Press Release
November 20, 2006

Transcript of Interview with Senate President Manny Villar

Are you going to be part of the admin-opposition unity ticket in the 2007 elections?

SPMV: Iyong Nacionalista Party ay isang partido na independent at pwede kami either way, sa opposition, pwede kami sa administration. Magdedecide kami sa yearend. Siyempre isang malaking karangalan din sa amin ang maimbita ng oposisyon at magjoin sa kanila. Iyan ay isang bagay na seryoso naming pinag-uusapan sa ngayon.

Sec. Defensor said nakausap na niya daw iyong ilang members ng opposition at 6-6 unity ticket. Kayo po ba iyong sinasabi niya na nakausap na niya?

SPMV: Hindi ko alam kung sino ang nakausap ni Sec. Defensor. Iyong bang unity ticket may opposition, may administrasyon?

6-6 po?

SPMV: Iyon ay isa sa mga pag-uusapan kung meron nga niyan, pero ngayon maraming mga statements na hindi mo malaman kung totoo o hindi. Titingnan muna natin kung totoong nangyari nga iyan.

Pwedeng float lang?

SPMV: Maaaring finofloat lamang iyong idea, marami kasing nagfo-float ngayon na mga possibilities. Siyempre hanggat hindi dumarating iyong end of the year, mga possibilities lamang iyan. Ang seryosong usapan ay end of the year.

But it is a possibility?

SPMV: It can always be a possibility, iyong mga ganyang unity-unity.

Di ba dapat sarado na ninyo iyong pintuan ninyo sa administration kasi baka kiss of death iyan, baka maassociate kayo sa administration?

SPMV: Sa amin naman ngayon, bagamat meron na kaming mga idea kung ano ang aming gagawin, mahalaga naman din na bigyan namin ng pagkakataon iyong mga miyembro namin para masabi ang kanilang mga hangarin at advice. Mahirap naman na magdeklara kaagad ako ng isang bagay, parang pine-preempt natin iyong ating mga kasamahan sa Nacionalista Party.

Hindi ninyo kailangan ng administration alliance para manalo

SPMV: Hindi naman. Ang Nacionalista party ay hindi kailangan ng administration alliance. Pwede kaming magsarili o sumama sa opposition.

Sila iyong kailangan kayo?

SPMV: Hindi ko alam kung kailangan nila kami pero ibig kong sabihin kami ay may sariling partido naman at nakikipag-usap kami sa inaakala naming makakatulong sa amin,.

You can stand on your own?

SPMV: Oo naman. One hundred years na ang Nacionalista. (end)

News Latest News Feed