Press Release
April 15, 2008

Transcript of interview with Senator Mar Roxas on ABS-CBN's 'Umagang kay ganda'

On calls for emergency powers for the President:

Q: Pabor ba kayo sa panukalang bigyang emergency powers and Pangulo para tugunan ang rice crisis?

MAR: Hindi na kailangan ang emergy powers para tugunan itong rice crisis. May sapat na kapangyarihan ang tanggapan ng Pangulo at ang mga ahensiya ng gobyerno para tugunan ang problemang ito.

Q: Ano ang tamang solusyon dito?

MAR: Una ay tanggapin na may problema tayo. Ang isa sa pinakamalaking pinagmumulan ng confusion at problema ay yung pagsasabi ng administrasyon na wala tayong problema. Papaano tayo uusad, papaano tayo maghahanap ng solusyon at kung ano ang tamang solusyon kung hanggang sa ngayon ay wala pa tayong problema? Ang mga ginagawa sa ngayon ay tinutukoy ang mga simptomas ng problema: yung pagpila, yung distribution, yung hoarding, yung price manipulation. Maganda rin iyan pero kulang pa rin iyan. Ang problema natin ngayon ay yung kakulangan ng supply ng bigas, at may emergency powers o hinde, kung kulang talaga ang supply ng palay at ng production ng bigas, hindi naman ito maa-abrakadabra sa pamamagitan ng emergency powers na mareresolba agad-agad.

Dapat ihinto lahat ng land conversion para hindi na mabawasan ang lupa na sinasaka ng ating mga kababayan. Imbestigahan natin kung sino ba itong mga nag-convert, lalong-lalo na mga irrigated lands, na mula irrigated agricultural land ay na-convert sa ibang mga gamit.

Yung mga irrigated na lupa sa ngayon, dapat lahat ng mga inputs, i-supply na diyan. Tulungan sila, magmula sa mga seeds, fertilizer at sa iba pang mga kinakailangan, kasama ang irrigation. Kung kailangan na small-water impounding, doon na ibuhos sa mga irrigated lands sa ngayon, nang makasiguro tayo na sa susunod na ani, ito ang pinakamasagana na maaari.

Q: May mga immediate solutions ba para sa crisis?

MAR: Wala talagang immediate iyan, kase hindi naman ima-magic ito, kase kailangan itanim iyan tapos iaani. Yung dating solusyon na bibili tayo mula sa pandaigdigang pamilihan, ngayon hindi na maaari. Ang bigas ngayon sa world market ay pumapatak ng $900 per metric ton, dati-rati mga $350 per metric ton. So yung dating pananaw na short-term solution parati na kung kulang ay 'di bale kase bibili naman sa world market, ay ngayon malinaw na hindi na maaaring mangyari. Mahal na masyado at walang supply, walang bansa ngayon na makakapag-commit ng supply.

News Latest News Feed