Press Release
December 18, 2006

Transcipt of Interview of Senate President Manny Villar

Q: Agenda?

SPMBV: Tinatapos lang natin yung mangilan-ngilang bill na advance na at marami-rami din tayong local bills na tinalakay din para di naman sabihin ng kasama natin sa malaking kapulungan na iniignore natin ang kanilang panukala. Anti-Terrorism is a priority at yung sa mga BCDA Bills ay priority din yan, yung 3 Health Bills ay priority din. Yung sa Breastfeeding, yung sa Hepatitis at saka itong sa Anti-Rabbies. At meron pa tayong mga 2 panukala, yung sa Pamantasan ng Pilipinas at yung sa pag rereinforce na pagbabawal sa Cheating sa Examinations. Sa budget ay very confident tayo na mararatify ang resulta ng Bi-Cameral Conference bago mag adjourn at kung hindi man at least tapos na lahat ang problema.

Q: Ano yung mga problema sa Budget?

SPMBV: Usually, budget talagang problema yan. Pumayag na naman ang malaking kapulungan sa pinakamalaking problema na yung 8 billion na tatanggalin, yun lamang naman ang talagang pinakamalaking pinagkakadiperensyahan. Yung iba naman mga usual compromises na hinahati na lamang.

Q: . . . (inaudible)

SPMBV: Oo, papayag naman ang malaking kapulungan sa pagbibigay nung 8billion kayat wala nang masyadong problema.

Q: Tinanggal na yun?

SPMBV: Tinanggal nay un kayat mga minor na lamang yung mga pinag-uusapan, mga minor na lamang yung mga adjustments. The amounts involve are not that big anymore.

Q: Charter Change? Ahhh Character Change . . ?

SPMBV: Yung sa Charter Change e palagay ko ay wala nang mangyayari dyan dahil malapit na at lahat nang tao ay nakatingin sa eleksiyon at siguro pagkatapos na ng eleksiyon dapat pag-usapan yan. At siguro kung pag-uusapan yan after nang eleksiyon, yung sa tamang paraan na para wala nang gulo.

Q: Sir Character Change na panawagan ng CBCP?

SPMBV: Character Change. . . Well, nasa sa tao yan. Magkakaroon ng pagkakataon ang ating mga kababayan sa Mayo para ihalal yung mga inaakala nilang karapat-dapat na manungkulan at dapat nilang isipin yung mga sinabi ng mga bishops na dapat magkaroon ng Character Change sa larangan ng pulitika sa Pilipinas. Dito malaki ang role na gagampanan ng ating mga bishops

Q: Gloria is also joining on that . .

SPMBV: Saan?

Q: Doon sa Character Change?

SPMBV: Di ko alam. Nag join ba siya?

Q: Yung bishop, sinusuportahan nya Sir?

SPMBV: Are you telling me kung susuportahan ba niya?

Q: Oo

SPMBV: Sumusuporta naman ang lahat sa Character Change, ang problema lang dyan ang lahat ng gusto nilang palitan ay hindi sila.

Q: Anong character Sir ang ichachange?

SPMBV: Ha?

Q: Sa pagpapalit yata ng tao. . .

SPMBV: Anybody except siya. . . (laughing)

Q: Sir sa dumaraming political killings. . .

SPMBV: Ito yung nakakabahala, itong mga ganitong political killings na ito at sumusobra na. Masyado nang malakas yung loob ng mga killers ngayon at sunod-sunod ang mga pangyayari para talagang wala ng takot. Malaking problema ito sa ating PNP, sa ating pamahalaan, at kinakailangang may mangyari dito. Otherwise napakapangit na litrato ng ating bansa yan at napakapangit sa ating ekonomiya.

Q: Sir paki explain ng except siya . . ?

SPMBV: Kung sino ang tatanungin mo.

Q: Ahh . . .

SPMB: Oo, Except siya. . . (laughing)

Q: Sir paano yung sa CA? Last session na this week, papano yung mga cabinets na hindi macoconfirm?

SPMBV: Kailangan iconfirm ulit ng Pangulo yan, pero magkakaroon ng final meeting this Wednesday and I think mga 2 cabinet members ang ipipilit at titingnan namin kung macoconfirm. Baka si Sec. Lapus at titingnan ko muna si Sec. Neri kung pwede pa.

Q: How about Yap?

SPMBV: Yap, baka hindi pa eh, hindi pa yata. So yun muna yung 2 na yun. Titingnan nalang natin kung maihahabol pa rin si Sec. Angie Reyes.

Q: Si Sec. Arroyo sa defense. . Joker Arroyo?

SPMBV: Ha? Thats a big joke. . . Arroyo . . (laughing)

Q: So Sir bypass na yun?

SPMBV: Pag di na-aksyunan baypass na un. (end)

News Latest News Feed