahil noong tayo ay nagtatrabaho para jan sa building na iyan talagang iyan ang binabantayan ko at ng aking staff na matayo ng tama ito. Mas concern ko pa talaga ay yung delay sa pagtatapos ng building kasi para sa akin yun ang aksaya dahil kung papatagalin pa natin ang paglipat ng senado sa bagong building ibig sabihin nyan magbabayad nanaman kami ng 400 million na renta sa GSIS among others. Di ba ilang linggo nasira ang aircon sa building so parang for me waste of money na bibili tayo ng equipment sa GSIS when hindi ba dapat maspinaghahandaan na natin at ang pondo ay binubuhos natin sa bagong building.

QUESTION: Sabi nila SP Escudero gusto nila makita kung papaano pa pabababain ang presyo so sa kanilang ginagawa baka lalo pang mapalaki ang gastos ng senate...

SNBA: Yes. at more than that at the moment hindi ko alam kung sino sa kanilang dalawa ang masusunod kung si SP ba o si chair ng committee on accounts dahil they are contradicting themselves. Yund isa sabi stop yung isa go so baka dapat din magusap silang dalawa. Mas heirarchy ng senado, masmasusunod supposed to be ang pronouncement ng senate president over sa chairman ng committee so hindi ko alam kung paano na ngayon na hindi tugma ang utos ng dalawa.

QUESTION: Ano ang real score? Tuloy o stop?

SNBA: I think tuloy pa din pero nagslow down na ang trabaho. Bago kasi ako umalis may mga for urgent decision para makamove forward ang construction ng building.

QUESTION: Naganunsyo na din si SP Chiz na yun gpagreview tatapusin yun bago magresume ang session dahil iaanunsyo sa plenary ang magiging results ng review...

SNBA: Kasi unang una nga Cely noong panahon ko na ako ang nagplano a, wala pang nabibid out e. Yung isang phase 2, carry over na lang din yan noong panahon ni senator Ping so kumbaga yun na lang yung part na namana ko din sya. But more than that, bakit ganoon ang patuloy sa building na parang may bahid ng irregularity. Kung nagusap-usap kami, mapapaliwanag ko sa kanila ng buo. Hindi piecemeal yung nangyayari ngayon at ang nakakalungkot pa nagsasagutan kami sa media. Parang for me it will not solve the problem and baka maslumala pa yung miscommunication compared sa upuan namin at pagusapan namin isa-isa ang issue.

QUESTION: At hindi po kayo nagkulang sa pagupdate at pagkonsulta sa mga senador tungkol sa mga developments ng construction dahil naalala ko pati senate media inyong kinonsult...

SNBA: Oo di ba nagpakita pa ako sa inyo. May powerpoint presentation pa ako that time. So iyon nagpresent din tayo sa mga kapwa ko senador, umikot din ang mga staff ko at nagalok ng one on one briefing pati tour sa senate building. I think we have been transparent pagdating sa senate building. At may mga nababanggit din na variations. Hindi naman porket nagkaroon ng variations, may irregularity na. Kunwari si senator Robin napansin niya na wala palang prayer room para sa ating mga kapatid na Muslim sa bagong building so siyempre naghanap kami ng lugar at nagkaroon ng changes sa design kasi may mga requirements ang prayer room. May mga hugasan, mga ganoon. So iyon ang nagiging bahagi ng variation order.

QUESTION: Dahil sa request ng mga senador?

SNBA: Dahil sa request or nakita. Pero ang mga variations order na iyan talagang chinecheck din natin kung talagang tama ba itong mga variation order.

QUESTION: Itong additional na 10.3 billion nakapaloob po ito sa budget pero hindi pa po iyon nabibid? So ni wala ni isang sentimo pa ang nagagamit?

SNBA: Hindi nga siya sa 2024. Naka multi year sya.

QUESTION: So dahil sa pagmamadali nila na magsalita agad baka mapahiya po ba sila?

SNBA: Hindi ko nga alam e. kasi kahit yung allocation na 10, ano yan parang kaya nga andoon pa kami sa planning stage at nagbaback and forth kami nga dahil naghahanap kami ng cost effective value for money. Moving forward sa pagtatapos ng building.

QUESTION: Bakit daw po kasi yung tiles imported at mamahalin?

SNBA: Alam mo mayroon ding materials selection committee sa senate na talagang tinitignan for example yang tiles tinitignan tapos tinatanong kung ano ba ang warranyt niyan. Maintenance pag nabasag ba iyan 15 years from now, mapapalitan pa ba nila ang tiles na iyan. Ang pangamba ko Cely kung may mabasag 5 years, 1o years from now, ibig sabihin ba noon kailangan na palitan lahat just because hindi na available ang isang tile na nagcrack. Kailangan titignan natin ang tibay niya sa matagalan kasi nga alam naman natin na yung daloy din ng mga tao at the end of the day, wala oa rin naman napipili na materyales kasi yun nga pabalik balik kami at tinitignan namin sinusuri kung matibay ba sya, babagay ba siya at yung maintenance na gagawin ng senado pagdating sa materyales.

QUESTION: And you are hoping mam na itong dating DPWH secretary Mark Villar magsalita din tungkol dito dahil siya ang kalihim noong naapprove itong project?

SNBA: Yes. Dahil panahon ni sen mark Villar noong nabidout itong 8.9 billion na budget. It was under his term kasi itong senado wala kaming participation pagdating sa pagbibid ng project so iyon ang naging trabaho ng DPWH kasi alam naman natin na hind core competence ng senado ang construction kaya nga napagdesisyunan ni sen ping lacson na ibigay sya sa DPWH dahil sila talaga ang ahensya na may competence pagdating sa pagpapatayo.

QUESTION: Ano po ang pwedeng implication nito na may ganito nang puna ang senate leadership sa inyo na mga dating leader ng senate. Maari ba itong maging dahilan para mashindi magjoin sa majority ang solid 7...

SNBA: Alam mo hindi pa namin napaguusapan whether or not magmiminority or majority kaming pito pero parang maliit na bagay lang naman itong issue ng new senate building. Sa akin siguro pag naupuan namin at napaliwanag ng maayos, hindi magiging issue itong new senate building kaya sa akin kung gusto ni senator alan sa harap ng media kami magusap di ba para talagang may transparency at maririnig na din ng ating mga kababayan yung mga sagot sa mga tanong na kailangan masagot as per senator alan cayetano.

QUESTION: So kelangan lang pala talaga communication...

SNBA: Kailangan lang magusap. Di ba may mga binabato silang amount syempre hirap din ako magcomment dahil hindi ko alam ano ba ang basis nila doon sa amount na iyon. Pero kung uupuan namin anjan lahat ng dokumento pwede namin isaisahin na ito ganito ito kaya naging ganyan. I think iyon ang kaiilangan namin gawin.

QUESTION: So senator wala dapat ikabahala ang publiko sa mga lumalabas na statement ni senator Chiz at senator cayetano?

SNBA: I think parang nabanggit din naman ni sen Ping na may mga billing na pinahold din tayo kasi nga mayroon din tayong issue sa isang component na ginawa ng contractor. Pero ano to e part and parcel ng construction. Na parang laging may problema. FOr example sa bahay yung contractor mo mali yung pintura syempre maguusap kayo ng contractor kung papaano mo mareresolve ang issue ko sayo. Ganoon yung proseso ng construction.

QUESTION: So once na magusap makikita nila na dumaan sa tama...

SNBA: Yes at talagang naghigpit at talagang binantayan natin na tama ang pagpapatayo at tama din ang dapat bayaran ng senado. Makikita nila yan dahil lahat ng meeting ko recorded yan. may transcript kami. Itong huling meeting ko nga nilabasan na ko ng pimple dahil sa stress. Kasi nga ang hirap magpagawa. Bahay nga ang hirap magpagawa, building pa kaya.

QUESTION: ihabol ko lang po ano po stand niyo sa pogo?

SNBA: Sa akin masnananaig na yung mga illegal kaya its high time na magdesisyon ang executive pagdating sa pagbaban ng pogo kasi parang kumabaga may technical smuggling, may technical pogo. May permit pero ginagamit pala sa permit na iyon ginagamit nila sa illegal. Mukhang ganoon yung nakikita nating pattern.

QUESTION: Kung sakali kayo ang maging bagong mayor ng Makati, kayo ba ay magpapasa ng resolution banning pogo sa Makati?

SNBA: Di ako familiar kung ano yung pogo sa Makati pero pag nakikita natin na masnakakasama siya e we will take the advice of senator gatchalian pagdating sa pogo. Pero siguro maganda din magkaroon ng policy on a national level kasi di ba nakikita natin na pumupunta na sila sa mga liblib na lugar.

QUESTION: Kaya daw yung LGUs

SNBA: Mas maging bantay. Iyon na nga e. I guess isa yan dapat nating tignan kung tayo ay papalarin.

QUESTION: Kelan po uwi si Sen. Migz? Yun na po ba ang meeting ng solid 7?

SNBA: Hindi ko pa alam. Nakatentative ata kami first week of july or may event sa Baler baka doon magkitakita kami.

News Latest News Feed