Press Release May 13, 2020 Statement of Sen. Francis "Kiko" Pangilinan on the House committee of the whole approving HB 6732 which grants ABS-CBN a franchise until October 31, 2020 "OK na rin, lalong-lalo na sa 11,000 empleyado ng ABS-CBN at sa milyon-milyong mga kapamilya na nanonood dito at nakakatanggap ng balita sa panahon ng pandemya. May pansamantalang lunas na Band-Aid. Pero parang asong nakagapos sa leeg ang kumpanya. Hihilahin lang nang mahigpit at hindi na maaaring tumahol at sa halip ay hihiyaw sa hapdi. Bakit 5 buwan lang at hindi 25 years tulad ng lahat ng iba pang nabigyan ng mga prangkisa ng Kongreso? Hangga't hindi naaprubahan ang franchise, maituturing pa rin na pag-atake sa media at press freedom at paghamak sa ating demokrasya ang nasabing usapin." |
Friday, April 26 Thursday, April 25
|