Press Release
June 21, 2024

OPENING STATEMENT OF SEN. GRACE POE
COMMITTEE ON PUBLIC SERVICES HEARING
JUNE 21, 2024

Magandang umaga po sa inyong lahat. Marami po dito pamilyar na nakasama natin sa loob ng pitong taon at ako'y natutuwa na ang papalit sa Committee on Public Services ay isang maasahan natin at didinggin din ang inyong mga hinanaing... At tsaka, siyempre, I also like to acknowledge ang ating walang sawang pagtulong rin ng vice chair ng Committee on Public Services, si Senator JV.

Mr. Chair, kung papayagan lang ninyo ako, siyempre kayo na 'yung magpapatuloy nito. So bibigyan ko lang ng maikling summary ng mga nangyari .

Throughout the seven years, this committee has never stopped asking the Department of Transportation to revisit the program while we begged for cooperation from the drivers-operators and commuters.

Noon ngang mga nakaraang pagdinig natin sa isyu at sa budget ng programa, nangako muli ang DOTr na rerebisahin ang programa. Unfortunately, we have yet to see it make good on its commitment. Kumbaga, tila ba ang slogan ng PUV Modernization ay, "Pinangakuan na kayo, gusto nyo pang tuparin."

Unahin na natin ang plano ang mga ahensya sa 36,217 na pampublikong sasakyan na hindi nag-consolidate. This represents thousands of drivers and operators that are prevented from engaging in their primary source of livelihood. Nakalulungkot isipin na sa ika-pitong taon ng implementasyon ng PUVMP ay tila wala pa ring solido na plano ang DOTr para sa kanila.

Second, during our last committee hearing, DOTr promised to approve 50% of Local Public Transport Route Plans (LPTRPs) by June 30, 2024. However, as of last May, only 11% or 174 LPTRPs have been approved. 19 palang ang nadagdag or a mere 1.5% increase from the 9.5% or 155 approved LPTRPs in 2023. Anong klaseng road transport modernization ang hindi tapos ang ruta?

Third, I have repeatedly flagged the DOTr's poor budget utilization rate which it has failed to address time and time again. The Program's total budget utilization rate is only at 53% of its whopping P7.5 billion budget from 2018 to 2024. This is such a disservice to the drivers and operators who have been pounding on our doors to ask for assistance because they could not afford the cost of modernization. Ni isang singkong duling ay hindi pa ata nagagastos sa P200 million na inilaan natin para sa Tsuper Iskolar at EnTSUPERneur noong 2023. These are only some of the issues that were raised.

Pitong taon, anim na pagdinig, anim na extensions, at isang pandemya na ang nagdaan simula noong inilunsad ang PUVMP. Nagbago na rin ang pamunuan hindi lamang ng Komiteng ito ngunit pati na rin ng programa. Pero bakit tila hindi pa rin kayang ayusin ng DOTr ang mga gusot sa implementasyon?

Hindi po kami against modernization pero ang problema po talaga, napakaliit po talaga nang naiuuwi na pera ng mga driver natin kung napakaliit pa rin ang sabsidiya na binibigay ng gobyerno.

First, the DOTr should prioritize the completion of the route plans before reducing the PUV units.

Second, the Department should also provide proper management, accounting, and human resources training, including effective grievance mechanisms, for transport entities. Siguraduhin nating maayos ang pamamalakad ng mga ni-require na cooperatives at corporations.

Pangatlo, hanapan natin ng paraan na maging abot-kaya ang modernisasyon. Let's lessen our reliance on expensive imported units. Bakit ba kailangan manggaling sa ibang bansa o sa Tsina? Kaya naman natin dito gumawa niyan, mas mura pa.

Finally, DOTr should come up with a humane and feasible timeline for the PUVMP with due consultation with the stakeholders.

Gusto nating lahat dito ang modernisasyon pero hindi 'yung libo-libo muna ang mawawala ng kabuhayan o masasakyan. Para saan pa ang mabilis na pagtakbo ng dyip kung naiwanan naman ang mga kailangang maisakay?

Inaasahan nating maging daan ang diskusyon ngayon para masolusyunan ang hinanaing ng ating mga tsuper. Alam ko kaya rin ito ng ating Chairman. Sa pagtulong-tulong natin sa nakaraang pitong taon, sana naman magkaroon ng totoong solusyon para sa lahat

Maraming salamat po.

News Latest News Feed