Press Release February 13, 2012 MANIFESTATION OF SENATOR TG GUINGONA NOT TO UPHOLD TRO Mr. PRESIDENT: Tumayo po ako para iparating ang damdamin ng maraming mga kababayan antin na aking nakausap nitong nakaraang ilang araw. Biyernes pa lang po nang gabi, kalat na ang balita na naglabas ng Temporary Restraining Order ang Korte Suprema laban sa Senado na gumaganap ng tungkulin bilang isang Impeachment Court sa ilalim ng ating Konstitusyon. Gusto ko lang pong ipahayag ang damdamin ng mga kababayan natin matapos makarating sa kanila ang ganitong balita. Dalawa po, Ginoong Pangulo. Una, pangamba. Fear and worry. Pangalawa, pagkabigo. Disappointment, frustration bordering on despair. Bakit pangamba? Ganito po ang paliwanag. Naglabas ng TRO ang Korte Suprema na pumipigil sa atin na tingnan ang ilang bank accounts ng nasasakdal. Ang pangamba ay ito - meron pang isang TRO petition ang nasa korte suprema ngayon. Ano daw po ang pipigil sa korte na maglabas ng pangalawa ? O pangatlo? O Pang-apat? Pangalawa po, ginoong pangulo, pagkabigo. Ang sabi, eto na naman tayo. Ayaw na naman ipakita sa atin ang buong larawan. Ayaw na naman tayong bigyan ng access sa katotohanan. Bigo. Nangangamba. Ginoong Pangulo, yumuko tayo sa unang TRO na ibinato sa Impeachment Court na ito. Ang tanong ng mga kababayan natin: may dahilan pa po ba para hindi yumuko ang Impeachment Court sa susunod na TRO na ibabato sa atin? At sa pangatlo? At sa pang-apat? Isa pa pong tanong: hindi daw po kaya ang TRO na ito ay isa na namang paggamit ng teknikalidad ng batas para pahirapin ang paghahanap nila ng katotohanan. Hindi daw po ba ito magreresulta sa "bankruptcy"? Bankruptcy of transparency? At bankruptcy of accountability? Pero mas mahirap tanggapin ang maging bankrupt ang buong prosesong ito sa transparency at accountability sa mga kababayan natin. Ginoong Pangulo, iginagalang ko po ang aking mga kapwa senador-hukom, at iginagalang ko ang desisyon ng nakararami. Pero, mahalaga pong kahit sa ilang sandali ay madinig sa bulwagang ito ang damdamin ng ating mga kababayan. Ang damdamin ng pangamba. At ang damdamin ng pagkabigo. Ng isa na namang malaking pagkabigo sa paghahanap ng katotohanan. |
Thursday, November 7
|