Press Release
June 29, 2024

Tulfo pushes for mandatory personal appearance on renewal of LTO vehicle registration

Senate Committee on Public Services Chairperson Raffy Tulfo urged the Land Transportation Office (LTO) to require all those renewing their vehicle registration to personally appear at the LTO branch and submit their valid government IDs.

"Marami nang natanggap na sumbong ang Raffy Tulfo in Action (RTIA) kung saan hirap ang mga awtoridad na tukuyin ang gumamit ng sasakyang sangkot sa krimen o aksidente dahil matagal na palang naibenta ito pero nakapangalan pa rin sa unang owner," he said.

Tulfo cited as an example an RTIA case regarding the Silver Mitsubishi Montero Sport with license plate PEO-987 that was used by suspected budol-budol gang members to victimize a cancer patient on June 10. Until now, its driver has not been identified because the car has been sold to different people through an "open deed of sale."

"Common practice na kasi ngayon lalo na sa buy and sell, na bibili ng sasakyan ang isang tao at hindi muna ito nirerehistro dahil ibebenta niya rin ito, bukod pa diyan ay para makatipid siya," said he.

"Sa ganitong practice, malakas ang loob ng mga driver na takbuhan ang kanilang responsibilidad sakaling may aksidenteng nangyari sa daan. Gayundin, nagagamit ng mga kawatan ang sasakyang binili para sa mga modus nila," he added.

As such, Tulfo is set to file a bill to require owners to register their vehicle to LTO ten days from the date of purchase If the owner failed to comply, his vehicle shall be impounded immediately.

He explained that such regulation is not new as it is being practice in different states in the US.

Tulfo also proposed adding an "anti-fixer" provision in his bill in which when a fixer is caught in an LTO unit, the director in said office will be immediately fired from the position on 1st offense.

Lastly, Tulfo called on all car owners who bought secondhand cars that are yet to be registered under their names to visit the nearest LTO office to have it transferred to the right name immediately for their safety and security as well.


Tulfo isinusulong ang mandatory personal appearance para sa renewal ng LTO vehicle registration

Iminungkahi ni Sen. Idol Raffy Tulfo sa Land Transportation Office (LTO), bilang Chairperson ng Senate Committee on Public Services, na i-require ang lahat ng mag-rerenew ng kanilang vehicle registration na personal na pumunta sa LTO branch at magsumite ng valid government IDs.

"Marami nang natanggap na sumbong ang Raffy Tulfo in Action (RTIA) kung saan hirap ang mga awtoridad na tukuyin ang gumamit ng sasakyang sangkot sa krimen o aksidente dahil matagal na palang naibenta ito pero nakapangalan pa rin sa unang owner," saad niya.

Binanggit na halimbawa ni Tulfo ang sumbong sa RTIA ukol sa Silver Mitsubishi Montero Sport na may plakang PEO-987 na ginamit sa pambubudol sa isang cancer patient noong June 10. Hanggang ngayon ay hindi pa rin natutukoy ang driver nito dahil napagpasa-pasahan na ang kotse at "open deed of sale" lamang ang naganap na proseso.

"Common practice na kasi ngayon lalo na sa buy and sell, na bibili ng sasakyan ang isang tao at hindi muna ito nirerehistro dahil ibebenta niya rin ito, bukod pa diyan ay para makatipid siya," ani Tulfo.

"Sa ganitong practice, malakas ang loob ng mga driver na takbuhan ang kanilang responsibilidad sakaling may aksidenteng nangyari sa daan. Gayundin, nagagamit ng mga kawatan ang sasakyang binili para sa mga modus nila," dagdag niya.

Dahil dito ay maghahain si Sen. Idol ng panukalang batas para i-require na sampung araw mula sa date of purchase ng sasakyan, dapat ay registered na ito sa LTO. Kapag hindi naka-comply ang owner, mai-impound agad ang kanyang sasakyan.

Ang ganitong regulasyon ay hindi na bago at naipapatupad na sa iba't ibang states sa US, paliwanag ni Sen. Idol.

Dagdag pa niya, maglalagay siya ng "anti-fixer" provision sa kanyang bill kung saan kapag may nahuling fixer sa isang LTO unit ay masisibak agad sa pwesto ang director na nakakasakop sa nasabing tanggapan sa 1st offense pa lamang.

Sa huli, nanawagan si Sen. Tulfo sa lahat ng car owners na binili ng second hand ang kanilang mga sasakyan at hindi pa rin ito narerehistro sa kanilang pangalan na pumunta na sa pinakamalapit na tanggapan ng LTO para maipa-transfer ito sa nararapat na pangalan.

News Latest News Feed