Press Release
August 19, 2020

CLOSING STATEMENT OF SENATOR RISA HONTIVEROS
Senate Committee on Public Order Hearing
August 19, 2020

Just my brief last note for this afternoon. Wag po nating payagan ang anumang cover up sa ginawa ng ilang miyembro ng PNP sa Armed forces sa Jolo. Sorry po talaga, pero mukha talagang pre-meditated ang ginawang pagpatay. Otherwise, Mr. Chair, the whole thing simply doesn't really make sense.

I have a feeling that there are pieces of the puzzle, we don't know. We still do not know the intent or the motive of the killing. We have the when, where, how, some of the who kasi halimbawa yung nakapula sa video mukha namang mas matangkad kay Patrolman Mandangan kaysa kay Police Staff Sergeant Susulan na nandiyan ngayon kasama natin, so magdududa talaga ang mga tao bakit parang may iba? May mali? We know some of the who but not the why. Hangga't hindi natin alam ang sagot sa why, hindi natin mabubuo ang kumpletong picture at baka maulit pa ito. Who called the shots and why? We need the answers.

And lastly Mr. Chair dahil nagdedeserve ng answers ang mga magulang nila Maj. Indamog na nagsabing ang asawa nya at anak nila ay nasa Kalinga pa. Nagdedeserve ng sagot yung a few months pa lang na bride, asawa ni Captain Managelod. Nagdedeserve ng sagot ang asawa at mga anak at mga magulang ni Sergeant Velasco. Nagdedeserve din ng sagot ang pamilya ni Corporal Asura na kanina lang binabansagan pa ng isang krimen.

News Latest News Feed