Press Release
October 12, 2006

Transcript of interview with Sen. Edgardo J. Angara

On classroom shortage

SEJA: kung hindi mo ide-declare na emergency yang classroom shortage, hindi natin malulutas yang crisis na yan. Sapagkat ang traditional solution natin ay maglagay lang budget ngayong taon, hindi mo naman napupunan yung kakulangan sa classroom, magiging perpetual na ang problemang yan

kaya ang panukala ko, i-declare nang emergency yan, crisis na ang classroom shortage. Gawin natin na sa loob ng limang taon, maglagay tayo ng pera taon-taon hanggang matapos ang backlog na yan. Ang effect niyan bababa ang teacher-pupil ratio. Dahil sa ngayon, contrary to the claim of DepEd, ang pupil to teacher ratio ay 60 pupils to 1 teacher. The ideal ratio is 1 is to 40. kung ang tinuturuan mo ay 60, eh di parang sardinas na yung tinuturuan mo

noong akoy bagong senador noong (19)87, ang backlog, 7,000, ngayong 2006, ang backlog 35,000 classrooms. Ang resulta niyan, yung tinatawag na teacher-pupil ratio, one is to 60 (1:60). Hindi yan ina-admit ng DECS. Ang sabi nila, 1:55 lamang o 1:45. kahit na ganon, malaki pa rin. Pinakamataas tayo sa Asya. Samakatuwid, lumaki pa. Five times bigger. Samakatuwid, hindi natin nalulutas ang classroom shortage in the traditional way na magba-budget lang tayo

Yung teacher-pupil ratio, yan ang barometer ng kagalingan ng pagtuturo. Hanggang mataas yan, nangangahulugan, hindi epektibo ang teacher at hindi rin epektibo na matuto ang mga bata.

palaki nang palaki ang backlog natin, kaya ang solusyon ko, i-declare na natin na there is a school crisis. May emergency na tayo sa school system at gawin natin ang isang batas na magbibigay ng P3 billion a year sa loob ng limang taon, so P15 billion yan. Makikita nyo, within five years, maso-solve natin, yan.

nagiging viscious cycle lang. hindi na mabreak-break ang cycle na yan. Samantala, ang nasasakripisyo natin ay yung edukasyon ng ating mga anak.

parang sardines silang naka-pack. Kaya tignan mo ang average size ng ating classrooms: 7 by 7. Seven meters by seven meters. 49 sqm at ipa-pack mo yang 60 pupils diyan. Yung nasa likod, hindi na nakikinig sa teacher yon, dahil napakalayo na. karamihan sa mga batang yan, nagda-dama lang iyan sa likod. Saka yung teacher, hindi na niya makikita yon sa dami ng inaalagaan niya.

ang inilagay lang naming supplemental budget P2 billion, e. So, yung traditional na solution natin, eh, di maglagak tayo ng P1 bilyon o P2 bilyon.

Ang epekto non, ay marginal lamang. P400,000 per classroom, maraming magagawa niyan. Maaaring 1,000-2,000 at most na classrooms taun-taon.

ideal ratio is 1:30 at maximum is 1:35 . alam mo sa Malaysia , 1:18. Sa China na napakalaki, 1:19 . Kaya epektibo ang pagtuturo doon. Parang almost one-on-one ang pagtuturo. Yan ang ideal teaching and learning atmosphere.

kailangan, lutasin muna natin itong elementary at high school natin, sapagkat sa education, yan ang foundation ng eskwelabasic education. Pag hindi magaling ang basic education, kahit sabihin mo pang puwedeng maging enginner iyan o maging abogado, ngunit walang foundation, e, hindi magsa-succeed.

kailangan, i-declare na nating krisis ito. Crisis in school, para maging aware ang publiko at ang mga, senator, congressmen, at public officials upang itoy talakayin na at unahin sa lahat ng problema

naglalagay nga tayo ng P3 bilyon dito sa supplemental budget, para saan? Para sa tinatawag na school feeding daw. Pero tingnan mo yung school feeding nila, bibigyan lamang ang isang estudyante ng isang kilong bigas araw-araw. Anong klaseng school feeding yan? Maaaring dalhin ng bata yung isang kilong bigas sa bahay, e, maaaring hindi pa siya makaparte don, e.

May hidden agenda rito. Itong P3.5 billion supplemental budget, posibleng gagamitin lang nila sa pag-i-import ng kulang-kulang na isang milyong toneladang bigas. Sinasakripisyo natin ang sarili nating farmers mula sa Aurora, Quezon, Isabela, lahat, para lamang ang ilan sa ating mga kasamahan sa gobyerno ay kumita ng komisyon.

Krisis talaga tayo. Kulang tayo sa classrooms, sa teachers, sa textbooks. Shortage all-around, e.

nakakalungkot sa bansang ito, we take advantage of the misery of our people.

tingnan mo ang difference. Kung ang gobyerno ang magtatayo ng eskwela at kung pribadong sektor; yung public works ang halaga ng construction ay P400,000 per classroom, samantalang halimbawa humingi ka sa Filipino-Chinese chamber of commerce, namimigay sila ng classroom, ang cost ng isang classroom nila is only about P320,000. yun ay may toilet na, may office na ang teacher, may ilaw na. kumpleto. Tingnan mo yon, almost P100,000 ang difference.

Nung akoy senate president, araw-araw nagba-brownout, hindi alam ni PFVR kung ano ang gagawin. Sabi ko, meron hong rule sa Constitution na kung ang isang problema ay malawakan at kailangan ang national solution, magdeklara ho tayo ng national emergency and then let us pass a law na itoy national emergency at kailangang gawin natin. Siguro, ipagpaliban na muna natin ang requirement ng public bidding. So ganon ang nagyari. Nalutas namin sa loob ng isang taon, yung kakulangan sa elektrisidad dahil nag-declare tayo ng national emergency.

ON ELECTION AUTOMATION

yung automation, kaya nga kamiy nagtrabaho hanggang alas-dose kagabi, nag-adjourn kami, mga 12:30 na, sapagkat tinatapos namin itong automation na ito. At malapit na sanang matapos, kaya lang, hindi nagbigayan.

yung pagtatalo ba na kung kailangang tayo ba ay dapat bumalik pagkatapos ng 2007 elections? Tayo ay kailangang bumalik sa kongreso at humingi ng panibagong mandate. Ang stand ni Senator Gordon, ay huwag na tayong babalik sapagkat itong automation policy ay napagpasiyahan na sa Kongreso. Kung mapagpapabalik-balik tayo, eh, anong klaseng policy naman yan. Ilan sa amin, gusto bumalik kami. Iyon ang pinagtatalunan kaya mga alas-onse kagabi, nag-propose ako ng compromised language

puwede tayong bumalik sa Kongreso pero hindi para baguhin ang automation policy. Kailangan, patuloy pa rin ang automation policy

pag bumalik tayo sa manual, di parang tayoy nagloloko lang sa sarili napakamahal niyan, eh. P1.2 billion ang halaga niyan. Noong nakaraan, halos tatlong bilyon ang nagamit natin, hindi naman nagamit ang mga computer

pag babalik tayo sa Kongreso, dalawang bagay lang ang tatanungin natin sa Kongreso: anong bagong teknolohiya ang nakapagpaganda sa computerization? Because technology is very fast, e. Rapidly growing, yan, e

pangalawa, yung automation ba ay hindi lamang sa anim na probinsya o anim na siyudad? Papalawakin ba natin, yan? Yung mga ganon issue lang. Hindi yung tayo bay magpapatuloy ng automation o hindi?

ON ELECTION AUTOMATION BY 2007

Yun nga ang testing don, e. Test ka muna sa anim na probinsya, anim na siyudad. Yun ang proposal. Walang issue ron. Ang issue lang, pagkatapos ng 2007, sa susunod na eleksyon, 2010, anong gagawin natin? Yun ang pinagtatalunan?

nanghihinanayang ako sapagkat ito ay matagal nang kailangan natin. At pag hindi pa natin nai-adjourn ito ngayong araw, ay hindi na maihahabol ng Comelec. Yan ang sama niyan. Not beyond October 15. Today as in today, kung sisipot ang mga kasamahan namin, kaya pag-alis ko rito, diretso ako sa Senado, e.

ON NURSING ISSUE

Nursing issue, palagay ko, tayo na mismo ang nag-mess up niyan, e. sapagkat kung talagang susundin mo ang batas, kung may anomalyang ganyan, halimbawa, nag-cheat, ang talagang may exclusive responsibility ay ang PRC. Napakalakas ng poder nyan. Puwedeng mag-subpoena, puwede ngang mag-issue ng warrant of arrest, e sa kanilang imbestigasyon, e.

ON NURSING RETAKE

Palagay ko, hintayin na muna natin ang kapasyahan ng Court of Appeals. Sapagkat nandiyan na, e. Under our system, ganyan ang division of labor, e. Pag yang controversy ay nasa husgado na, hintayin na natin. Sana yung mga kasamahan natin sa Senado, sa Kongreso, yung mga governor, sana huwag na tayong makialam diyan. Ipaubaya na lang natin sa Pero kailangan, i-prosecute natin yung mga nandaya.

News Latest News Feed