Press Release
February 24, 2020

GRACE POE OPENING STATEMENT
Public Services hearing on franchises Feb. 24, 2020

Para naman sa ikalawang bahagi ng pagdinig, tatalakayin natin ang prangkisa ng ABS-CBN at anim na iba pang broadcast corporations na nag-aapply rin para sa renewal. Without encroaching on the existing quo warranto petition filed in the Supreme Court and the separate proceedings in the House, this hearing will seek to discuss two Senate resolutions: one calling for an investigation on the compliance of ABS-CBN with the terms and conditions of its franchise, and the other is on Senator Drilon's resolution for the proposed extension of its franchise until 2022 in order to give both Houses of Congress additional time to review the application for renewal.

Binibigyang diin natin na ang pagdinig na ito ay parte ng kapangyarihan ng Senado batay na rin sa nakasaad sa ating Konstitusyon na hindi naman taliwas sa mga nagging desisyon ng Korte Suprema patungkol sa hurisdiksyon sa pagdinig ng mga prangkisa at sabayang pagtalakay ng mga isyu.

Bagama't mas madalas na nagmumula ang mga franchise bills sa Kongreso o sa House, hindi na rin bago na magkaroon ng sabayang pagdinig para sa mga mabilisang lehislasyon lalo na ang mga prayoridad ng Presidente tulad ng budget at TRAIN law.

Maraming gustong pumigil sa pagdinig na ito o kinukuwestyon ang pagdinig na ito pero naninindigan ang Senado sa kapangyarihan nito bilang kapantay na sangay ng gobyerno sa isang republika at demokrasya.

Kailangan nating panatilihin ang balance at separation of powers. We need to know the truth and we need the public to hear it. Kailangan malaman natin ang katotohanan para magabayan ang Senado kung ano ang mga kailangan nating baguhin sa mga batas na ipinasa nito.

Kasabay rin nating tatalakayin ang anim na iba pang prangkisa na nag-aapply rin ng renewal. We have the application for renewal of broadcast franchises of Global Satellite Technology Services Inc., Golden Broadcast Professional, Inc., Gold Label Broadcasting System, Inc., Broadcast Enterprises and Affiliated Media, Inc., Crusaders Broadcasting System, Inc., and Bicol Broadcasting Systems Inc.

In the interest of equality, we tackle these in order of transmittal from the House with due consideration to the date of their expiry.

News Latest News Feed