Press Release
September 1, 2020

Manifestation of Senator Christopher "Bong" Go
Re: The Committee Report of the Committee of the Whole about Philhealth

The Committee Report states the findings of the Senate on the issues hounding the PhilHealth. I congratulate this august chamber for our efforts to help the administration in its campaign against corruption.

I agree with most of the recommendations stated in the Committee Report. However, I leave it to the President to judge as the sole appointing authority, if there is a need to make changes in his Cabinet. This is my only reservation upon signing the Committee Report. Nevertheless, I commend my colleagues in the Senate for these findings and recommendations that will help our colleagues in the Executive branch in doing their jobs.

Dahil sa efforts natin dito sa Senado, lahat po, lumabas ang katotohanan. After numerous hearings, heads will finally roll. Less than two years na lang sa pwesto ang ating Pangulo, at sana ay patuloy po tayong magtulungan para tuluyang magsugpo ang corruption.

Bukod dito, kailangan na kailangan rin natin ng maayos na health care insurance system, lalo na ngayong panahon ng pandemic. Nakita naman natin sa mga hearings last year pa na kailangan talaga ng malawakang pagbabago sa pagpapatakbo ng PhilHealth.

Kagabi lamang, nakapagtalaga na po ang ating Pangulo ng bagong mamumuno ng PhilHealth. To Atty. Dante Gierran, dati po itong NBI Director, sana ay palagi mong isapuso ang sinabi ng ating Pangulo - narinig ko po iyon - at ang mandato natin bilang mga public servants. Your job is to stop corruption. Hutda sila. Putla ilang kamot. Bisaya yon, bahala na kayong umintindi. Sa English, do your best. Ang marching orders sayo ng Pangulo ay linisin mo ang ahensya but also ensure that the public gets the best services from PhilHealth.

I am optimistic that you will be able to focus on stopping the deep-rooted, systemic corruption that has been there in the agency for many years already, while balancing the need to improve PhilHealth in providing the best service to Filipinos through better access to quality health care especially during this time when the country is facing a health crisis.

Ang magiging misyon mo ay ibalik ang tiwala ng taumbayan sa PhilHealth at siguraduhin na ang pondo ay magagamit sa tama para mabigyan ng maayos na serbisyo ang mga Pilipino, lalo na pagdating sa kalusugan.

Ibigay dapat sa tao ang serbisyong dapat nilang makuha. Ang gusto nating marinig sa mga susunod na mga reports ay kung ilang pasyenteng Pilipino na ang natulungan ng PhilHealth, bukod pa sa pag-account kung ilang milyon ang nawaldas at dapat maibalik po ito - yung mga nakurakot - at dapat pong managot, at kung sinu-sino ang dapat masuspinde, masisante, makasuhan, at makulong yung mga napatunayang nagnakaw.

Nag-utos na rin po ang Pangulo ng reshuffling ng regional vice presidents ng PhilHealth, at yung mga iba pa, not only regional vice presidents, basta involved po sa mga katiwalian at hindi matanggal sa pwesto, ipapa-assign niya po sa Malacanang. Ongoing na rin ang pag-iimbestiga ng task force na ginawa ng ating Pangulo. Sa mga subject ng investigations, please cooperate. Kung wala naman kayong kasalanan at wala kayong itinatago, hindi kayo dapat matakot.

Sa mga magnanakaw sa PhilHealth, inuulit ko. Hindi natatapos ito sa pagsuspinde o pagsibak sa inyo. Sisiguraduhin namin na mananagot kayo sa batas at makukulong kayo. As long as there are people like you in government, we will not stop in our efforts to remove rotten eggs like you who are destroying public service and the public's trust in government.

Sabi ko nga noon, kung hindi lang magagalit ang Human Rights advocates, dapat pilayan o putulin ang daliri o kamay ng mga corrupt para matigil talaga ang kalokohan. Kung may reklamo ang human rights advocates sa aking rekomendasyon, welcome naman po kayong tumulong sa laban na ito at kung willing sila, pwede rin po silang magbigay ng rekomendasyon kung paano dapat paandarin at linisin ang PhilHealth.

Aside from fighting for human rights, I urge you to also look into other rights of our people. Karapatan rin ng mga Pilipino ang mabuhay ng tahimik at yung pera nila ay walang masasayang o mananakaw dahil sa corruption. Ang pinaglalaban ko dito ay ang karapatan ng bawat Pilipino na dapat mabigyan ng assurance na ang pera nila ay nagagamit ng tama, nararamdaman nila sa pamamagitan ng maayos na serbisyo, at hindi nananakaw ng mga kurakot dyan.

Let this also be a warning sa mga magnanakaw sa iba pang agencies. Lalabas at lalabas rin ang katotohanan.

Ang walang katapusang corruption ay para ring pandemya. Kailangan talaga magkaroon ng bakuna o gamot na tatalab laban sa sakit na korapsyon na sumisira sa kalidad ng serbisyo at integridad ng gobyerno. Marami naman sa gobyerno na honest at gusto lang po magsilbi sa kanilang kapwa Pilipino. Huwag nating hayaang mahawaan sila ng sakit na ito.

I urge my colleagues to continue helping the administration in cleansing government. Kung may nakikita tayong katiwalian, ilabas natin dito. Hindi tayo nagtatapos sa PhilHealth lamang. May mga ibang ahensya pa dyan na may problema ng korapsyon sa loob at sa baba. Tuluyan na natin.

Let us work together to get to the bottom of this. Those from the Executive, those from the legislative, even those in the Judiciary, magtulungan na lang po tayo. We need a whole-of-nation approach in order to give Filipinos the kind of service they deserve.

Thank you, Mr. President.

News Latest News Feed