Press Release
June 27, 2024

TRANSCRIPT OF INTERVIEW: SENATOR RISA HONTIVEROS WITH JONATHAN MAGISTRADO VIA DWPM'S KABAYAN PROGRAM
June 27, 2024

Q: Senator, una muna ay medyo masalimuot na po, lalo na po, ang dami na pong nahuhukay tungkol po dito sa POGO sa Bamban, Tarlac. Pero ang unang tanong ko po ay sa lahat ng nakikita po natin ng mga panibagong mga ebidensya laban kaya Mayor Alice Leal Go, eh naipako na ba natin na siya talaga ay involved doon sa POGO Hub, sa kanyang Bamban, Tarlac?

SRH: Ay, opo, Sir Jonathan. Dahil doon pa lang sa mga dokumentong nakalap at iba pang ebidensya nung na-raid ng PAOCC yung Pogo Hub dyan sa Bamban, eh talagang kalat sa buong property yung pangalan at identity ni Mayor Alice Go, na siya nga yung, nung hindi pa siya mayor, siya po yung nag-request ng letter of no objection sa noo'y Municipal Council ng Bamban para sa papasok na POGO Hub na iyon.

Tapos nung mayor na siya, nakapag-issue siya ng at least isang mayor's permit para sa operation ng POGO, bagamat di umano sa tatlong floors lang ng iisang building doon sa naging malaking POGO Hub. At alam natin na kumalat ang POGO operation sa buong compound na iyan. At dun nga sa raid, yung ilan sa maraming dokumentong nakalap ay nagpapakita na hanggang ngayon, sa kanya pa rin nakapangalan yung pagbabayad ng electricity bill at pati po yung mga sahod ng mga maintenance workers doon.

So, at magkatapos ng raid at nagpatuloy yung aming imbestigasyon dyan sa POGO Hub sa Bamban, eh lumabas na kasosyo ni Mayor Alice Guo, yung mga incorporators ng Zun Yuan, kasama na yung dalawang akusado ngayon sa pinakamalaking money laundering case sa Singapore, at kasama yung isang tao na nakatakas nung raid pero wanted sa China at fugitive ngayon, pugante ngayon.

In fact, dun yung tao, si Huang Zhiyang, na inamin ni Mayor Alice na kilala niya sa kanyang mga kasosyo sa POGO doon sa Bamban.

Q: Opo. So, kung siya na po ay sinasabi natin na talagang involved dyan sa POGO Hub na yan sa Bamban, Tarlac. Itong mga nahuhukay natin ngayon, yung may ka-birthday siya, may kapangalan siyang eksakto, ito po ay para patunayan na isa talaga siyang Chinese.

SRH: Ganon yung lumalabas. Kasi nagulat na lang kami kahapon, May nauna pang Alice Guo sa kanya, at least per NBI record.

Kasi may Alice Leal Guo na nga na ipinanganak sa Tarlac noong 12 July 1986, pero hindi yan si Bamban Mayor. Kaya naitanong namin, ibang tao ba ito? At may naganap bang identity theft? Kasi nga pareho sila ng spelling ng pangalan, pero magkaiba ang ID photo on file.

Itong isang Alice Leal Guo na bagong mukha, actually nauna siyang nagkaroon ng NBI clearance kesa kay Mayor. Pinanganak din siya sa Tarlac, pero may address siya sa Quezon City noong 2005 doon sa kanyang NBI file.

And actually, pinuntahan nga ng ilang mga kasama niyong miyembro sa media yung address na nakalagay. Walang ganun na tao daw doon. At pinapaupahan lang yun ng may-ari yung nasabing tirahan, naging parlor pa nga daw. So, tinanong ko kahapon sa NBI, nasaan na kaya yung bagong Alice Leal Guo na nasa NBI clearance?

Q: At yung unang Alice Leal Guo na nakakuha ng NBI clearance, ay makukontak ba natin, ma'am?

SRH: Eh yun po ang hiniling ko rin sa NBI. Alamin kung nasaan na siya. Siya ba ay buhay pa o patay na? At makakatulong ba ang issue sa kanya para resolbahin talaga itong lumalalang misteryo tungkol kay Mayor Alice Guo?

Q: At ang lumabas po doon sa hearing dahil hindi po dumalo sa ngalan po ng stress, itong si Mayor Alice Guo ay ipapasubpoena po ninyo. Kailan po yan lalabas, ma'am?

SRH: Opo. Sinubpoena na na po namin kahapon. Hindi lamang si Mayor Alice Guo, kundi pati yung mga hindi nagpakitang tatay niyang si Jian Zhong Guo, yung sinasabing nanay niya na si Lin Wen yi, na talagang may malalim na pagkakonekta sa identity ni Mayor Alice Guo o sa pagkakilala namin si Guo Hua ping, sinapin na din po namin yung mga kapatid niya na si Sheila Guo, Seimen Guo at Wesley Leal kasi sila pong lahat ay hindi sumipot sa aming imbitasyon.

Q: Doon po sa hearing lumabas din po na gumamit si Mayor Alice Guo ng mga iba-ibang pangalan ng kanyang magulang nanay. Si Winnie Leal, si Wenny Leal Lin, si Wen yi Lin, Wen yi Lin Leal, Winnie si Leal, Amelia Lim Leal, andami. Tsaka si Amelia Leal ay...

SRH: Nakakahilo.

Q: Oo nga po. So ito po ba ay patunay na yung nanay na, si Wen yi Lin at si Amelia Leal ay iisa talaga?

SRH: Maaari din eh. And for sure, yung Lin Wenyi ay lumalabas, totoong nanay niya. Sa sinang pagkaamin dahil sa at least isang bank document, si Mayor Alice Guo mismo ang sumulat ng maiden name ng nanay niya sa Lin Wen yi. So kumbaga, sarili na niya ay umamin kung sino ang totoong nanay niya at ano ang pangalan ng nanay niya.

Q: Kausap natin kanina yung PSA. Mukhang wala din record na may ikinasal na mga magulang itong si Mayor Alice Guo.

SRH: Opo. Wala po silang birth certificate nung kahit sino sa mga magulang ni Mayor Alice Guo. At gaya ng sinabi niyo, wala rin po silang record na sila ay ikinasal dito sa Pilipinas. So kumbaga, in terms of yung identification documents dito sa Pilipinas, wala sila, yung dalawang magulang. At yan ay dahil sa aming pagkapaniwala na sa ngayon, si Mayor Alice Guo, sa totoo lang, ay si Guo Hua Ping na full Chinese at may dalawang magulang na Tsino rin.

At yan nakita din po natin sa Special Investment Residence Visa o SIRV application ni Lin Wen Yi na kanyang ina.

Q: At ang sabi nga po ng PSA ay ikansila yung birth certificate, yung live birth certificate ni Mayor, Bamban Mayor Alice Guo. Pero wala silang kapasidad kundi ang Office of Solicitor General. Meron na po kayong idea, ma'am, kung ito po'y gumugulong na sa Office of the Solicitor General?

SRH: Well, sa pagkaalam ko sa hearing kahapon, yung iba't iba ahensyang nag-resource person ay talagang nagko-coordinate sa isa't isa. So kung dahil may ganun ng finding ang PSA, eh posible na any day now na nirekomenda na nila iyan sa tamang opisina na pwedeng magkansela nung irregular, tinawag nilang irregular na birth certificate ni Mayor Alice Guo.

At mabibigat po ang implikasyon niyan kasi kung makakansela ang birth certificate niya bilang Pilipino, kung talagang questioned or denied na yung katotohanan ng pagka-Filipino citizen niya ay susunod na maitatanong. So anong basehan na siya ay nag-file ng certificate of candidacy noon nanggampanya at nanalo at nanungkulan bilang Mayor sa ating Republika.

Q: Itong incorporator, ma'am, na dumalo din po sa hearing kahapon, eh sinasabi niya wala siyang alam. Parang nagamit din ba yung pangalan niya?

SRH: Mukhang ganunn po. Nakasama natin sa hearing itong si Ms. Merlie Joy Castro, taga Concepcion Tarlac, nasa mga dokumento bilang Filipino owner o incorporator di umano ng POGO ng Hongsheng Gaming Technology na andun sa compound ng Baofu.

Eh ayon mismo sa BIR kahapon, yung TIN na ginamit ng Hongsheng para kay Ms. Merlie ay pekeng TIN. May totoong TIN si Ms. Merlie. Dala-dala niya yung totoo niyang ID na may totoong number at kinupirma yun ng BIR na ganyan talaga.

Q: So identity theft din yun?

SRH: Mukhang identity theft din. Tapos inimbentuhan siya ng BIR, TIN number. At kawawa talaga si Ms. Merlie. Kasi sabi nga niya, dati siyang tindera o vendor, naging PPO worker. Wala siyang ideya kung ano ang POGO, ano ang ginagawa ng POGO. Siya ngayon ay nagbebenta din ng mga isaw. Tapos may tatlo pa siyang Pilipinong co-owner daw na Hongsheng. Kilala lahat ni Ms. Merlie kasi nakikita sa palengke. Si Rowena Evangelista, nagtitinda ng gulay. Si Thelma Larana, nagtitinda ng agahan sa umaga. At si Rita Ituralde, nagbebenta naman ng inihaw na manok. Hindi rin alam ni Ms. Merlie na owner sila ng POGO. Alam lang niya, nakikita sila sa palengke.

Eh, alam nyo, pinakita pa nga ni Sen. Sherwin ang mga bahay at addresses ng mga taong ito. Wow, hindi talaga mga bahay ng mga POGO owner. So nakapagtataka yung PAGCOR, hindi naman lang mabackground check itong mga addresses ng mga sinasabing co-incorporators.

Q: But in any instance po, wala silang interaction with Mayor Alice Go para maisip na iyon ang gamitin sa identity theft?

SRH: Eh, siguro itatanong iyon sa pagpatuloy ng imbestigasyon at kaso ng Department of Justice. Kasi itong kawawin si Ms. Merlie, isinama sa sinampahan ng non-bailable case ng qualified trafficking in person.

So, itinanong ko rin kay Usec. Ty ng IACAT, Interagency Council Against Trafficking ng DOJ kahapon. Paano na ito, Sir? Sabi ni Ms. Merlie wala talaga siyang kinalaman dyan. At pinatunayan ng BIR na peke yung TIN na ginamit sa pangalan niya sa Articles of Incorporation ng Hongsheng. Eh, si Usec. Ty na ang nag-sabi kay Ms. Merlie, basta tumaan ka sa proseso, sa DOJ, and kung pwede kang makipagtulungan sa amin para patunayan ang aming kaso laban sa mga totoong suspects at may sala, eh, dagdag patunay yun sa inyong innocence.

Q: Mukhang sila pa yung dapat na paniwalaan kung nai-stress sila dito sa pagdinig, Senator. Tatawid lang po ako doon sa POGO na na-diskubre po sa Porac . Ay, ang sabi po ng Mayor, si Mayor Jaime Capil, ay wala siyang alam? Naniniwala ho ba kayo doon?

SRH: Well, nakapagsimula pa lamang kami kahapon na tanungin si Mayor tungkol naman doon sa ongoing investigation post-successful raid ng PAOCC dyan sa POGO Hub naman sa Porac. And una na namin itinanong sa kanila kung bakit dalawang beses, di lamang minsan, dalawang beses na bigong ma-inspect yung POGO Hub dyan sa Porac.

Kahit na yung mismong dating Chief of Police ang siyang humiling noong 2023 at kahit na yung provincial PNP na ang humiling nito noong namang itong taon lamang na ito. Dahil sabi nga namin at sabi din ni Sen. Sherwin na dating naging Mayor din doon naman sa Valenzuela City, meron po talagang mga kapangyarihan ang isang local chief executive, ang isang mayor na hindi pwedeng pagbawalan ng isang POGO company, di ba?

Hindi pwedeng ilimita lang hanggang doon sa security office at di payagang pumasok para mag-inspect ng premises. Lalo na't ang PNP municipal at PNP provincial na ay nagsabing nababahala sila doon sa mga iniuulat na mga krimen sa ilalim ng mga POGO.

Q: Ang nakakapagtaka, ewan ko lang po kung kayo po yung nagtataka rin. Kasi kasagsagan po ng pandemya nang maitayo po yung mga POGO na yan. E di ba po mga local government units lang yung mga APOR, yung mga authorized person na lumabas, e syempre nadadaanan nila ito. Diba nag-house to house nga po silang pag magbigay ng mga relief, e di ba nila nadaanan ito?

SRH: Totoo yan. At naitanong ko rin kay Mayor Capil, paano po nangyaring nag groundbreaking para sa phase 3 ng Lucky South 99 Pogo Hub na yan sa Porac? E nung taong iyong 2021, at may photo kami niyan, e kasalukuyang nasa ilalim tayo ng ECQ. So diba, lahat na confined sa mga tahanan natin. So paano nangyaring yung ganyang klaseng ongoing construction?

Q: So ano ngayon ang plano ng inyong komite kay Mayor Jaime Capil?

SRH: Well, imbitahin namin sila ulit sa susunod na hearing, pati yung ibang resource persons pa mula sa Porac. At, imbitahin din po namin ang mga magsasaka doon. Dahil isang lumabas pa sa research namin, ang lupang tinayuan ng POGO Hub sa Porac. Yes, ay agrikultural at hindi lang agrikultural at walang masabi si Mayor na may nag-apply for conversion, wala rin silang alam na land dispute dyan. Ang kinumpirma po ng Department of Agrarian Reform kahapon, covered na po yan ng order nila ng land acquisition and distribution. So kumbaga, mayroon ng kwalipikadong beneficaryo dyan, ng mga agrarian reform beneficiary. So ang tanong, e paano yan natayuan pa ng POGO Hub?

Q: Nadagdagan na naman po tuloy yung tanong natin. So aabangan natin yan na Sen. Risa. Pero tatawid lang po ako, ihingi lang ako ng reaction po ninyo doon po sa sabi po ng ating pangalawang Pangulo na yung kanyang ama at yung kanyang dalawang kapatid ay tatakbong senador.

SRH: Ang unang sagot ko dyan, may iba akong photo kasi, pinost ko na sa social media. Ito ang tatlo ko. May tatlo si VP, may tatlo din ako.

Q: Ah, parang nakita ko na ho yun. Yan po. Pero naniniwala kayo na matutuloy ang pagtakbo ng mga mag-ama?

SRH: Ewan ko lang kung talagang itutuloy nila o tulad ng panahon ng ama nila, tulad ng panahon ni Duterte, ay naninindak lang sila. So tayo naman, iniintindi natin ano kaya yung layunin ng ganyang klaseng komunikasyon nila. Siguro binabantayan din nila yung kanilang mga standings sa opinion ng publiko, tulad ng sinusukat sa mga survey at iba pa. Pero ano yan eh, maraming smoke and mirrors na nangyayari, mga tricks diba? So importante lang na intindihin natin ano yung mas totoong mga layunin ng ganyang mga statements at magplano accordingly. Kasi di naman pwedeng maiwan, mabaon sa limot yung mga bagay mula sa nakaraan na dapat na nareresolba.

Q: Ay, nababanggit na po yung mabaon sa limot ng mga nakaraan. Dapat ho ba na dumalo? Ang dating Pangulo doon sa House Committee na iniimbestigahan po ang extrajudicial killing kaugnay po doon sa war on drugs?

SRH: Ah, well ang House na po ang makapagsasabi niyan dahil sila ang nagdataos niyan sa ngayon. Pero kung EJK ang pag-uusapan, yung isa ko pang inaabangan talaga at ng marami, lalo na ng mga balo at ulila ng madugong war on drugs, balo at ulila ng mga EJK victims, ay yung International Criminal Court. Harinawa po magpatuloy na po iyan.

Q: Opo. At isa na lang, yung sabi po ni former Senator Trillanes na yung mga quote-unquote pinklawan at ang Marcos administration daw po ay dapat magkasundo para nga po maiwasan ang plano ng mga Duterte na makabalik sa kapangyarihan.

SRH: Oh, well marami talaga ang gustong tigilin ang pagbalik ng mga Duterte sa ganap na kapangyarihan. And of course, masasabi ko rin naman bilang miyembro ng minorya sa Senado at bilang miyembro ng oposisyon na marami din na mga hindi dapat mabaon sa limot ng nakaraan. Pati po yung mga human rights violations at yung plunder nung panahon ng diktadura at batas militar. So yan po ay, oo, nasa mga kasaysayan natin. Buhay na kasaysayan pa rin at ay humuhubog po sa kung ano yung nakikita nating parang mas strategic at long-term na patutunguhan. So hindi basta-bastang magsasama ng landas ang mga dating magkahiwalay o magkatunggali pa nga. So sa panig naman po namin sa oposisyon, patuloy din po kaming nagbubuo ng sariling pananaw. Saan kaya pwedeng yung mas maaliwalas ba na sitwasyon ng Pilipinas ang pwede nating dalhin ng ating bayan?

Q: Panghuli na lang po, may mensahe po kayo kay Pastor Quibuloy.

SRH: Magpakita na kayo, Pastor, kasi tatlo na pong warant dito sa Pilipinas. May apat na kaso na po sa U.S. Kung magpadala pa ng extradition request ang U.S. government sa gobyerno natin, di ba parang unahan nyo na ang lahat ng ito, humarap na po kayo sa hustisya.

News Latest News Feed