Press Release
June 27, 2024

Transcript of interview:Senator Risa Hontiveros on DZBB's Saksi sa Dobol B with Joel Reyes Zobel and Rowena Salvacion
June 27, 2024

Q: Ma'am, natutuklasan ninyo yung lalo lumalalim yung mga misteryo. Sino ba ang tunay na Alice Leal Guo, ma'am?

Senator Risa Hontiveros (SRH): Iyon na nga po. At hindi lang sino ang, kasi sino kaya ang mga Alice Leal Guo. Kasi meron pa palang ibang Alice Leal Guo, at least batay sa NBI record. Meron pong Alice Leal Guo na pinanganak sa Tarlac noong July 12, 1986. Hindi pala yan si Bamban Mayor Alice Leal Guo.

So, naitatanong namin kahapon, ibang tao ba ito? May naganap bang identity theft? Kasi pareho sila ng spelling ng pangalan din, pero magkaiba ang ID picture on file.

Itong Alice Leal Guo na bagong mukha, actually nauna pa nga siyang nagkaroon ng NPI clearance kesa kay Mayor. Pinanganak din sa Tarlac, pero may 2005 address na Quezon City doon sa kanyang NBI file.

Actually, pinuntahan nga ng ilang mga kasamahan niyong members ng media yung address na nakalagay, walang ganun na tao daw doon. At pinaupahan lang yun ang may-ari ng nasabing tirahan, naging parlor pa nga daw. So, nasaan na kaya yung bagong Alice Leal Guo na nasa NBI clearance? Itinanong po namin sa NBI yun kahapon.

Q: Ano sabi po ng NBI ma'am, meron bang ganun klase mga kaso talaga na nangyayari before? Na lahat, pati sirkumstansya mo, kapareho eh. Sinasabi nga natin dito, plakadong plakado. Meron bang ganun pagkakataon before? Kasi baka naman ma'am, may mga, kasi actually, ako may kapangalan din akong wanted eh. Kaya pagka kumukuha ko ng NBI clearance, nagkakaroon po ako ng hit. Oo. Tawag nila doon.

Pero may pagbabago sa mga sirkumstansya namin. Iba ang birthdate namin. Iba yung address namin. Pero ito ma'am, magkapareho talaga. Meron na bang nangyari before? O kakaiba ito? Ito, na unang-unang pangyayari itong natuklasan natin diyan?

SRH: Kakaiba sa, kumbaga, pagtawag pansin sa malawak na bahagi ng publiko. Pero sa ganitong development, eh dapat siguro ang NBI ay nire-review yung mga iba pa nilang files on record kung may kwestyonable din diyan.

Kasi dito, hindi lamang posibleng identity theft. Kailangan pang tanungin na ito bang si Guo Hua Ping natingin namin ang totoong pangalan, nag-assume ba siya ng identity ng isang Filipino woman? Tapos halos isang dekada ang dumaan, siya ba'y tumakbo para sa public office?

Importanteng tanong yan kasi itong si Guo Hua Ping naman appears to be ha, appears to be yung Chinese identity ni Mayor Alice. At si Guo Hua Ping ay full Chinese siya, Chinese parents. Yan naman nakita sa Special Investment Resident Visa or SIRV application ni Lin Wen Yi na mukhang nanay niya.

So, kasalukuyan, kinukumpara din ng NBI hindi lang yung dalawang Alice Leal Guo. Kinukumpara din ng NBI yung fingerprint ng Chinese passport holder na si Guo Hua Ping at yung fingerprint din ni Mayor Alice Guo.

Sinubpoena na din po namin, hindi lang yung fingerprint, yung katauhan ni Mayor Alice Guo, yung tatay niyang si Jiang Zhong Guo at yung sinasabing nanay niya na si Lin Wen Yi pati yung mga kapatid niya na si Sheila Guo, Seimen Guo at Wesley Leal.

Q: Ano to ma'am? Subpoena na? Hindi na po ito imbitasyon?

SRH: Opo. Kasi po yung naunang imbitasyon namin, either nag-absent sila, na may letter of explanation, pero di katanggap-tanggap sa kanya. Or totally, dinedma lang yung imbitasyon. So sinubpoena na po namin.

Q: So ma'am, sa pamamagitan po ng pag-check ng fingerprints and probably via DNA, saka lang natin masusuri kung sino talaga yung tunay.

SRH: Oo. Kung yung Mayor Alice Leal Guo, na akala nga'y nakilala sa Tarlac, ay in actuality si Guo Hua Ping, na Chinese citizen. At makikita din po kapag yung fingerprint experts ng NBI ay tinignan, hindi lang yung photos, pero yung fingerprints nila eh yun talaga. I mean, yun, case closed na sa usaping identity ni Mayor Alice Guo.

Q: Okay. What would happen kung halimbawa po mapatunayan natin na, o lumabas po sa imbestigasyon ng Senado na gumamit siya ng ibang personalidad, ng pangalan, identity ng ibang tao?

SRH: Well, sinabi nga ng iba't ibang resource persons namin na kung may mga paglabag sa ating laws, pwedeng mag-apply sa kanya yung penalties kung proven guilty. At napakabigat pa.

Kapag mapatunayan na irregular yung kanyang birth certificate na lumabas na rin sa hearing kahapon, eh posibleng ma-strip siya ng Filipino identity. So ang dami rin repercussions nun. Kung stripped siya ng Filipino citizenship, nawala yung isang essential na basehan. Nung pag-file niya noon ng certificate of candidacy, pagtakbo bilang mayor, pagkapanalo, at pag-upo ngayon.

Q: So ibig sabihin na mababaliwala po yung kanyang pag-alkalde. Yung pagkakahalal sa kanyang binang alkalde.

SRH: Opo, ganun yung isang practikal na implikasyon dyan. And nakuha nang natanong namin yan sa Comelec Chair Garcia two hearings ago, at sabi nga nila, mayroong at least dalawang prosesong pwedeng gawin kung umabot nga sa hindi na magiging mayor si Alice Guo. At depende sa kung aling proseso ang gagamitin, ang papalit sa kanya, ay either yung vice mayor ngayon or yung pumangalawa sa eleksyon para sa mayor.

Q: Ma'am, kung halimbawa, mangyari lahat yan, dahil yun ang nagiging direksyon ng Senado, can she be declared as parang illegal alien and therefore pwede po siyang ma-deport?

SRH: Posibleng ma-deport siya. Pero ang magandang sinabi din ng DOJ IACAT yung Inter-Agency Council Against Trafficking, kasi trafficking yung isa sa mga kaso dito at hindi inihain na laban kina Mayor Alice. Kapag po made-deport siya, pero kailangan muna niyang iserve yung sentence kung ma-convict siya at masentensyahan dito sa Pilipinas. So hindi parang free pass lang deport na uwi sa kung saan. Pero kailangan managot siya sa paglabag ng batas ng Pilipinas.

Q: Ma'am, meron ba tayong yung bang possibility kasi kaya naman ginagawa ito, lumabas din yung posibilidad baka ano ito eh, baka spy, di ba? Espiya, ma'am. Ngayon ba, dini-discount na natin yung posibilidad na yan o nandyan pa rin yan? Mayroon pa bang mas malaking tao sa kanya? Actually, ayokong gamitan ng panguri. May mas malaki pa ba sa kanya? Hindi ba ito ginawa for personal gain? O meron bang mas malaking di ko alam kung ano ba yan o, gobyerno?

SRH: Meron pa po kaming live question dyan. Yung usapin ng mga protektor. Mga tao sa loob at posibleng sa labas ng bansa. At opo, posibleng pa rin. I-imbestiga pa rin namin kung may ibang gobyerno. Ano eh, DILG na rin po ang may sabi. POGO money could influence the 2025 elections. At panahon po ni Duterte na ang bansa natin ay binuksan sa POGO operations. In fact, may picture si Mayor Alice kasama yung kanyang mga kaibigan in high places.

And kahapon sa aming hearing, nagsalita rin po yung National Security Council. So buhay na tanong pa rin yung national security angle na iyon na iniimbestiga ang isang magandang development po, ang PAOCC, yung Presidential Anti-Organized Crime Task Force, na successfully nag-raid dyan sa Bamban hub. At dun din, ito pong PAOCC ay magbi-briefing sa National Security Council tungkol dun sa tanong namin. Kung ang POGO ba ay national security threat. At kung mapatunayan nyo yan, tulad ng aming pananaw, eh di umaksyon na po ang NSC at ang Presidente mismo na sila na po ang mag-ban at magpalayas sa POGO dito sa Pilipinas.

Q: Okay ma'am, ilang hearing pa kayo bago tuluyang maisara ang imbestigasyon sa POGO and Mayor Guo?

SRH: Opo, hopefully, isa na lamang or ilan na lamang para ma-wrap-up na po namin itong apat na taong running na.

Q: Oo, medyo mahaba-haba na rin and ready na for committee report and isa po doon sa tinitinan ng rekomendasyon ay to ban POGO talaga.

SRH: Talaga po. Siguradong una or isa sa major na recommendation na iyan. Pero hindi rin namin tatapusin yung imbestigasyon or i-finalize yung committee report hanggat hindi namin mailabas yung isa pa namin iniinvestiga ngayon na posibleng connection nitong buong POGO phenomenon, very evil phenomenon na ito kaugnay ng isa pang pinakamalaking imbestigasyon ng Senado nung nakaraang Kongreso. Aming ibubunyag yan sa tamang panahon.

Q: Anong issue yun, ma'am?

SRH: Very soon po matutukoy na po namin. Meron lang po kaming ongoing na mga iniimbestiga pa.

Q: So mag-connected siya sa mas malaking issue? Ang POGO operations?

SRH: Malaking issue din. I mean napakalaki na rin ang POGO so posibleng magsinglaki silang mga issue. Pero kinokonnected na namin iyon.

Q: Chinese din po ang issue?

SRH: May kinalaman din po sila. Pero siyempre kami naman po ay komite ng Senado ng Pilipinas. Nakaugat din definitely dito sa mga kaganapan sa Pilipinas.

Q: Yung bang picture na binabanggit po ninyo na kasama po ang ilang mga tauhan na matataas sa gobyerno? Sabihin po nila ma'am ano eh, kilala ko eh. Maraming nagpapa-picture sa akin. Ano bang pwedeng patunayan ng picture na iyon?

SRH: Well, bukod sa identity ng mga ibang tao sa photo, palagay ko importante yung lugar kung saan kinuha yung photo. Dahil hindi ito madaling sabihin na marami namang nagpapalitrato sa akin. Kung alam nyo yung general na public places. Pero kung hindi lang siya public place pero based na ang mga tao lang na magkakaibigan o malalapit sa isa't isa ay pwedeng mag-photo, iba na iyon. At saka in any case talaga namang established na panahon ni Duterte na practically nag-open door policy ang Pilipinas sa POGO.

Q: Would you know kung saan lugar po kinunan yung larawan na iyon?

SRH: Posibleng ano, sa tirahan. Tirahan ng isang mataas na opisyal sa photo na iyon.

Q: Kaya sinasabi ninyo ma'am na parang intimate yung setting. Parang personal level yung relationship?

SRH: Parang gano'n.

Q: Merong natuklasan din doon sa imbestigasyon kahapon yung mga incorporator. Merlie Joy Castro. Ito ma'am, walang kinalaman. Ano yan? Alam nila?

SRH: Hindi po nila alam. Sabi po ni Merlie Joy Castro na nakasama namin sa hearing. Taga-Concepcion, Tarlac siya. Na-shock na lang siya sa mga balita. At lalo na nung sinummon na siya ng Department of Justice. At actually, sinama siya sa kinasuhan. Kinasuhan ng non-bailable offense ng qualified trafficking in person. Dahil isinama siya sa dokumento bilang Filipino owner o incorporator di umano ng POGO na Hongsheng Gaming Technologies.

Q: Pero paano sila namili ng pangalan? Kakilala ba?

SRH: Nilagay si Miss Merlie at at least tatlo pang Pilipina na nakikita lang niya sa pangalan. At at least tatlo pang Pilipina na nakikita lang niya sa palengke nila sa Concepcion. Isinama sila bilang co-incorporator sa Articles of Incorporation niyang Hongsheng Gaming Technology na nandun sa compound ng Baofu sa Bamban.

Ayon mismo sa BIR kahapon, yung TIN number na ginamit ng Hongsheng para kay Miss Merlie ay peking TIN. May totoong TIN number si Miss Merlie, daladalag niya yun. Yung totoong niyang ID na may totoong TIN number, kinonfirm ng BIR. Totoo yun. Yung kay Miss Merlie.

Sabi pa niya sa hearing na dati siyang tindera, vendor, tapos nag-BPO worker. Wala siyang ideya ni kung ano ang POGO o ano ang ginagawa ng POGO. Siya'y nagbebenta ng ihaw-ihaw, tulad ng mga isaw.

Q: So random lang?

SRH: Baka ganon lang. Random o na nakilala lang sa palengke. Ginamit yung mga pangalan, ginawa ng peking TIN number in the case ni Miss Merlie. At yung tatlo pang babae, Rowena Evangelista, nagtitinda ng gulay.

Q: Ibig sabihin, hindi nalang online ang identity theft natin ngayon. Para sa palengkya.

SRH: At pinakita pa nga ni Sen. Sherwin yung mga bahay at mga addresses ng mga taong ito. Eh talagang, hindi talaga mga magagarang bahay ng mga POGO operators. At nakapagtataka nga eh. Kasi yung PAGCOR, di man lang ma-background check itong mga address ng applicant.

News Latest News Feed