Press Release
April 16, 2009

Transcript of interview with Senator Manny Villar
with RMN/DZXL - Ely Saludar

Q. Ano po ang reaksyon nyo sa sinasabing kumakalat na committee report na nagdedeklara na may basehan ang reklamo laban sa inyo?

Villar: Ako ay nagulat dyan sapagkat iba namang klase na injustice yan, dahil unang-una naman ay hindi ako naniniwala at lahat ng oposisyon ay hindi naniniwala na may fairness dyan. Ang nag aakusa ay ang Chairman at ang miyembro ng komite ay karamihan mga presidentiables na noong nakaraang panahon ay nagdeklara na naniniwala sila na tama ang issue sa akin. Yung kahapon ay ibang klase yun, nung kamakalawa, ang tsismis dun ay umiikot na pala, pinipirmahan na, hindi pa nagkakaroon ng first hearing. Bago mag hearing may desisyon na. Kaya medyo na-shock kami dun kasi hindi dapat mangyari yan sa isang institusyon tulad ng Senado at lalo kong napatunayan na walang hustisya dito. Babanggitin ko lang ako ay nagmamalaki sa C-5 na yan, kaya hindi issue sakin yan. Merong 5 milyong kababayan natin mula Cavite, Paranaque at Las Piñas ang direktang makikinabang. Pati mga taga QC kaya ako ay nagugulat sa mga ginagawa na it. Maliwanag namang pang-eleksyon lamang at nakakalungkot na ginagamit pa ang Senado.

Q. Kayo po ay naging pangulo ng Senado, Ano po ba talaga ang tamang proseso ng pagiimbestiga ng Ethics Committee sa sinumang senador na may reklamo?

Villar: Ito nga ang nakakalungkot kasi binago ang rules, iniba nila ang rules ng Ethics para mauna yung sakin. Dahil sa dami rin ng ethics case dyan nakalinya lang yan , dati first come, first served, ngayon binago ang rules para mauna ang sakin. Ibang klase talaga ang makikita nyo dito pero hindi lang sa senado sa lahat, para yang nag eleksyon ka at may resulta agad. Kung baga bukas pa ang eleksyon tapos ngayon pinapipirmahan na ang resulta, ganun ang equivalent nyan. Pati ang minority leader namin ay humingi ng paliwanag tungkol dito sa kadahilanang nakakasira ito sa Senado,. Ngayon pa lang ito nangyari sa history ng Senado.

Q. Senator hindi po ba kayo nakuhanan ng statement or paliwanag sa panig na ito?

Villar: unang-una talaga wala kaming planong sumali dyan, san ka naman nakakita na ang nag aakusa sayo ay yung chairman at miyembro nito ay deklarado nang boboto laban sayo, dahil kalaban mo nga sa eleksyon? Pero ibang klase ito, wala pa akong komento dyan dahil nga first hearing pa lang ito, titingnan pa lang kung anong kaso pero ito may desisyon na kaya nakakalungkot ito at humihingi kami ng paliwanag dito hindi lang sa miyembro ng Ethics committtee kundi sa liderato ng Senado na dapat naman ipaliwang ito.

Q. May balak po ba kayo na magreklamo mismo sa pangulo ng Senado kasi kung mismo sa kapwa senador parang hindi po nabibigyan ng tamang proseso papano na ang ibang kaso sa isang sa pangkaraniwang mamamayan pupuwede pong mahambing ito?

Villar: yun nga, kung ang mga senador ay hindi mabibigyan ng fairness dyan papano na ang mga pangkaraniwang mamamayan natin at sabi ko nga ang mga myembro ng komite dyan na tatakbo pa naman , ang aga-aga naman nilang pinapakita ang klase nila ng hustiya na mangyayari sa ating bayan, pero dito sa senado talagang hiyang-hiya kami sa nangyari na ito.

Q. May plano ho ba kayong ireklamo mismo ang ethics committee sa pangulo ng senado ?

Villar: sabi nga ng iba kami naman ang magreklamo sa ethics committee, clearly unethical ang nangyari na ito, pero nag-complain na ang aming minority leader na si Nene Pimentel sa Senado.

Q. Pero binibigyan po kayo ng limang araw na palugit para sagutin ang reklamo na ito?

Villar: Pag uusapan namin, hindi naman namin nirerecognize ang committee na yan maliwanag na kangaroo court yan, alam mo na ang magiging desisyon, ito nga meron na ngang desisyon hindi pa naghi-hearing kaya hindi talaga naming sasalihan yan bagamat pag-uusapan namin yan.

Q. Updates po sa OFW Helpline nyo at yung mga tinutulungan nyong ating kababayan na OFWs.

Villar: Lalo pang dumarami ang tumatawag sa amin at lalo ko pang pinalawak ang aking programa, marami pa kaming papauwiin at tutulungan sa iba't ibang pamamaraan, siguro ito ang dahilang ng global crisis, marami sa ating kababayan ang nawawalan ng trabaho sa ibang bansa at pinauuwi na dito kaya ako ay nanawagan sa ating gobyerno na dapat palakihin ang programang ito at dadami pa itong mga may ganitong problema. Sa aking panig naman, yung aking helpline, talagang pinalaki ko na at halos dito nauubos ang aking oras sa pagtulong sa mga OFWs na nangangailangan.

Q. So tuloy-tuloy at marami ang reklamo lalo na sa mga nabibiktima ng illegal recruitments.

Villar: Binibigyan ko ng abogado yung iba, to the point na ako na ang mag-file ng kaso sapagkat hindi naman tama itong mga kababayan natin na naghahangad na kumita ng konti at makaahon sa kahirapan ay niloloko pa kaya galit kami sa mga recruiters na ito at kaya nagpo-provide kami ng mga abogado dun sa mga gustong kasuhan ang kanilang recruitment agency.

Q. Panawagan nyo po sa ating mga kababayan na may mga kamag-anak sa ibang bansa na may problema at walang malapitan na ahensya.

Villar: Kung mayroon po kayong suliranin o kung may problema po kayo, wag po kayong mag-atubili, tumawag lang po sa amin, gagawin po namin ang aming makakaya, ang amin pong numero ay 0917-4226800, pipilitin po naming makatulong.

News Latest News Feed